Lunes na naman at sanay ng magising si Chesca ng maaga. Umakyat kaagad siya sa itaas para intindihin si Jacob, pero nakita niyang nakaawang ang pintuan ng kwarto ni Enrico. Dahil na-curious siya, sinilip niya iyon. Narinig niyang nasa banyo ito. Nakita niyang nagkalat pa ang mga gamit nito. Ang ibang mga notebooks ay nakabukas pa at tila hindi pa ito tapos magsulat doon. Aalis na sana siya doon ng mapansing parang kayrami naman nitong gamit. Parang nasa dalawampu ang mga notebooks na nakikita niya. Sa pagkakaalam niya, wala pang sampu ang subjects sa high school noong siya’y nag-aaral. Tuluyan na siyang pumasok sa loob at tiningnan ang mga iyon. At nagulat siya sa nakita. Hindi dito ang ibang gamit na naroroon. Sa mga kaibigan nito. Dinampot niya ang mga hindi pa nito natatapos sula

