Pagkasabi noon ay tatakbong umakyat paitaas si Enrico. Sinundan nila ito ng tingin paakyat. Sinulyapan niya sina Jacob at Alejandro, at kita sa mukha ng mga ito ang takot. Takot na baka sa kanila naman magalit ang ama kaya dali-dali ding umakyat ang mga ito sa itaas. Sumunod siya kay Jacob. Alam niyang hindi pa nito masyadong naiintindihan ang nangyari kanina. Aayaw niya itong magtanim ng takot sa dibdib nito para sa ama. Dahil kapag nangyari iyon, alinman sa maging kagaya niya ito sa hinaharap o mas matindi pa ito sa kanya. “Jacob…” tawag niya pagpasok sa kwarto nito. Nakita niyang hawak nito ang ipad nito at naglalaro doon. Nilingon siya nito. Naroroon pa rin ang pangamba at takot sa mga mata nito. Nilapitan niya ito at hinaplos ang buhok. “Natatakot ka ba?” tanong niya dito. Tuma

