Prologue
Dalia
"Dalia bilis! pumunta ka sa kwarto mo at
wag na wag kang lalabas hanggat hindi ko
sinasabi! " sabi ni ate. Habang mabilis ang
bawat kilos nito na halos hindi ko na
masundan ang galaw. kita ko sa mukha nito
ang pag ka bahala. sanay na Rin ako na
palagi itong ganito at minsan ay wala sa
bahay, palipat lipat din kami ng bahay na natitirhan, dahil sa trabaho ng ate ko. Isa kasi itong pulis at Maraming tumutugis sa kanya basi sa kanyang kwento. Pero sa tingin ko ay hindi lang basta pulis ang ate ko.
"bakit ate ano ba ang nangyayari? "
naguguluhan kung tanong dito. pabalik balik
ito at may hinahalungkat na kung ano.
parang may hinahanap na hindi makita.
nandito kami ngayon sa library at naka upo
ako sa sofa habang ito ay may tinitignan sa
mga tape na Naka salansan sa lalagyan
nito. Binunot niya ang isa at tingnan. At
naghanap pa ito ng Iba At tingnan isa isa.
may nakita ulit itong isang tape na kulay
itim. Lumingon ito saakin at dinala niya ako
sa Kwarto.
"Dalia, itong dalawang tape na ito, Wag
mong ibigay sa Iba, naiintindihan mo?
Ibigay mo Yan sa lalaking nag ngangalang
Marco Hamilton. Hanapin mo ang lalaking
yun at sa kanya mo lang ito ibibigay. okey."
mariing sabi nito. Habang iginaya ako
papasok sa kanyang kwarto. Wala sa sarili
akong tumango Kay ate Camille.
alam kung anong trabaho ni ate ay pulis,
pero bakit kailangan pa magpalipat lipat ng bahay. palagi nalang itong walang oras sa akin at gabi na uuwi. minsan ko pa itong nakitang umaagos ang dugo sa katawan, hindi ko tuloy maiwasan isipin na bukod sa pagiging pulis ay may illigal itong trabaho, kahit Alam Kung hindi masamang Tao
si ate. Sabi pa niya sa akin ay maintindihan
lang niya ako pag laki ko.
Mula sa kwarto ay umakyat ito sa isang
mahabang closet cabinet at Binuksan nito
ang maliit na butas sa kisami At saka ako
niya Pinaakyat para doon daw magtago.
" ate ano ba ang nangyayari ? bakit ka
Kailangan kung mag tago dito sa kisami ?"
naguluhan kung tanong dito Habang
nakayuko ako at tingnan ito.
"wag ng maraming tanong Dalia, basta wag na wag kang lumabas Jan hanggat hindi ko sinasabi, naiintindihan mo ko? " sabi ni ate. Tumango ako sa kanya Saka ako nito hinalikan sa pisngi.
"mahal ka ni ate ha. Wag mong kalimutan
yun." Sabi pa nito. Namumuo ang luha ko sa
Sinabi nito. Bakit para may pakiramdam ako
may hindi Magandang mangyayari? Bakas sa mukha ni ate Camille ang takot hindi para sa kanya kundi para sa akin.
"mahal na mahal din kita ate, mag iingat ka
po ate ha." Sabi Ko dito tumango naman ito
sa akin at saka hinalikan ako sa pisngi,
sinara ang takip at Bumaba sa cabinet.
Subrang dilim sa loob at ang sikip, Maraming bahay ng gagamba pero hindi ko alintana iyon, Gumapang ako papunta sa may parteng Sala at bigla akong napatigil ng may na rinig akong ingay ng sasakyan.
Maya Maya pa ay magkasunod na yapak
ang na rinig ko kaya nag madali akong
sumilip sa maliit na butas. At nakita kung
may isang malaking itim na Van ang
pumarada sa labas. Gumapang ulit ako sa
kisami at naghanap ng Mas malaking butas.
Saktong Nakita ko ang isang butas para sa
isang bumbelya ng ilaw. Hinila ko ang wire ng ilaw at saka ako sumilip at nakikita
ko ng maayos ang Ginagawa Nila. Malayo
sa kinaroroonan sa Sala at hindi ako
mapapansin. Hawak ko parin ang dalawang
tape na binigay ni ate sa akin.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang
Pitong armadong lalaki. sinalubong ito ni
ate at kinausap. Na rinig ko ang tungkol sa
tape. Siguro itong hawak ko ang hinahanap
Nila.
"hanapin ninyo ang tape!" sigaw ng isa sa kanila.
Maya Maya pa ay tinutukan ng baril si ate
ng Pitong lalaki at nakapalibot sa kanya ang
mga ito. Ang ka sunod na nangyari ay hindi ko Alam Kung bakit hawak na nito ang isang baril galing sa kalaban at tumba na din ang
tatlong lalaki Naka itim. Nagulat ang isang
lalaki ng bigla na lang na Punta sa likuran
sabay Sipa dito at pinaputukan ang isang
lalaki sa hindi kalayuan, binalikan nito ang
lalaki kanina at biglang tinanyakan ang ulo
saka ito Nawala ng Malay, habang ang isa
na ipuputok na Sana ang baril ng maunahan
ito ni ate. Agad akong napasinghap ng
makita kung tumba lahat ng lalaki.
