Halos maggagabi na ng matapos ng mga ito ang ginagawa. Sa buong oras na iyon, tanging pagmamasid lang sa mga ito ang ginawa ni Chesca. Agad niyang sinamahan paakyat si Jacob sa kanyang kwarto para maglinis ng katawan. At dahil siguro sa pagod, maaga itong nakatulog at hindi na nakakain pa. Kaya maaga din siyang nakababa at nakapagbihis. Nanlilimahid na rin kasi siya. Nang makatapos siya, sa halip na matulog ay kinuha niya ang kanyang cellphone. Ini-on niya iyon. At gaya ng dati maraming text messages at call alerts na galing sa daddy niya. Masama pa rin ang loob niya dito, kaya hindi pa rin niya magawang buksan ang mga mensahe nito o tawagan man lang ito. Hindi niya alam kung ano ang intensyon nito kung bakit gusto siyang ipadala sa U.S., pero isa lang ang nagtutumining sa isipan niya.

