Prologue
2003
“I’m so sorry, Mr. Lagdameo. Maraming nawalang dugo sa Misis ninyo. We couldn’t save her... but your son survived.” Ang masaklap na balita ng doktor kay Leandro paglabas nito ng operating room. “He’s going to be incubated for a month or two. You can talk to his pedia anytime now,” sabi pa nito. Pagkatapos ay huminga muli nang malalim bago muling nagsalita, “Again. . . I’m so sorry.” Pagkasabi noon ay bumalik muli ito sa loob ng operating room.
Marahas na napabuntonghininga ang nakaabang na si Leandro sa labas ng O.R. Pakiramdam niya’y namanhid ang kaniyang buong katawan sa narinig. Para siyang itinulos sa kaniyang kinatatayuan at tulalang napatingin siya sa nakasarang pinto. At the age of twenty-two, he became a father and a widow.
Childhood sweetheart sila ni Cheska, ang kaniyang asawa. Parehong may kaya ang kanilang pamilya at dekada na rin ang binilang ng pagkakaibigan. Dahil sa udyok ng mga ito, nagpakasal silang dalawa nang mas maaga. Para daw mas mapagtibay pa ang samahan ng kanilang mga pamilya.
Ngunit, hindi niya inaasahang ganito ang kahahantungan ng lahat. Ni wala pa silang isang taong naikakasal ni Cheska. Napaaga ang panganganak nito. Nasa ika-pitong buwan pa lang ito nang bigla itong duguin, kaya dali-dali niya itong isinugod sa pinakamalapit na ospital.
Umpisa pa lang ng pagbubuntis nito noon ay binalaan na sila ng doktor na baka hindi iyon kayanin ng kaniyang asawa, dahil sa asthma nito, na maaaring lumala at makaapekto sa kanila ng sanggol. Pero mapilit si Cheska at wala siyang nagawa kundi sundin ang kagustuhan nito. Kaya heto siya ngayon, gulong-g**o ang isip at hindi malaman ang gagawin.
Naihilamos niya ang kaniyang mga kamay sa mukha. Hindi niya makuhang umiyak sa bilis ng mga pangyayari.
Matagal siya sa ganoong posisyon nang biglang may kumalabit sa kaniyang tagiliran. Nilingon niya iyon. Isang batang
babae ang nakita niyang nakatayo sa tabi niya. Ang singkit nitong mga mata ay misteryosong nakatingin sa kaniya.
“What’s your name?” tanong nito. Sa tantya niya ay nasa pitong taong gulang pa lang ang bata. May hawak itong teddy bear sa isang kamay.
Hindi siya sumagot. Iginala niya ang paningin sa paligid. Hinahanap kung may kasama ang bata.
“I’m Chesca. How about you?” pangungulit nito sa kaniya.
Nagulat si Leandro sa narinig. Of all the names, kapangalan pa talaga ng kaniyang asawa.
Tinitigang maigi ni Leandro ang bata. Makatawag pansin ang itsura nito. Mukha kasi itong lalaki dahil sa polo shirt at short na suot. Maiksi ang gupit ng buhok nito na tinatakpan ng baseball cap. Pero hindi maikakatwa noon ang mahahaba nitong pilik-mata at napaka-cute na ilong. Iyon nga lang, tila ito galing sa pag-iyak dahil sa pamumula niyon.
“Who’s in there?” tanong ulit nito. Ang tinutukoy ay ang nasa loob ng operating room.
Humugot si Leandro ng malalim na paghinga bago ito sinagot, “My wife.”
“Did something happen to your wife? My Mom’s doctor said, she won’t be with us anymore,” malungkot na sabi nito. Para itong nagsusumbong sa itsura.
Nakita niya rin na para itong maiiyak.
Naawa siyang bigla, kaya marahan niya itong tinapik sa balikt.
Suminghot ito para pigilan ang pagpatak ng mga luha bago muling nagsalita, “May I know your name?”
Napailing siya. Napakakulit!
Pero hindi naman napigilan ni Leandro na bahagyang mangiti. Para itong ang namayapa niyang asawa. Makulit.
“Leandro. . . Leandro Lagdameo,” sagot niya.
Inilahad ng batang babae ang kanang kamay kay Leandro. “My name is Francesca Quijano. But you can call me Chesca. My Mom used to call me that,” pakilala ulit nito sa sarili.
Tinitigan niya ang maliit nitong palad bago iyon tinanggap. Ngumiti naman ito nang magdaop ang mga kamay nila.
“So, tell me Leandro, how old are you?” tanong na naman nito.
Doon napangiti si Leandro nang todo. First name basis agad at parang matagal na silang magkakilala kung tukuyin siya ni Chesca.
“Why?” curious niyang tanong dito.
Tila nag-isip muna ito bago sumagot, “I’ll tell you a secret. But promise me, it’s just between us.” Mataman siyang tinitigan nito sa mga mata.
Tumango siya. Nakita niyang nagmuwestra ito ng kamay at pinalalapit siya. Sinunod naman niya iyon.
“I liked you. And when I grow up, I promise to marry you,” mahinang sabi nito na tila ba may ibang tao sa paligid na maaaring makarinig sa sinasabi nito.
Nagulat si Leandro sa narinig. Ngunit, hindi niya napigilan ang sarili na magpakawala ng isang malutong na halakhak. Hindi niya akalaing iyon ang sasabihin nito. Bukod pa roon, nakalimutan niya rin ang sitwasyong kinalalagyan nang mga sandaling iyon.
“Why are you laughing?” nakasimangot na wika nito at humalukipkip. Hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pagtawa.
“Nothing.” Umiling si Leandro.
“I’m serious with that, Leandro,” sabi pa nito sa determinadong tono.
Hindi nakuhang sumagot ni Leandro. Tiningnan niya ang bata sa mga mata at kitang-kita nga roon ang determinasyon.
“May I know where do you live?” tanong ni Chesca na hindi siya hinihiwalayan ng tingin.
Napailing muli si Leandro. “Your father might be looking for you.”
Ito naman ang umiling. “He won’t bother looking for me. He was too busy talking to his phone and—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin.
Narinig nilang may tumatawag sa pangalan ng bata. Sabay pa silang lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Isa iyong may-edad na babae.
Dali-dali nitong nilapitan si Chesca.
“I was looking for you everywhere. Naririto ka lang pala,” anang babae rito. “Let’s go. Your Dad is waiting for you,” yaya nito sa bata.
Nakita ni Leandro na sumimangot si Chesca. Nilingon din siya nito at seryosong nagwika, “I’ll keep my promise, remember that.”
Napangiti na lamang si Leandro habang sinusundan ng tingin ang papaalis na bata.