YSABELLA
“Ella! Look at this!” Excited na sabi ni Rosie, habang inaabot sa akin ang isang brochure at umupo ito sa katapat na upuan sa table ko.
Kaibigan ko ito at ginawa ko siyang Manager noong ipatayo ko ang boutique at siyang tanging pinagkakatiwalaan ko dito sa aking negosyo kapag wala ako.
Kinuha ko mula kay Rosie ang brochure at sinimulang basahin. Ayun sa brochure nag iimbita ang El Zerrafin ng mga Aspiring Designer para maging parte ng kanilang Summer Fashion Show sa susunod na buwan. Ang El Zerrafin ay isa sa malaking kumpanya sa Fashion Industry at kilala din sa buong bansa. Kaya maraming mga designer ang nangangarap na makapasok sa kumpanyang ito dahil bukod sa malaki ang offer ay maari ka pang makilala bilang sikat na designer. Ayun pa sa brochure kailangan lang makapag submit ng sariling sample ng designs at mula sa mga designs na ito pipiliin ang mga sasali sa naturang event. At kapag papalaring manalo mabibigyan ng pagkakataon ang pinaka maganda at unique na design na maepromote ng El Zerrafin mismo at maisasama sa Fashion Show.
“Magandang pagkakataon na ito para makilala ang mga gawa mo, paniguradong sisikat tong boutique natin” tila nang eenganyung sabi ni Rosie.
“ Tingin mu kaya ,mananalo ako dyan?”
may pagdududang tanung ko sa kaniya .
“ Naman friend! Wala ka bang bilib sa mga gawa mo!?” tumayo pa ito at lumapit sa akin.
“Makakapag patayo ka ba ng sarili mung boutique kung hindi magaganda ang mga designs mo?” sabi pa nito, mukhang interesado talaga ito na sumali ako sa event na yun.
“Pag-iisipan ko” sabi ko sa kaniya at kinuha ko ang baso at uminom ng tubig.
“No need to think, kasi pinaregister na kita! “ nakangiti nitong sabi.
Bigla kung naibuga ang tubig na iniinom ko, dahil sa pagkagulat sa sinabi nito mabuti na nga lang at walang papeles sa ibabaw ng lamesa ko.Napatayo ako sa kinauupuan ko ng matapon sa damit ko ang tubig, agad naman nitong kinuha ang tissue sa drawer ng mesa ko at pinunasan ang damit ko pati ang lamesa.
“ W-what did you just say!?” paninigurado kung tanung sa sinabi nito ng nahimasmasan na ako.
“Ei.. Two days ka kasing wala kaya naisip ko na iparegister na kita kasi may deadline ng registration, sayang naman.” Nag aalangan at tila nahihiya nitong paliwanag.
"Naman Rosie.... ginulat mo naman ako!"
Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil parang bigla itong sumakit at napaupo nalang ako ulit.
“Okey ka lang ba friend?” nag aalala pa nitong tanung habang kumukuha ng pamaypay at marahan akung pinaypayan.
“I-I’m fine” sabi ko at itinaas ang isang kamay ko at sinenyasan ito na lumabas na muna.
Papalabas na sana ito ng bigla itong bumalik at inilapag nitong muli ang brochure sa harap ko.
“Labas na ako” nakangiting sabi nito ,sabay talikod at mabilis na lumabas.
Muli kong tinignan ang brochure nang makaalis ito, ngunit muli na namang sumakit ang ulo ko nang maalala ang sinabi nito. Hindi pa ako prepared na sumali sa event na ito at isa pa wala pa akong avilable na designs para ipasa sa kanila. Napabuntunghininga nalang ako at marahang hinilot ang aking sentido. Sadya ngang nakakaakit ang offer ng El Zerrafin paniguradong maraming mga hindi pa kilalang designer tulad ko ang sasali sa ganitong Event. Magandang stepping stone din ito para makilala ang mga designs ko.
Habang nag iisip ako, muling may kumatok sa pintuan ng opisina ko, pumasok ang isa sa mga staff ko.
“Miss Ella, may costumer po na gusto kayong makausap” sabi nito. Tumango lang ako at agad naman itong umalis. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng aking opisina.
Agad namang itinuro sa akin ng aking staff ang isang babae. Nakatalikod ito at tila pumipili sa mga nakadisplay na mga damit. Sa tantiya ko nasa early fifties na ito at naka lugay ang hanggang balikat nitong buhok, halata din sa pananamit nito ang karangyaan.
