Matagal ng nakapasok sa loob si Leandro ng maisipan ni Chesca na buksan ang cellphone niya, pampatanggal ng inip. Sunod-sunod na naman ang call alerts na dumating doon at karamihan ay kaninang umaga lang. Ang nakarehistrong numero doon ay numero ng kanilang bahay. Napakunot-noo si Chesca. Alam niyang si Yaya Lomeng lang ang magtatawag sa kanya gamit ang telepono nila. Bigla siyang kinabahan. Bakit naman ako tatawagan ni Yaya lomeng? tanong niya sa sarili. Papatayin na sana niya iyong muli ng bigla iyong tumunog. Numero ng bahay nila. Nag-isip siya kung sasagutin iyon o hindi, at mas pinili niyang sagutin iyon. “Hello?” “Chesca, salamat naman at sumagot ka na,” tila nakahinga ng maluwag ang matanda ng marinig ang kanyang boses. At nahihimigan din niya doon ang matinding pangamba a

