Bumalik si Nanay Mercy sa loob para tawagin si Enrico. Kumatok muna ito sa pintuan. “Enrico… Enrico,” tawag nito. Binuksan naman agad iyon ni Enrico. “Ano po iyon ‘Nay?” ang magalang na tanong ni Enrico dito. “Hindi ka pa ba nagugutom anak? Aba’y tanghali na. Kaninang umaga hindi ka rin kumain. Halika na doon sa baba para makasabay ka ng mga kapatid mo,” yaya ni Nanay Mercy dito. “I’m fine Nanay. I will just eat later,” sabi nito. Napakunot-noo si ‘Nay Mercy. “Bakit? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong nito. “Wala po,” mabilis na sagot ni Enrico. “Hindi pa lang po talaga ako nagugutom,” sabi nito. Tumango-tango naman si Nanay Mercy, “Ganoon ba? Siya sige… Kapag nagutom ka bumaba ka lang, ha?” magiliw na sabi nito. Nahihiwagaan si Nanay Mercy dito. Ngayong medyo maayos na s

