Bumaba na si Chesca pagkatapos niyang mapatulog si Jacob. Nakita niyang nakaupo sa may verandah si Leandro at tila kay lalim ng iniisip. Tutuloy na sana siya sa kwarto nila ng makita siya nito. “Ikay,” tawag nito sa kanya sa napakaseryosong tinig. Bigla siyang kinabahan. Titig na titig ito sa kanya. Mga tinging nang-uusig. Ang kaninang masayang anyo nito ay nawala. Nag-aalangan siyang lumapit dito. “Sir, bakit ho?” tanong niya habang nakayuko. Hindi niya makayang salubungin ang mga titig nito. Nanlalambot ang tuhod niya. “Why didn’t you tell me Ikay?” ang malamig na tanong nito sa kanya. “S-Sir? Ang alin po?” nauutal niyang tanong dito. Ang kaba sa dibdib niya ay hindi mawala-wala. Halos pangapusan na siya ng hininga. Huminga ito ng malalim. “I know what you did. Enrico told me

