Chapter 2- I Found You

1931 Words
BRIGHT “ Sir..!” Untag sa akin ni Billy, ang matagal at pinagkakatiwalaan kung driver. Nasa fifty five years old na ito at maaasahan padin sa trabaho. “ I don’t know what to say to her..” halos pabulong kung sabi. Kakababa lang ng babaeng tinulungan namin kanina. Wala sa plano ko ang umattend ng event kahit ang RSE ang sponsor ng event na yun. Ngunit napapunta ako sa fashion show nayun dahil sa isang babae. Napapikit ako at hinimas ang aking sentido , bumalik sa ala ala ko ang ipinasang report sa akin ng hinired kung private investigator dalawang araw na ang nakakaraan. “Sir this is all the report of the girl and her mother na pinapanahap niyo.” Inilipag private investigator ang isang folder sa lamesa ko , Agad kung kinuha ang folder at binuksan. Nakita ko ang picture ng isang batang babaeng nakangiti kasama ng ina nito. Her innocent smile captivates my heart. Tinignan ko ang sumunod na larawan tumambad sa akin ang nakangiting mukha ng isang babae. Lagpas balikat ang light brown nitong buhok, maamo ang mukha at ang kaniyang ngiti ay abot sa kaniyang mga mga mata .Hindi ko maalis ang tingin sa picture na yun, tila ba mas lalong lumalaki ang pagnanais ko na makita ito ng malapitan. Naalis lamang ang aking atensyun sa larawan ng tumikhim ang investigator sa harap ko. “ Ahemm! Sir nandiyan na din po ang kasalukuyan profile nilang mag ina.” Inilapag ko sandali ang folder at tinignan ito. Biglang natahimik ang investigator dahil ramdam nito ang biglang paglamig ng paligid sa pagkakatitig ko sa kaniya, napansin ko din na bahagya pa itong lumunok na tila kinakabahan. “Good job, I will transfer the payment to your account. You may leave now.” Seryuso ang mukha ko habang nakatingin dito. “T-Thank you sir..!" sabi lang nito at dali daling lumabas dahil sa takot na baka kung anu pang mangyari dito sa loob ng office ko. Binuksan ko ulit ang folder ng makaalis na yung investigator. Muli kung tinitigan ang larawan ng babae, hindi nalalayo ang mukha nito sa batang babae na nasa unang larawan. May ilan pang mga larawan na magkasama ang mag ina, Sila na nga ang matagal ng pinapahanap ni Mommy. Binasa ko ang profile na naka sulat tungkol sa mga ito. Ysabella Kirsten Santillan ang nakalagay na pangalan nito. Nakapagtapus na ito ng pag aaral sa Fashion Design at kasalukuyang mayroong bagong ipinatayong boutique. Nagpapart time din itong model sa mga event simula noong nag aaral pa ito hanggang ngayun kahit may sarili na itong negosyo. Kinuha niya ang kaniyang telepono at may tinawagan. “ Alexes..! I need you here right now!”. tawag ko sa aking assistant at agad ibinababa ang telepono. Hindi naman nagtagal bumukas na ang pintuan ng office ko at humahangos na dumating ang pinagkakatiwalaan kung assistant na si Alexes. “ RSE will be sponsoring a Fashion Event on Saturday, right?” naninigurado kung tanung dito. “ Yes Sir..!”, mabilis nitong sagot. “ Here ask the organizer if there is a model named Ysabella Santillan , and I want an answer asap!” iniabot ko dito ang folder na hawak ko. Agad nitong kinuha ang telepono nito at may tinawagan. Maya maya bumalik ito sa akin. “ Boss Negative..wala daw sa list ang ganyang pangalan.” pagrereport ni Alexes. “Send someone to follow that woman, I want to know if she will be going on that event” Tinignan naman nito ang folder habang muling ibinalik ko ang aking atensyun sa pagbabasa ng mga dokumento. Napaangat akong muli ng tingin ng maramdaman na hindi padin umaalis si Alexes sa harap ko. Tinignan ko ito ng masama dahil hawak padin nito ang picture . Napatayo ako sa aking kinauupuan at mabilis na hinablot dito ang picture ni Ysabella. “ You have seen her enough, you can leave now!” Malamig ang boses na sabi ko dito, nakaramdam ako ng pagkairita dahil sa pagkatitig ni Alexes sa picture ni Ysabella. Napangiti lamang si Alexes na nakakamot sa batok nito dahil sa reaksyun ko at agad itong nagpaalam na umalis. Matagal tagal ko na din itong assistant at Mas matanda lamang ito sakin ng tatlong taon kaya alam na nito ang ugali ko. At the age of 30 isa na akong successful businessman, dahil pagkagraduate ko