Chapter 1
Dalia
Nagising akong humahangos at naghahanap ng hangin, napapanaginipan ko na naman ang nangyari 18 years ago, ngayon ko Lang ulit iyon napapanaginipan, pagkatapos ng ilang taon. naiisip ko tuloy kung nasaan na ngayon ang batang lalaking may berding Mata. Ilang araw lang kaming nagkakasama ng batang iyon tingin ko ay limang taon ang agwat at Mas matanda sa akin. dinala ito ng kamag anak sa ibang bansa at Doon maninirahan. Pero Bago ito nagpaalam ay sinabi pa nito na hahanapin niya ang mga taong may Sala sa nangyari at sabay namin iyong lulutasin. Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ito nagpaparamdam, wala naman akong ibang Alam sa kanya noon, dahil Vin lang ang tanging Nalaman kung pangalan niya.
Wala na rin akong pakialam pa dahil kayang kaya ko iyong gawin mag Isa. Alam ko noon ay nahuli ang mga taong nangngingidnap ng mga Bata, Pero matapos ang mga taon ay muli iyong nabuhay, hindi ko man naibigay Yung tape sa mga kapulisan, nasa akin parin iyon hanggang ngayon. Dahil wala akong tiwala sa nakakataas na opesyal ng kapulisan. Ngayon ay katulad na rin ako ni ate, Kaya ako ang magtatapos ng sinimulan niya, Alam Kung malaking mga Tao ang mga gumagawa ng ganito. Kaya sa ilang taon na pananahimik ay muli itong bumalik. Ibig sabihin hanggang ngayon di parin namatay matay ang ugat ng lahat.
Ito ang hiningi kung mission Kay boss Marco na siyang nag tayo ng dark blood secret agents at pumayag ito. Kaya nga ngayon ay nasimulan ko na.
Muli akong bumalik sa Realidad ng makarinig ako ng mahinang katok. Maya Maya ay bumukas iyon. Bumungad sa akin si manang Rose.
"manang rose, good morning po." pagbati ko dito ng malaki ang ngiti.
"anak, magandang Umaga rin sayo, May bisita ka sa labas, Yung mga kaibigan mo." Sabi nito habang bahagyang ngumiti.
"Sige manang Rose, bababa na ako, pakisabi po na Maliligo lang ako Sandali." Sabi ko dito. "Sige anak." paalam nito Bago muling isinara ang pinto. After 10 minutes ay lumabas ako sa banyo at nagbihis. May lakad Pala kami ngayon.
Pagkababa ko ay narinig ko ang ingay sa baba nailing nalang ako at napangisi.
Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan ng makita ako ni Anastasia. At ang iba pang agents na parang kapatid ko na din.
"bro! Ang aga ninyong mambulabog ha!" bungad ko sa mga ito. Tumayo ang mga ito.
"abay!" ungas ni Anastasia ng makalapit ako inumbangan ako ng suntok. "gaga ka, anong maaga, alas otso na ng Umaga, may lakad pa tayo, kailangan tayo ni boss may bagong mission na ibibigay sa atin." angas na Sabi nito. "hindi ba makapag antay Yan si boss, Gusto ko pang kumain, gutom pa ako." busangot kung Sabi.
"hoy! Dalia sumusubra kana ha! Ang unfair mo, magbaon ka nalang!" parang batang saway ni Andy. Natatawa naman kaming tumingin dito.
"may unfair kapang nalalaman tayo na nga. Drive Tru nalang tayo." Sabi ko sa mga ito.
Napatigil Naman kami ng lumabas si manang sa kusina.
"oh saktong bumaba kana, Hali na kayo at kumain, nakahain na ako ng paburito ninyong bulalo." Sabi nito, mag sasalita pa Sana ako ng hindi ko na mahagilap sa mga kaibigan ko. bigla nalang nawala sa paningin ko ang tatlo. Abay.
"hoy! Sabi nyo late na!" untag ko. Palapit ako sa mga ito, naamoy ko ang mabango ng luto ni manang rose.
"grabe manang rose, nakakasira kayo ng diet namin, ang sarap ng sabaw malasa." bulalas ni light habang humihigop ito ng sabaw, nakataaas pa ang isang paa nito, Para talagang dalagang bukid. Hindi pa ako pinapansin ng mga ito kaya lumapit narin ako at kumain.
"Salamat sa pagkain manang rose." sabay bulalas ng tatlo. Natatawa naman si manang sa sinabi ng tatlo.