Lumingon si ate ng may pumasok mula sa
pintuan. Isang gwapong lalaki na kulay
green Yung Mata, para itong Greek God sa
Subrang tangos ng ilong at mapupulang
labi. Ang Mata nito at puno na lungkot at
paghihinagpis. Agad nag liwanag ang
mukha ng ate ko ng makita nito ang lalaki.
Pero may kakaiba sa lalaking iyon, walang
buhay ang Mata nito. Naramdaman ito ni
ate kaya bahagya itong lumayo. nagulat na
lang si ate ng tanungin nito kung nasaan
Yung tape.
"Camille nasaan Yung tape. Kailangan kung
Makuha yun dahil pa patayin nila ang kapatid ko. Kahit saan kami magtago masusundan at masusundan parin nila ang kapatid ko." Sabi ng lalaki at habang nagmamakaawa Kay ate. Ang Alam ko ay boyfriend ito ni ate, Nakita ko na Rin ito kasama sa picture Doon sa kwarto ni ate.
"Rhenz hindi pwide. Mabibigyan ng hustisya ang mga batang nawawala, Rhenz San daang mga kabataan ang maliligtas ko, kapag naibigay ko Yung tape Kay boss, hindi kaba naaawa, na re rape at pinapatay sila, Okey lang ba Yun sayo?" umiiyak sa Sabi ni ate. Akmang lalapit si ate
dito ng tutukan nito ng baril.
"Camille kung hindi mo maibigay Yung tape Isa lang ang magagawa ko para maligtas ko ang kapatid ko, Papatayin kita o Papatayin Nila ang kapatid ko, alam Nilang hadlang ka sa mga Plano Nila kaya ginamit Nila ang kahinaan ko. kailangan kung pumili sa inyong dalawa, alam mo naman diba kung gaano ko ka mahal ang kapatid ko? pasensiya na Camille mahal na mahal kita, Pero Mas mahal ko ang kapatid ko, marami pa akong pangarap para sa kanya. Sana maintindihan mo ako k-kung-." Sabi nito habang tumutulo ang luha. Papatayin nito si ate? Para mabuhay ang kapatid nito? Hindi!
"sige gawin mo, Iputok mo kung Yan ang
Makapagliligtas ng kapatid mo patayin mo
na ako! Pero hindi ko ibibigay ang tape na iyon, rhenz pariho lang nating mahal ang mga kapatid natin Rhenz, hindi ko din hahayaang mangyayari sa kapatid ko ang nangyari sa mga batang nawawala, iniisip ko palang na Ganon ang mangyayari sa kapatid ko mamamatay ako, hindi ko aantayin na mangyari Yun sa kanya Bago ako kumilos . " sabi ni ate pariho silang lumuluha.
"mahal na mahal kita Camille, mahal na
mahal. " Sabi pa ng nobyo ni ate.
"mahal na mahal din kita Rhenz. Pariho
tayong mahal ang mga kapatid Natin. Kaya Ginawa Nila ito para tayo ang mag
papatayan, Alam Ng mga kalaban Natin na kahinaan Natin ang isat isa kaya Nila ito ginagawa." Sabi ni ate habang umiiyak.
Lumapit ito Kay ate saka nito niyakap ng
mabigpit at saka masuyung hinalikan ang labi. Para lang akong nanunuod ng action story sa totoong buhay.
Kasabay noon ang putok ng baril Nakita ko na lang na nalahiga si ate sa sahig at duguan. Niyakap ito ng nobyo saka malakas na umiiyak,
"mahal ko, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka tabi ko, alam kung sa ginawa kung ito ay ligtas na ang kapatid ko, kaya mapapanatag akong sumama sayo sa kabilang buhay." Sabi nito habang umiiyak.
Kasabay noon ay isang putok ng baril.
Dali-Dali akong pumanaog sa kisame at pumunta sa kinaruruonan ng ate ko.
Doon nakita ko ang Dalawa taong nagmamahalan .puno ng dugo sa paligid at nakayakap ang lalaki Kay ate. Hindi ko
Mapigilan tumulo ng sunod sunod ang luha
ko.
"ate. Bakit niyo kailangang gawin yun?
Iniwan mo ako ate, you promised me na
hindi mo ako iiwan." Sabi habang umiiyak.
Pinahid ko ang luha ko saka na isipang
lumabas sa pinagtaguan ko.
"ate, mahinang Sabi Ko dito habang yakap
yakap ang katawan nito.
" magbabayad siya ate, sisingilin ko sila!
Hindi mangyayari sa iyo ito sa inyo, kung hindi dahil sa mga taong sakim Kaya siya ang magbabayad sila ginawa nila. " Galit
sa itinatak ko sa utak ko. Saka ulit tumingin
Kay ate at sa lalaki. Nakayakap parin nito
Kay ate kanina, Gumapang pa kasi ito at
hinawakan si ate bago sila nawalan ng
buhay. Maghihigante ako para sa inyo.
Mula sa likuran ko ay na kita ko ang batang lalaki, mag katulad ng Mata nito sa lalaking walang buhay. Umiyak din ito katulad ko, at kuyom din ang kamao.
"I heard everything. I'm going to give justice to them, and to your sister." Sabi nito sa akin Dahil sa sinabi nito ay nagkaruon ako ng kakampi.
"yes tutulungan kita Sabay natin bibigyan ng hustisya ang pagkawala nila." Sabi ko dito.
"let's go Bago pa dumating iyong mga kasamaan nila. Kailangan na nating umalis." Sabi nito Sabay hila sa akin palayo.