Jonathan David POV
Kakapasok lang namin ng room. grabe talaga, lagi na lang kaming inaabot ng ilang minuto bago makarating sa first subject dahil sa pagharang ng mga girl students ng halos buong campus kahit pa sa kabilang building pa ung room ng iba but they still manage to be here to see us. Im not snob but it's still irritating. Their shouts, their hugs, their smiles...
Pero ok na din kasi every morning lang naman sila ganun, because we requested it na please treat us as a normal student kahit pano. And dahil nga mahal nila kami they obey us.
Even our classmate if we are in the room kahit alam namin na naiilang ang ibang boys at kinikilig pa din ang mga girls is pinipigilan nila. Because hindi naman kami iba, siguro special lang.
"hey pompom girl!" napalingon ako sa katabi ko na si Calvin dahil alam ko ng maguumpisa na naman sya na asarin si Kaori sakin. Siniko ko sya pero parang wala syang narinig at may karugtong pa. "baka magmelt ang friend namin ha!" patuloy sa panunukso nito,
The whole class laugh about it and as usual sya pulang-pula na naman ang mukha na tipong kilig na kilig. Damn. baka umasa na naman sya. dahil alam ko kung gano ako kagusto nito.
Kung hampasin ko kaya ng t-square sa mukha tong kaibigan ko dahil talagang kanina pa ko iniinis nito.
Napatingin ako kay Kaori at mukhang natulala ang babae sa pagtukso ng kaibigan ko. Napailing na lang ako dahil kahit na anong gawin nito ay hindi ko to magugustuhan. Pano ko tong magugustuhan eh big turn off nga ako sa mga babae na unang gumagawa ng move para mapansin ko.
Pero syempre may exception, if he caught my attention.basta willing not to get emotions involve.
Napatingin ako ulit kayKaori. Asus ayun at parang tanga na ngumingiti sa kawalan.
"Pare will you stop teasing that girl to me?" bulong ko sa katabi kong si Calvin na busy na sa exercise namin. "look at her, tulala na naman sya." sabay naming lingon sa pwesto nito.
"Pare ayos lang yan!parang di ka na nasanay kay Ms.beauty."
Pangaasar pa nito sabay balik sa pagdraw.
Sarap talagang batukan nitong kaibigan ko na to. Nasan ba yung beauty na sinasabi nya? kahit saang angle parang di ko makita?
Kaori POV
Nandito kami ngayon at nakapila sa cafeteria for lunch break. hay naku nagutom talaga ko ng bongga sa subject namin na Building Technology na un. Ang galing kasi mag discuss nung prof kaya talagang maka-catch ang attention mo to listen.
Gusto ko ng malamig na malamig na milk tea.
Habang naglalakad na kami ni Lauren papunta sa table namin ng naghihintay na si Sandra eh hawak ko ang milk tea na pinadagdagan ko pa ng yelo kay ate na staff nung canteen.madadaanan namin tong mga epal sa buhay ko na grupo nila Candice. Gawin ko na lang kayang kendi to at kainin ko. Bwahahaah!!!
"Ay Kakainin kita!!!" Tumatawa pa ko sa isip ko ng maramdaman ko na napasubsob ako sa kandungan ng isang lalaki. Oo lalaki sya kasi halata naman sa hugis ng legs nya noh! at ang pinakamasama dun is nasa harapan nya ngayon ang buong milk tea ko at ang lahat ng yelo nito.
Pag-angat ko ng mukha is automatic na napanganga ako at talgang napangiti ng napakalaki. Tipong nanalo sa lotto.. hahahah!!!
Arhg!! Aray!! ang sakit lang ng balakang ko nung tumilapon ako dahil biglang napatayo ang pinakagwapong nilalang,kaya lang sobrang lukot ang mukha nya at ang kilay parang magkadikit na.
"s**t!" tiim bagang sya na pinipigilan ang pahlakas ng boses "s**t! bakit ba ang clumsy mo?" parang umaapoy na ung mata nya sa galit.
Kahit super love ko sya aba't tawagin ba kong clumsy hindi magpanting ang tenga ko?may kasama pang "s**t" not once but twice.
"Teka lang ha!" palaban kong salita sa kanya habang tumatayo galing sa pagkakasalampak ko. "Hindi ko po ginusto na sa kandungan mo mag-landing ang milk tea ko at huwag ako ang sisihin mo dahil may pumatid lang sakin. Saka pwede ba hindi clumsy ang dapat itawag sa mga taong naaksidente ng hindi sinasadya at hindi ginusto." Weewh!! in fairness ngayon ko lang sya natarayan ha! eh kasi ba naman ang sakit ng balakang ko noh! at napahiya talaga ko.
