Chapter 4 - Painful Memories

1580 Words
Maagang nagsara ng boutique si Ella ng sumunod na araw ,naiwan siyang mag isa sa kaniyang opisina dahil pinauwi niya nadin si Rosie. Nakaupo siya sa kaniyang swevel chair habang nakapikit ang mga mata. Iniisip niya kung anung klaseng style ng damit ang kaniyang gagawin para ipasa sa El Zerrafin. Bukas na ang deadline ng submission kaya gusto niyang makapag isip ng maayus at walang isturbo kaya nagpaiwan siya sa opisina. YSABELLA Ilang minuto na akong nakaupo, ngunit wala padin akong maisip na iguhit. Tumayo nalang muna ako at lumabas sa aking opisina, inikot ko ang aking paningin sa mga naka display na mga damit sa loob ng aking boutique. Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan kung bakit nagpupursige akong matupad ang aking mga pangarap. “Anung course ang kukunin mu sa college?” tanung ng kasintahan kung si Lance.Mas matanda ito sa akin ng isang taon at graduating student na ito sa high school santalang nasa third year high school palamang ako. Kasalukuyan kaming nakaupo sa ilalim ng malaking puno sa gitna ng burol, nakasandal ito sa puno at nakahilig naman ang ulo ko sa balikat nito habang may hawak akong papel at nagsisimulang mag guhit. “Gusto kung kunin na course ay Fashion Design, pangarap kung maging kilalang fashion designer balang araw.” Nakangiti kung sabi habang gumuguhit. “Oo bagay nga yan sayo kasi may talent ka sa pag dedesign ng mga damit, tsaka matutulungan pa kitang makapasok sa kumpanya ni Dad kung sakali” natutuwa nitong sabi. Napaayos ako ng upo at napatingin sa mukha nito , nakangiti ang mga labi nito , magandang titigan ang kulay brown nitong mga mata na tila laging nangungusap,hindi gaanung makapal ang kilay nito at bumagay sa matangos nitong ilong. Masasabi kung literal na guwapo ang boyfriend ko. Kaya karamihan sa schoolmate naming babae ay hindi maiwasang mainggit sa akin dahil ako ang napiling ligawan ng isang Laurence Monteverde, Guwapo, matalino at mayaman at maswerte pa ako pa dahil talagang mahal ako ni Lance. “ hindi ko naman kailangang makapasok sa kumpanya ng Daddy mo, mas gusto kung makilala sa sarili kung pagsisikap” sabi ko sa kaniya. “ I know .. and I know you can do it Love” nakangiti din nitong sabi sabay dampi ng labi nito sa noo ko. “I Love you so much Love! I will do everything to make you happy” Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito, wala pa itong pangako ni hindi tinutupad kaya may tiwala ako sa mga sinasabi nito. “Ella..! Saan ka pupunta!” Tanung ng pinsan kung si Jake kakauwi lang namin ng bahay galing sa itaas ng burol kung saan ako naghihintay kay Lance ng matagal at basang basa nadin ang suot kung damit. Malakas na ang ulan ng mga oras na yun ngunit gusto kung makita si Lance. Kaarawan ko ngayun ngunit hindi man lang siya nagpakita. Nagpalit lang ako ng damit at nag desisyung puntahan si Lance, baka nagkamali lang ako ng nakita sa cellphone ni Jake, baka meron namang paliwanag si Lance kung bakit hindi siya nakarating. Palabas na ako ng bahay ng marinig ko ang pagtawag ni Jake ngunit hindi ako nagpapigil ,agad akung lumabas ng bahay at nakasakay naman agad ako sa trycle papunta sa Bayan kung saan ginaganap ang party na dinaluhan ni Lance. Isang pribadong gusali iyon at sadyang mahirap makapasok. Mabuti na nga lang at may pumasok sa building na kakilala ko kaya pinakiusapan ko na kung maaari niya akung tulungang makapasok. Pagkapasok namin sa loob itinuro nito ang lugar kung saan ginaganap ang party ,Nagpasalamat naman ako dito at lumapit sa silid na iyon, bahagyang nakaawang ang pinto nito dahil labas pasok din naman ang mga nagseserve doon kaya nakapuslit ako sa loob. Halos lahat ng mga tao ay nakatutok ang atensyun sa gitna ng bulwagan kaya walang nakapansin sa pagpasok ko at narinig ko na may nagsasalita sa harapan. “ We are here today to celebrate the 10th year anniversary in partnership of Monteverde and Suarez Corporation!” Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos nitong magsalita. “ …and for the much awaited moment.. Today we are not only celebrating our anniversary but also the Engagement of our son Laurence and Eunice Suarez the sole heir of the Suarez Corporation..!!” Nakangiting sabi ng lalaking nagsalita na siya palang papa ni Lance at lalong lumakas ang palakpakan ng mga tao at halos mga masasayang mukha ang aking nakikita na tila bang masaya sila sa nangyayari. Anung ibig sabihin nito..? Totoo ba ang narinig ko, si Lance na kasintahan ko ay nakatakda ng ikasal sa ibang babae. Gusto ko mang magreact sa sinabi ng papa ni Lance, wala akong magawa.. nakagat ko na lamang ang labi ko para pigilan ang sarili ko na sumigaw. Sana pala pinigilan ko na noon palang ang puso kong mahalin ito. Sana hindi na ako umasa sa pagmamahal niya.. hindi sana ako nasasaktan ngayun ng ganito..!! Habang nagsasaya ang lahat, ramdam ko ang mabilis na pagpatak ng luha ko. Parang nadurog ang puso ko sa mga narinig ko at tila may isang punyal na tumusok sa puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa pinipigil kong galit. Bahagyang nahawi ang mga tao kaya kitang kita ko si Lance na nakatayo sa harap ng maraming tao ,katabi niya si Eunice at parehas na nakangiti ang dalawa habang nakatingin sa mga tao. Hindi ko na makayang makita pa ang nagaganap kaya mabilis akong lumabas ng gusaling yun at patakbong sinugod ang ulan sa labas. Ng makalayo layo na ako sa lugar na iyon. Napasandal ako sa malaking puno na nasa gilid ng daan habang kasing lakas ng ulan ang aking mga luha, dahil sa nanghihina na ang tuhod ko napaluhod ako sa damuhan at duon ko pinakawalan ang kanina ko pa kinikimkim na galit. “ Aaaaahh..!!!. Sinungaling ka Lance..,Sinungaling kaaa…!!” Sigaw ko na tanging ulan lamang ang nakakarinig walang tigil ang aking pag iyak, kailangan kung ilabas ang galit ko para maibsan ang bigat at sakit sa loob ko. “Minahal kita..! Minahal kita….!Bakit mu nagawa sa akin to…!!?” Nanghihina kung sabi habang humahagulgol... Hawak hawak ko ang dibdib ko habang nakaluhod sa ulanan. Gusto kung magalit at magwala, gusto ko silang sugurin..pero wala akong magawa.. isa lang naman akong hamak na estudyante at hindi pa nanggaling sa mayamang pamilya. Anung laban ko s Eunice na yun..? Naikuyom ko ang aking mga kamay habang humahagulgol. Walang ibang nakakarinig sa pag iyak kung yun kungdi ang mga halaman at puno sa paligid. Gabi na ng makauwi ako sa bahay, alalang alala naman si Tita Amelia at si Jake. Ramdam ko ang kakaibang pakiramdam ng aking katawan, palagay ko epekto ito ng pagkababad ko sa ulan. Nakakaramdam ako ng panghihina at pagkahilo , Hindi ko rin napansin na may ibang bisita pala kami sa bahay. Naisip kung umakyat na sa aking silid ng may tumawag sa akin. “ Ella, anak!” napatigil ako sa pag akyat ng marinig ang boses na yun, agad akung napalingon. Matagal tagal ko ng hindi naririnig ang boses na yun, simula ng maisip nitong mamalagi sa Maynila at iwanan ako kay Tita Amelia. Naaninag ko naman siya..kahit bahagyang nanlalabo ang aking paningin. “Ma..!” ang tangi kong nasabi bago dumilim ang buong paligid ko at bumagsak ang katawan ko sa sahig. Anim na taon na ang nakakaraan ngunit, nakakaramdam padin ako ng sakit tuwing maaalala ko ang nakaraan. Ilang araw akung naospital dahil sa pagkababad ko sa ulan at nagdesisyun nalang ang aking Ina na isama ako pabalik ng Manila. Lumayo ako sa mga lalaki lalo na sa mga nanliligaw sa akin ,hanggang sa nakatapus ako ng pag aaral. Tinulungan naman ako ni Tito Emman ang bagong asawa ng aking Ina na maipatayo ang boutique na pangarap ko. Napabuntunghininga ako at agad na pinunasan ang ilang luha na kumawala sa mga mata ko. Hindi ko na dapat pang iniiyakan ang nakaraan at sana hindi na muling magkrus ang landas naming dalawa. Bumalik ako sa pagkakaupo sa aking opisina at nagsimulang mag guhit. Naisip kung gawin ang isang damit mula sa mga pinakaunang gawa ko noong nagsisimula pa lamang akong mag guhit at mas lalo ko lang itong pinaganda. Tinitigan ko ang gawa ko ng matapus at nasatisfy naman ako sa resulta napangiti ako at agad ko itong inemail sa coordinator ng El Zerrafin. Muli akong napasandala sa aking swevel chair at napapikit. “Wow! Ang ganda naman ng drawing mo love” proud na sabi ni Lance habang nakatingin sa ginagawa ko. “ it’s one of my favorite , gusto kung suotin ito balang araw” malawak ang ngiti ko habang nakatingin sa design na ginawa ko. Kinuha naman ni Lance ang drawing ko at pinagmasdang mabuti. “Pwede bang akin nalang to?"tanung nito pagkaraan. “I’ll take it as a gift from you” malambing nitong sabi. “Sure!” sabi ko dito,mayamaya nilapag nito sa lamesa ang drawing ko. “ here ..you sign it here below, I want to remember this gift from you forever” sabi nito habang nakatitig sa mukha ko. Mabilis kung iminulat ang aking mga mata, matagal ko ng ibinaon sa limot ang lahat, ngunit may mga pagkakataon na bigla nalang bumabalik sa akin ang mga ala alang iyon. Agad kung niligpit ang mga gamit ko at nagdesisyung umuwi na. Dahil ayaw ko ng maalala pa ang mga masasakit na nangyari nang nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD