Chapter 5 - Unexpected Visitors

1609 Words
Ysabella “Ella..! Ella..!” Humahangos na lumapit sa akin si Rosie at mababakas sa mukha nito ang excitement habang hawak hawak ang cellphone nito. “Tignan mu ang email mo..dali..!” Natataranta nitong sabi habang hinaharap sa akin ang laptop ko. Agad kung binuksan ang email ko at may bagong message nga akong natanggap. Galing ito sa El Zeraffin at ayun sa message napili nila ang design na ipinasa ko upang makasali sa kanilang Event. Napatayo ako habang nakatakip ang kamay sa mga labi ko..maging ako ay hindi din makapaniwala sa nabasa ko. “ You made it friend” tuwang tuwa naman si Rosie habang nakatingin sa akin. “Nakapasok ako..! OMG..! Nakapasok ako sa event..! Tila natutulala ko pang sabi dito. Maya maya sabay na kaming napatiling dalawa sa tuwa. “ Sabi ko naman sayo, makakapasok ka ei “ masayang sabi nito habang hawak ang mga kamay ko. Nakangiti akong tumango tango sa kaniya. “But.. wait.. what’s next..?” curious kung tanung kay Rosie ng mahimasmasan na kaming dalawa. Tinignan nito ulit ang email sa cellphone nito. “Sabi dito sa email, antayin mu lang daw ang tawag mula sa coordinator ng event nila” sabi nito habang nagbabasa ng email. Umupo ako at muling binasa ang email sa akin sa laptop ko. “Kailangan kung magfocus sa pag gawa ng bagong designs, makakaya mo na ba dito sa boutique habang nasa event ako ?” nag aalalang tanung ko kay Rosie. “Oo naman..kayang kaya ko na dito kaya magfocus ka nalang jan sa El Zerrafin" malawak ang ngiti nitong sabi. Napabuntunghininga nalang ako habang sumasang ayon sa kaniya. Naiwan akong mag isa sa aking opisina ng makalabas na si Rosie, nakatayo ako sa gilid ng binta at nakatingin sa labas habang nag iisip ng tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong nilapitan at tinignan ang caller ID. Napakunot ang noo ko ng malaman ko kung sino ang tumatawag. “Ma..!” sabi ko ng sagutin ko ang tawag. “ Hello , Ella anak buti naman at nasagot mo. Busy ka ba ngayun, anung oras ka makakauwi?” tuloy tuloy nitong tanung. Napatingin ako sa digital clock sa ibabaw ng table ko. Mag aalas tres palang ng hapon. “Baka gabi pa ako makakauwi Ma, may nangyari ba?” nag aalala kung tanung dito. “ Ah..Ei..wala naman.. naisipan ko lang magluto ngayun, umuwi ka nalang ng maaga.. dito ka nalang magdinner ha..okey..bye..!” hindi na ako nakasagot ng putulin na nito ang kabilang linya, merong kakaiba sa tono ng boses nito, pero hindi ko nalang pinansin. Mag aalas syete na ng gabi ng makarating ako sa bahay. Napakunot ang aking noo ng mapansin ko ang isang magarang sasakyan na nakapark sa tapat ng bahay namin. Kaya siguro nag abala siyang magluto ng pagkain dahil may darating kaming bisita. Napaisip ako kung sino ang bisita namin. Binuksan ko ang gate at tumuloy na sa loob. Pagbukas ko ng pinto agad akong sinalubong ng aking Ina. “Ella! Buti nandito ka na. May bisita tayo.”pabulong nitong sabi. Halatang hindi ito mapakali. Tumuloy kami sa sala ng bahay at nakita ko doon na nakaupo ang isang babae na pamilyar ang mukha sa akin maging ang damit na suot nito. Lumingon ang babae sa gawi namin at ngumiti ito ng makita ako. “Ma’am! Good evening po!” magalang kung bati dito. Lumapit ako sa kinauupuan nito at hindi padin ako makapaniwala na ang bisita namin ay ang babaeng nakausap ko sa boutique noong nakaraang araw si Mrs. Fontanilla suot nito ang damit na binili nito sa boutique. Sumunod din ang aking Ina at umupo sa katapat na upuan ng bisita namin. “Ma! Magkakilala po ba kayo?” tanung ko sa aking Ina at nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa na parehas hindi makapagsalita. Tumikhim si Mrs. Fontanilla ng hindi sumagot si Mama at nakatingin lamang sa bisita, napansin kung pinipisil pisil ni Mama ang kaniyang mga palad at halatang tense ito. Napalingon ako kay Mrs. Fontanilla. “Iha, pasensya na at ngayun lamang ako nakabisita ” sabi nito. “ Ano pong ibig nyung sabihin?” naguguluhang tanung ko sa kaniya. “Matagal ko na kayung pinapahanap ,ngunit natigil lamang ng kinakailangan kung pumunta sa ibang bansa, ngayung nakabalik na ako natutuwa ako dahil sa wakas ay nahanap nadin kita..kayo ng Mama mo!” may lungkot sa boses nito habang nagsasalita. “Sino po ba kayo at bakit nyu po kami pinapahanap?” tanung ko, mas lalo akong nalilito dahil sa sinasabi nito. Kinuha nito ang tasa na may kape at saglit na uminom. “Sabay kaming lumaki ng Papa mo, magkapatid man ang turingan namin ngunit hindi kami magkadugo.” Sabi nito at tumingin sa mga mata ko. “ Malaki ang pagkakahawig mu sa kaniya kaya natutuwa ako ng makita kita sa boutique nung nakaraang araw, para ko nadin siyang nakita ulit.” Malungkot padin nitong sabi. “ Kilala nyu po ang..papa ko?” mahinang tanung ko, hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil nalaman ko na may ibang kamag anak ang aking ama. Napatango ito bilang pag sang ayun. “Gusto mu bang marinig ang kuwento ng buhay ng iyong ama noon?” tanung nito sa akin. Nabuhay ang curiosity sa puso ko, dahil ni minsan hindi man lang nagkuwento ang aking ama sa buhay nito noon, maging si mama ay iniiwasang mapag usapan ang nakaraan ni papa. Mabilis akong napatango. Napansin ko din na tumayo si Mama. Kaya napatingin ako sa kaniya. “Mag usap muna kayo, tatapusin ko lang ang niluluto ko” sabi nito at agad na bumalik sa kusina. Lumingon ulit ako kay Mrs. Fontanilla at naghihintay sa sasabihin nito. “Maagang naulila ang iyong amang si Albert, dahil sa isang aksidente sa farm nasawi ang kaniyang mga magulang, malapit sa Daddy ko ang kaniyang mga magulang dahil pinagkakatiwalaan niya sila.. Madalas nasa bahay si Albert at kalaro ko habang nagtatrabaho ang kaniyang mga magulang. Nakitaan siya ni Dad ng talino at talento kahit anim na taong gulang pa lamang ito noon. Mahilig din siyang mag guhit at agad natutong makapagsulat at magbasa kaya magiliw ang mga magulang ko sa kaniya. Nang mangyari ang aksidente sa farm ilan sa mga tauhan namin ang nasawi kasama na ang kaniyang mga magulang. Kaya naisipan ni Dad na ampunin nalang si Albert dahil wala ng ibang pweding mag alaga sa kaniya. Naging katuwang niya si Albert sa farm at pinag aral. Dahil sa kagustuhan ng aking ama na maging legal na bahagi siya ng pamilya ay naisip nito na ipakasal kami ni Albert. Ngunit ng mga panahong iyon may iba na pala siyang napupusuan ..ang iyong ina. Ngunit gumawa padin ng paraan ang aking ama na matuloy ang kasal namin. Sumama ang loob ni Albert at nalaman namin kinabukasan na umalis na ito. Walang nagawa ang aking ama kundi hayaan nalang si Albert.. nagkasakit siya ng hindi na bumalik si Albert at tuluyang nanghina.,nagsisi din siya sa kaniyang ginawa. Ngunit bago mamatay si Dad, muling bumalik si Albert at humingi ng tawad.. ng mga panahong iyon ay kasal na ako sa ibang lalaki at may anak na, nasabi din ni Albert na mayroon na din siyang anak na babae at sa muling pagbabalik nito sa Hacienda ay dadalhin niya kayo para makilala namin at para maging isang pamilya na ulit tayo. Ngunit hindi na siya nakabalik….nalaman nalang namin na naaksidente siya...” tumigil ito sa pagkuwento at sandaling pinunasan ang mga luha nito. “Buong akala ko po wala ng ibang kamag anak Si Papa dahil wala man lang bumisita sa libing niya” hindi ko din napigilan ang mga luha ko ng maalala ang nakaraan. Hinawakan ni Mrs. Fontanilla ang mga kamay ko at umiiyak na nagsasalita “ patawarin mo kami dahil hindi man lang kami nakadalaw sa iyong ama, nung mga panahon na iyon ng malaman ng ama ko ang nangyari bigla itong inatake sa puso tumagal kami sa Ospital ngunit binawian din siya ng buhay, kaya hindi na kami nakadalaw sa inyo, nung maayos na ang sitwasyon hinanap namin kayo sa lugar na sinabi ng iyong ama ngunit wala na kayo doon. Pinahanap ko padin kayo sa ibang lugar ngunit nabigo ako. Umalis kami ng bansa ng pamilya ko kaya napatigil ako sa paghahanap ,ngunit nakaraang linggo sinabi sa akin ng anak ko na nahanap na kayo. Kaya agad kitang pinuntahan” may ngiti na sa mga labi nito habang pinupunasan nito ang mga luha ko. “Maari ba kitang mayakap iha?” tanung nito. Saglit akong nag alangan ngunit napatango din ako at agad naman niya akong niyakap ng mahigpit. “Bakit nyu po pala kaming gustong mahanap Mrs. Fontanilla-..?” tanung ko ng magkahiwalay kami. "Tita Vanessa..tawagin mo nalang akong Tita Vanesa, Puwede ba yun Ella..?" putol nito sa sasabihin ko. Ngumiti naman ako bago magsalita ulit. "Bakit niyo po pala kami pinapahanap T-Tita Vanessa..?" tanung ko ulit sa kaniya. Napabuntunghininga muna ito bago sumagot. “ dahil.. gusto ko sanang matupad ang hiling ng ama ko at ng ama mu na maging isang pamilya tayo,hindi na iba sa akin ang iyong ama, Dahil itinuring ko din siyang parang tunay na kapatid.” Marahang sabi nito. Napangiti lang ako dahil hindi ko alam kung anu ang dapat kung isagot. Nang biglang bumukas ang pinto ng bahay at napalingon kami para tignan kung sino ang dumating. “ Sorry.. I’m late..” sabi ng lalaking bagong dating. Napatayo ako sa kinauupuan ko ng makilala ito. Napaawang din ang mga labi ko sa pagkagulat. Dinadaya ba ako ng paningin ko. “Bright..!?” hindi makapaniwalang sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD