Chapter 4

1306 Words
Calvin POV Bakit nga ba todo ang iwas ni David kay Kaori? Actually ngtataka na ko dahil nung first year namin na kasama si Kaori is he treat her naman in a good way just like other ordinary girl. But after they bump each other sa practice ng basketball when we are in 2nd year at mapulot nito yung wallet ni Kaori is nag-iba na sya.He gets distance to the girl. He always snob her. He is masungit to her every time she try to open a conversation. Kahit anong pangungulit namin magkakaibigan is ini-ignore nya lang kami. Hindi naman namin matanong si Kaori. "Hoy! pare ano wala ka bang balak magpalit ng damit?" tinapik ako ni David sa balikat Nandito kami ngayon sa shower room. katatapos lang namin magpractice ng basketball. Dahil sa kaiisip, di ko namalayang nakabihis na pala silang lahat at ako ito naiwan na nakaupo sa bench habang nagpapatuyo ng buhok. "Mauna na kami sayo sa parking." habang lumalabas na silang tatlo ay salita ni Andrew. Haist! until now kasi puzzle pa rin ako sa pakikitungo ni David kay Kaori. Feeling ko kasi he like her but he's just in denial. kaya nga I always tease her to him, pero instead of seeing how much beauty she have inside and out is mas lalo pa tong naiinis. I will find a way to know why? I'm very much determine to know about it. Nagbihis na ko and sumunod sa mga kaibigan ko sa parking. Naabutan ko sila na nakasandal sa sasakyan ko. "At bakit lahat kayo dito nakasandal?" bulyaw ko sa kanila. Hindi ko sila hinintay na makasagot "Ikaw David, Pare naman kakapa car wash ko pa lang nito pwedeng sa gulong mo iapak yang paa mo ok?" sabay hila ko sa binti. Nakasandal kasi sya habang nakatupi ang tuhod at nakaapak sa pintuan ang paa. "Pwede ba walang pictorial dito kaya dun kayo magsiporma sa mga sasakyan nyo!" iritable nako talaga. "Tss. ang arte mo talaga! parang kang babae sa kaartehan mo dyan sa sasakyan mo. para kang si Kaori dyan sa kaingayan mo" pangaasar nito sa akin habang lumayas na at diretso na sumakay sa sasakyan nya at humarurot na umalis. "Anong problema nun?" takang tanong ni Landon na sinundan naming tatlo ng tingin ng dinaanan ng sasakyan ni David. Napangiti na lang ako sa nadinig ko. Akala ko hindi nila napansin ung huling sinabi. "Pare may problema yun.. sobrang laki!" nakangisi si Andrew. Napakunot naman ang noo namin Landon. "Hindi nyo ba nadinig na binanggit nya yun name ni KC?" dagdag nito. pauso tong si Andrew,feeling close pa para tawagin si Kaori Claire in her super short nickname. "Yeah! nadinig namin. halika na nga at umuwi na tayo." pabalewalang tugon ni Landon sabay sakay sa kanyang motor at paharurot din na umalis. Magsasalita pa sana ko ng nakita kong paalis na din si Andrew na nakamotor din. Yung totoo lang, mga ungas talaga yung tatlo kong kaibigan na yun.nilayasan ba naman ako! sumakay na ko sa sasakyan pero hindi ko pa din iniistart at balik na naman ako sa pagiisip. Dahil ito ngayon, may bago na naman na nakakagulat na pangyayari. Ngayon lang talaga namin nadinig na ginamit nya ang pangalan ni Kaori para gawing excuse sa tantrums nya. Napatingin ako sa harap ng sasakyan dahil nakita ko si Kaori sa di kalayuan. Speaking of the angel. Napangiti na lang ako nung makita ko na dahil sa sobrang simangot nya at nagkandahaba ang nguso nya sa sobrang pagpout na bumubulong pa na parang kinakausap ang sarili. This girl is really special! she is so transparent for what she feels. straightforward in a good way and she is so cute! tipong hindi takot na malukot ang mukha dahil baka magmukha syang pangit sa paningin ng iba. I was about to get out of the car when suddenly three men came to her. Nakita kong natakot sya. that was an alarm pero nakiramdam muna ko. Nakita ko na