Naglakad ako papalapit dito, naramdaman marahil nito na nakalapit na ako kaya napalingon ito sa akin. Maganda ang babae , maamo ang mukha at ng ngumiti ito naramdaman ko na tila magaan ang pakiramdam ko dito.
“Hello, Ma’am I’m Ysabella Santillan, is there anything I can help you?” nakangiti kong tanung sa kaniya at inilahad ko ang aking kamay para makipag handshake dito.
“Hi Ysabella! Are you the owner of this boutique?” sabi nito at nakipagkamay din sa akin.
“Yes Ma’am” magalang kung sagot dito.
“Oh! I see..! You have an amazing skills in designing, I like the styles of your clothes” tila proud nitong pagkakasabi.
“Really Ma’am!?, I am so much flattered po sa sinabi niyo” ramdam kung magaan ang loob ko dito habang nakikipag usap.
“ Can you help me choose something nice, I will use it at a dinner party “ sabi nito, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito na tila natutuwa ito na makita ako.
“Sure Ma’am ,this way po” iginaya ko siya sa mga party dress. Kinuha ko ang isang light blue na dress, simple lang ang pagkaka design nito , naka V-necline at may tila butterfly ang collar hanggang kalahating braso ang sleeve nito at hanggang tuhod ang haba. Simple lang pero elegante ang dating ng damit. Inabot ko ito sa babae at tila nagustuhan naman nito ang ang damit.
“ Pwede niyo po yang isukat muna ma’am” suggest ko sa kaniya.
“No..no..this is perfect, I’ll take it” sabi nito.
“ahm..By the way, how old are you na iha?” tila nag aalangan nitong tanung.
“I’m 25 years old na po Ma’am” nakangiti kong sabi. Nanatili lang itong nakatitig sa mukha ko. Maya maya kinuha nito ang kamay ko at ipinatong sa mga palad niya.
“You really looks like him” tila pabulong lang nitong sabi.
“Pardon ma’am?” naguguluhan kung tanung sa sinabi niya.
“Nothing…nothing..” sabi nito na bahagyang iwinasiwas ang kamay na tila may sinabi ito na hindi nito dapat sinabi.
“I’m so glad to meet you Ysabella ” the lady said and smiled sweetly ng muling tumingin sa akin.
“where should I pay?” Maya maya tanung nito.
“At the counter Ma’am, this way po” inihatid ko siya sa counter. After niya makapag bayad nagpaalam nadin ito.
“I really hope na makabalik pa ako ulit dito iha!” tila may lungkot sa pagkakasabi nito. Sinabayan ko nadin siya papalabas sa boutique.
“You are welcome here anytime Ma’am” I gave her my warmest smile. Maya maya may humintong sasakyan sa harap ng boutique.
“Oh sya..mauuna na ko, nandito na ang sundo ko” sabi nito , ngumiti lang ako at tumango sa kaniya. Sumakay na ito sa sasakyan at kumaway pa bago umalis.
Babalik na sana ako sa loob ng maisipan kung hindi ko pala nakuha ang pangalan ng babae. Nanghihinayang na napatingin ako sa papalayo nitong sasakyan.
“Sino kaya siya ?” Tanung ko sa sarili ko, bakit pakiramdam ko parang kilala niya ako. Napailing nalang ako at bumalik sa loob ng boutique.
Pagpasok ko sa loob, sinalubong agad ako ni Rosie.
“Kakilala mu ba yung costumer na yun?” tila nakikiusyuso nitong tanung.
“No, ngayun ko lang din siya nakita”napailing kung sabi.
“Nakuha mu ba yung pangalan niya?” balik kung tanung dito. Napailing din ito.
“Wait!” tila may naisip ito, pumunta ito sa counter at nagtanung sa cashier na nanduon, lumapit nadin ako sa counter .May ibinigay ito sa akin na copy ng resibo sa binili ng babae kanina. Gamit nito ang Credit Card nito sa pagbabayad at nakasulat doon ang pangalan nito.
“Vanessa Fontanilla” basa ko sa pangalan sa resibo, ngunit wala padin akung matandaan na kakilala ko na may ganung pangalan.
“Fontanilla? Kamag anak kaya siya ng guwapong si Bright Fontanilla?” Tila naeexcite namang tanung ni Rosie.
Napalingon ako sa gawi nito dahil sa sinabi nito at napakunot ang noo ko, “Bright Fontanilla” sabi ng isip ko at muling tinignan ang pangalan sa resibo.
“Baka naman magkaapelyedo lang” sabi ko sa kaniya at muling ibinalik ang resibo sa cashier at naglakad na ako papasok sa opisina ko.
*****************