Maaga pa lang kinabukasan ay gising na si Francesca. Sinadya niya talaga iyon para makausap si Enrico. Alam niyang maaga din itong gumigising para gawin ang assignments ng mga kaibigan nito. Kahit na ang maging tingin nito sa kanya ay pakialamera… atribida… wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay mapaalalahanan niya ito. Dumaan din siya sa ganoong edad pero hindi naman niya hinahayaang apihin siya ng mga kaklase niya. Palaban siya. At kahit sa mata ng daddy niya, isa siyang pasaway at rebelde, hindi naman siya gumagawa ng mga bagay na ikapapahamak niya. She has a lot of friends, but she hates bullying and fake friends. Kaya nga ba hindi na siya nakikipaglapit ngayon sa mga itinuring niyang kaibigan dahil wala naman siyang aasahan sa mga ito. Naririyan lang sila kapag may kailangan sa k