sinigawan nya ung isang lalaki na matangkad na minsan na naming nakalaban sa basketball. Napailing na lang ako sa katapangan nya ha. Biglang hinablot nung matangkad ang braso nya at nabitiwan nya ung mga libro na hawak nya. That's the signal for me to come out. Kaori's POV Kanina pa ko dito paikot-ikot sa napakalawak na parking lot ng university. Napagod ako sa paghahanap sa dalawa kong kaibigan na nangiwan sakin sa library at ako ang nagdusa sa pagdala ng mga libro na kailangan naming iuwi para magreview sa History of Achitecture subject namin dahil may oral exam kami bukas. "Haist! bakit ba kasi ngayon pa ko naubusan ng load at asan na ba kasi ung dalawa na yun? naku! humanda talaga kayo sakin pag nakita ko kayo. Nagugutom na ko talaga at ang taas ng sikat ng araw,nahihilo na ko sa init. grrrr!!!" Sa sobrang inis na nararamdaman ko, para na kong tanga na kinakausap ang sarili ko. Kahit ata si Antonio Luna baka hindi maipinta ang mukha ko dahil sa sobrang badtrip ko. Bigla na lang may tatlong itlog, este unggoy pala na lumapit sakin. Sino ba tong mga matsing na to?mga mukhang hoodlum naman. Natakot ako dahil parang wala akong nakikitang ibang tao sa paligid. "Hi Ms. Beauty na die hard fan ni Jonathan David Santillan!." yung matangkad ang nagsalita na nilapit pa yung mukha sakin kaya napaatras ako. "Anong kailangan nyo sakin? mahirap lang ako kaya sinasabi ko sa inyo wala kayong mapapala sakin." napahigpit ang pag-akap ko sa mga libro na hiniram namin sa library. "Hahaha!! nagpapatawa ka ba? para sabihin ko sayo Miss, kahit beauty ka hindi kita type. napagutusan lang na pag hinalikan daw kita sa lips papayag na syang mag date kami." Duet pa ang tatlong kwago sa pagtawa na wala namang nakakatawa. Syempre sino pa ang una kong naisip? bright nga ko noh! Hanggang kelan kaya ako bubwisitin ng Candice na yun? I can't take it his time! nagipon ako ng lakas ng loob. Hinga ng malalim sabay sigaw. "Hoy!ikaw na kapreng amoy kopra na expired ang hininga., para sabihin ko sayo over my dead body hindi ikaw ang makaka first kiss sakin noh!" weewh! patay! nagalit ang kapre. Hinablot nya ang braso ko kaya nabitawan ko ang mga libro. Nagalala ko sa mga libro dahil alam ko kung anung presyo ng mga yun pag nasira to.Mukhang wala namang nasira.buti na lang! "Aba't! talaga ngang palaban ka ha! tingnan natin ang tapang mo." Napapikit na lang ako at tinikom mabuti ang mga labi ko dahil nakita ko na unti unti ng papalapit ang mukha nya para halikan ako. 1, 2, 3,... waaahh!!! 3.5. Ayokoooo!!! 4, 5,........................ Napadilat ako ng mata ng maramdaman ko na binitawan nya ko. At nakahandusay na sya sa lupa habang hawak yung labi nya na pumutok. May nakatalikod sa harapan ko na hinaharangan na makalapit sakin ang isa sa kanila. "If you touch her again like that, I'll make sure you will be erase in the world." galit na galit tong lalaki na tumulong sakin. So si Calvin pala ang hero ko. nakilala ko kasi ang boses nya at medyo nakita ko sideview ang aura nya. "Tss! don't worry I'll make sure too na isasama kitang mawala sa mundo once mangyari un." habang inalalayan to ng dalawa nyang kasama na tumayo. Lumapit ito kay Calvin at nagsukatan lang sila ng tingin. Meyo naalarm ako dahil walang kasama si Calvin at kahit matangkad na sya, mas matangkad pa din si kapre. Nagulat ako ng ilang segundo ang nakalipas ay umalis na sila Kapre na umiiling iling lang. Duon na humarap sakin si Calvin na ibang-iba ang itsura kesa kanina na sobrang nakakatakot at parang bigla na lang babagsak ng wala ng buhay ang matitigan nya. Taglay nya na ngayon ang mukhang maaliwalas na mapangasar. Pasaway talaga!! Kinabahan ako sa kanya ha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD