Tinuon ko na lang din ang sarili ko sa exercise na ginagawa. Panu nga ba ko naging si Ms. Pompoms?
**flashback**
We are here in basketball court because may laban ang architecture and engineering department. Every month ay merong activities ang school namin like this.
Being an Architect student syempre we have to show our support. "weh! support daw! if i know your support is not just because youre an architect student but because may hidden agenda ka!" sigaw ng munting tinig sa puso ko. haha! sa puso ko daw talaga oh! ok..
Nagmamadali kaming tatlo kanina papunta dito because the game will begin na daw any moment. habang naglalakad papuntang gym nilalabas ko na sa bag na dala ko ang pinagpuyatan kong pompoms for the support. This is not an ordinary pompoms because pinaglaanan ko to ng oras, panahon at syempre pagmamahal.. Hahaha!! pagmamahal talaga?
"O-M-G as in we have to do this also best?" ang kunot noong tanong ng magaling kong kaibigan. "u know what? i don't think this is a good idea. duh! bakit kelangan tatlo pa gawin mo nito." habang winawasiwas pa ang pompoms sa harap ng beautiful face ko.
"Anu ka ba girl this is so cool. saka ang guwapo talaga ni JD noh!" ang landi naman nito ni Sandra. habang parang kinakausap ang picture ni Jonatahan David.
Ang ginawa ko po kasing pompoms is very special because I use a table tennis racket and nagprint ako ng pinakacute na pic ni myloves and dinikit ko back to back then all kinds of blue colored paper na nakita ko sa national is binili ko at un po ang pinalibot ko sa handle ng racket. haist! un nga lang muntik na kong maubsan ng budget, buti na lang si Sandra na un nagprint ng pics. Ang Kyuuuttt diba? ~___~
Ang ganda lang ng pwesto namin, because napakalapit lng namin sa kanila. Nagsisimula na ung game.
"Bakit parang feeling ko nakatingin halos lahat satin?" bulong ko kya Lauren na katabi ko habang nakahalf break. end na kasi ng first half at lamang ng 4 sila David.
"Hello!nagtatanong ka sis? eh tinalo pa natin sa pabonggahan ung pompoms ng cheering squad natin oh!now tell me, pano mu natatanong yan?" ang taas ng boses nito na sige pa din ang pagpaspas sa harap ko at may irap pa sa huli.
Sobrang napangiti na lang ako sa sinabi nya. "Wag ka ng masungit. just support me ok?" kinikiliti ko na lang sya bilang yon ang lambingan namin.
"Oh ayun tumingin ka dun sa myloves mo at nakatingin dito." nakasimangot na nguso nito sa pwesto nila David.
Bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ko na nagbubulungan ang apat na magkakaibigan habang tinuturo pa ko ni Calvin. Nginitian ko sila at winagayway ang hawak kong pompoms para makita nya.
Hay naku! wala man lang syang reaction ha! samantalang ung mga friend nya eh nagwave sakin. Ok lang yan at least hindi sya nagsungit.
Nanalo sila David because magaling talaga sila noh! and of course as always may picture taking with them after the game.
Nakisingit kaming tatlo para makapagpapicture. Nung turn na namin ay nangaasar pa din ang ngiti nitong si Calvin.
"Uy! yung number 1 fan mo na.syempre dapat Pare may pic yan with you. Ang cute kaya ng pompoms nya oh!" tukso nito sa kaibigan habang nakaakbay at pinaspas sa harap ng mukha nito isang pompoms na kinuha kay Sandra.
"Oo nga sayang ang effort nyan pag di mo pinagbigyan." dagdag pangaasar pa ni Andrew.
Hindi sya kumikibo meaning ok lang? Ayiiee kinikilig na ko promise! usually kasi pag ayaw nya bigla na lang yan umaalis. And tama ako because nakapagpapicture ako na kaming dalawa lang.
**end of flashback**
Napangiti ako habang nagliligpit ng t-square ko ng maalala ko ung picture namin. Dinikit ko agad sa wall ko un as dagdag sa collection ko, kahit na ang seryoso ng mukha nya samantalang ako super smile tapos ung pagitan namin is kasya pa ang isang tao.
"Aber! tumigil ka na kaya sa pagsmile mo dyan at bilisan ang kilos dahil sa kabilang building pa po ang next subject natin ok." si Sandra na nanenermon habang tinutulungan na ko sa pag-ayos ng mga gamit ko.