"wala iyon mga iha, oh sige na, ako na ang bahala dito, at Alam Kung may importante kayong lakad ngayon. Basta mag ingat kayo palagi sa trabaho ninyo." bilin ni manang rose, hindi ko kasi tinago sa kanya ang trabaho ko, parang nanay na rin ang Turing ko sa kanya.
"upo manang Rose. Thank you sa food." Sabi ni ulit ni light. "ano sa akin di kayo magpasalamat may nalalaman pa kayong late na, kayo din Pala unang uupo. Tsk." Sabi ko sa mga ito Natawa pariho. Hindi narin ito nag Salita pa. Isa isang sumakay sa sariling sasakyan. Tsk. Wala talagang magpapatalo sa pagandahan ng sports car hanip.
" kita kita nalang tayo Doon bro's, ang huling dumating mag do donate ng isang million sa charity na pipiliin." Sabi ni Andy.
"Abay naghahamon ang p*ta, sige Sali ako jan." maangas na Sabi ni Anastasia.
"Abay magpapahuli din ba ako, sige! ." Sabi naman ni light. Saka bumaling ang tatlo sa akin.naiiling nalang akong tumango.
"sige game ako." Sabi ko at pinatunog ang aking Lamborghini Aventador. Kagaya ng ginawa nila sa kanilang sports car.
buti nalang at walang kabahayan dito kaya maluwag ang Daan, Makakapag racing din kami.
Sabay sabay kaming apat nagpatakbo ng sasakyan. Hiyawan at tawanan, after 45 minutes ay nakarating kami sa liblib na lugar kung nasaan ang main office ni boss Marco.
Unang karahinto si Andy pangalawa si Anastasia, pangatlo ako at na huli si Light. Syempre wala lang dito ang isang million, sa dami ba nitong pera, hindi mo mabibilang.
"grabe ang Saya non." bulalas ni Ana. Habang iniiscan ang kanyang palad sa screen. Maya Maya pa ay gumulong ang malaking bato. At pumasok kami sa isang Elevator. Pinindot ni light ang sixth floor pababa, yes pababa. Iba iba ang floor na ito, sa first floor Doon nag te-training ng self defense bagong recruite na mga batang gustong maging secret agent. Sa second floor ay sa pag hawak ng baril at kung paano pagahanin at asinta. Sa third floor doon, ang pagawaan ng device na ginagamit namin sa mission, fourth nandoon ang computer room, Doon ang gumagawa at kumukuha ng locations at informations na pinapahanap namin. Sa fifth floor nandoon ang babaeng kinulong ni boss Marco ng halos 16 years. Ang sixth floor ang opisina ni boss.
Tumunog ang Elevator hudyat na nakarating na kami sa sixth floor. Bumukas iyon at sunod sunod kaming pumasok. Pagkarating namin ay nadatnan namin ang ilan pang agents na kasamahan namin, we're ten agents.
"Agents late na naman kayo." bungad ni Sir Marco. Kamot lang ang naging sagot namin. Ngayon bumalik na naman ang pagiging malamig namin, kapag kaharap na ulit naman ang bagong mission. Isa isang nilatag ni boss ang mga folder sa harapan naming apat, Yung unang dumating ay na bigyan na, at Isa Isa na ring nagpaalam sa amin. Binuksan ko ang folder na nasa harap ko. Agad akong napakurap sa Nalaman.
"Agent cheetah, may Nalaman akong impormasyon tungkol sa islang Yan. Jan kinukulong ang mga batang nawawala, at kailangan mong mahanap kung nasaan ang underground fighting, ang mga Bata ginagawa nilang parang hayop at pinagpupustahan habang nagpapatayan. Yung mga batang babae binibinta sa mga parokyano para gawing bayarang babae. "
Sabi ni boss Marco habang kuyom ang kamao at lumalabas pa ang ugat Doon. Nagtatagis ang mga bagang nito. Ganon din ako Nagtatagis ang mga bagang ko sa subrang gigil at galit. Sa wakas makikita ko na ang dahilan ng pagkawala ng ate ko. Maigagante ko rin sila sa wakas.
"Pero hindi ka mag iisa sa mission na Yan, may kasama ka Doon at galing pa sa US Agent ." Sabi ni boss Marco na ikinakunot ng noo ko.
"hindi madali ang mission mo, at hindi kita hahayaan na mag Isa ka Doon." Sabi nito sabay baling sa dalawa.
"dismissed agents, agent cheetah will stay here." Sabi nito. Agad namang napatayo ang tatlo, sabay baling sa akin na ikinatango ko na rin.
Ilang minuto ang lumipas ng bumukas ang opisina si boss at pumasok ang isang lalaki. Those Eyes.