"kung ganun ano palang gusto mong itawag ko sayo?" nakangisi nyang sabi na para bang hindi basa ang harap ng pants nya dahil nakatayo pa din sya sa harap ko with super pogi confidence.
Aba gusto ko to. Ngayon lang kami nakapagusap ng ganito kalapit sa isa't isa at tumagal na sa isang minuto! dati kasi para kong may bad breath na kinakamusta ko pa lang sya nilalayasan nako.
"Ha! ah! Eh,! ano.. a... ano, basta sorry na kasi. di ko talaga sadya." nagkandabuhol pa tong dila ko sa pagpaliwanag. Masasabunutan ko na talaga tong Candice na to sa ginawa nya..
"Eh di lampa! yan ang dapat itawag sa kanya." ang nakapameywang pang pang-aasar na epal ng babae na pumatid sakin kanina.
Waaahh!! nahihiya nako talaga. lahat na ng tao dito sa cafeteria nanunuod na. Pero alam ko naman na si David lang ang tinitingnan nila.ngayon pa na basa ang harap ng pants nya. haist!
Ito namang dalawa kong kaibigan pinatulan pa ang epal na babae. Nauna si Sandra sa pagtatatray.
"Kung ingudngod kita ngayon dyan sa floor na basa ng milk tea, baka sakaling mabawasan yang kapal ng foundation mo."
"Oo nga! para makita natin kung sino lampa. Lampa, lampa ka pa.. lampaso kita dyan talga!" sugod pa ni Lauren na nahawakan agad sa braso si Candice na tipong isusubsob nya na sa floor. Buti na lang nahawakan sya agad ni Landon.
"woah! easy!! ayan na naman si Gabriella Silang. sumanib na naman sayo" si Landon.
"Easy lang Gabby!" hinawakan din sya ni Andrew sa kabilang braso.
"Stay Calm Gabby!" ang huli na si Calvin na ngiting ngiti habang pinisil pa ng marahan ang pisngi nya.
"Shut up you 3 muskiteros!!" nagpumiglas sya sa pagkakahawak at tinulak palayo ang tatlo, sabay hila nya naman sakin palabas ng cafe.
"David sorry talaga ha!" ang sigaw ko habang palayo na kami.
Wala naman syang reaksyon ng kahit na ano. Pero bakit nakangiti ako habang hila-hila ako nitong dalawa kong kaibigan? Haaayyy!!! pede na ata kong mamatay dahil nagelevate na yung minuto na tinatagal ng pag-uusap namin..
"Pwede ba wag kang parang may sapak sa ulo na ngingiti-ngiti dyan. Hindi nakakatuwa ang nangyari teh!" nakapout pa si Sandra na kita mong naiinis talaga.
"Tama sister! pwede ba tumigil ka dyan, talagang nag-iinit ang buong katawan ko sa inis at baka sapakin na lang kita dyan para mabawasan to." huminto si Lauren na hinihimas pa yung kamao nya may balak atang totohanin ang sinasabi.
"Anu ba naman kayo mga bestfriend! sorry naman." hinug ko na lang sila. at naramdaman ko naman na gumanti sila ng akap. "Kasi naman hindi nyo ba na-notice yon? shemay!! elevated na ang pagpansin nya sakin ah!. teh, sister lampas one minute nya ko ngaun kinausap. More than one minute na super lapit namin sa isa't isa.. hhhaaayyy!!! pede na ko mamatay.."
Aray naman!! sabay pa kong binatukan ng dalawa.
"Aba't talaga naman tong babae na to! lumaklak ka kaya ng konting kahihiyan para kilabutan ka dyan sa pinagsa-sa-sabi mo noh!" hila pa rin ako ni Lauren na nagpatuloy na kami ng lakad palabas ng university para dun na lang ipagpatuloy ang pagkain.
"Bilisan nyo na kayang maglakad dalawa. Dahil nga nagelevate na ang minuto na nagkaharap si Mr. Prince charming at si Ms. Ilusyunada, nasayang ang 10mins natin sa bwiset na pangyayari kanina. at kung hindi talaga ko nakapagpigil may mapupunta pa sa clinic ng school dahil talgang ingungudngod ko ung mukha nya sa floor hanggang matanggal ang balat nya." nagstop si Sandra sa paglakad at nakapameywang na humarap samin.
"eeww!! gross!! sabay pa naming salita ni Lauren na tipong susuka talaga sa pinagsasabi nya. hahaha!! hinila na namin sya para pumunta na kami sa target naming kainan. Jollibee .. hehehe!! =)