Araw ng Sabado. Maaga pa lang ay gising na si Jacob. Hindi pa nga nagigising si Chesca ay gising na ito. Ito pa mismo ang gumising sa kanya na ikinagulat niya. Mukhang excited na excited talaga ito sa gagawin nila ngayong araw. Dahil pare-pareho naman silang walang pasok, tutulong na rin siya sa mga ito. Nag-almusal mag-isa si Jacob. Hindi na nila naabutan pa doon ang daddy nito. Maagang-maaga daw itong umalis sabi ni Nanay Mercy. Sina Enrico at Alejandro naman ay tulog pa rin. “Jacob, gusto mo ba saluhan ka ni Yaya sa pagkain mo?” tanong niya dito. Ganoon kasi ang ginagawa ni Yaya Lomeng noon sa kanya o kaya siya na mismo ang sumasalo sa mga katulong kapag wala sa kanila ang daddy niya. Tinitigan siya nito. Wari’y tinitimbang sa isip ang kanyang sinabi. Maya-maya’y nakita niyang m