palamang ng college ay agad akong nagtake over ng kumpanya namin ang Fontanilla Corporation at ginawa akong CEO ng mommy ko. Isa sa malapit na kaibigan ko ang nag offer din sa akin na mag open kami ng isang entertainment company kung saan tinutulungan ng kumpanya ang mga may talent sa music, pagsayaw at pag arte na makapasok sa ShowBiz . Dahil mas malawak ang sakop ng Fontanilla Corporation hinayaan kung ang kaibigan kung si Clyde ang mamahala sa Rising Star Entertainment at umaattend lamang ako ng mga meetings pag kailangan ang presensya ko. Sa araw ng Fashion Show pinapunta ko si Alexes sa lugar na pinag dadausan nito. Habang nasa opisina naman ako , hindi mawala sa isip ko na baka pumunta doon si Ysabella, dahil ayun sa organizer, si Dalton ang manager ng mga model na sasali sa event na yun at ayun din sa source ko malapit itong kaibigan ni Yssa. Agad kung kinuha ang aking coat at nagpasyang umalis sa opisina. Tinawagan ko si Billy na antayin ako sa basement ng building at magpapahatid ako sa Fashion Show na yun. Kasalukuyan nagsisimula na ang Fashion Show ng dumating ako, kaya hindi ako gaanong napansin ng mga tao dahil nasa entablado lahat ang kanilang atensyun. Paisa isang lumalabas ang mga model suot ang ibat ibang magagarang damit. Agad nakuha ang pansin ko ng maglakad ang isang modelo ,seryuso ang maamong mukha nito habang naglalakad, nakalugay ang lagpas balikat nitong light brown na buhok na bahagyang nililipad ng hangin at tila sumusunod sa kaniyang pag galaw, hindi ko maalis ang paningin ko sa babae, hanggang sa matapos ang part nito. Nang ipakita na nila ang pang finale na gowns lalong natahimik ang mga nanunuod, narinig ko ding napapasinghap pa ang ilang manunuod habang nakatingin sa mga models, lumabas si Ysabella na nakapulang gown, hindi marahil malaman ng mga audience kung alin ang kanilang titignan, kung ang gown na suot nito or ang maganda nitong mukha habang naglalaka. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Alexes. “ I want you to get that Red Gown!” Maawturidad kung sabi sa kaniya. Hindi ko na ito hinintay na makasagot dahil tinapos ko na agad ang tawag. Natapos ang part ni Ysabella at masigabong palakpakan ang maririnig sa buong hall. Hindi rin nakalagpas sa aking pandinig ang mga humahangang papuri ng ilang kalalakihan kay Ysaa at hindi ko nagustuhan ang naririnig ko kaya agad akung umalis papunta sa likurang bahagi ng building kung saan ko pinaghintay si Billy. Nakita ko na ang gusto kung makita kaya nagdesisyun na akung bumalik na sa opisina and let my mother know about her. Kasalukuyan akung naglalakad palabas ng building ng biglang may bumangga sa akin pagkaliko ko sa isang pasilyo. Agad kung sinalo ang likuran ng babae at hinawakan ang braso nito upang maiwasan itong bumagsak. Kumunot ang noo ko ng umangat ang tingin ng babaeng bumangga sa akin at lalo na ng makilala ko kung sino ito. Parehas kaming natigilan at nakatitig lamang sa isat isa ng mga sandaling yun.Then narinig kung may mga paparating at tila may hinahanap ang mga ito. Nagulat pa ako at hindi makakilos ng bigla itong yumakap sa akin at itinago ang mukha nito sa dibdib ko. Hindi ko malaman kung anung gagawin ng mga oras na ‘yun habang yakap ni Ysabella . Ngayun lamang ako nalapitan ng isang babae ng ganito ka lapit, maliban sa aking Ina. Maya maya pa narinig na namin ang ingay ng mga papalayong yabag. “I’m sorry for my action, I owe you this one” sabi nito at lumayo na ng kaunti sa akin, at nahihiyang ngumiti. Nanatili akong walang kibo habang nakatitig lamang sa dalaga. “I- I need to go” sabi nito at nagmamadaling umalis . Nakabihis na ito ng tshirt at jeans, naka cap na din ito na itinatakip nito sa mukha. Ngunit naka heels padin ito at mabilis na naglalakad. Nang mawala ito sa paningin ko Naglakad nadin ako sa kabilang pasilyo kung saan nakapark si Billy. “To the office” sabi ko kay Billy ng makasakay na ako sa sasakyan. Umikot ang aming sasakyan at napadaan kami malapit sa taxi lane sa likurang bahagi ng building. Sumalubong ang kilay ko ng mapansin ko si Ysabella na nakatayo at tila nag aabang ng taxi. “ Stop..!!” sabi ko kay Billy. Parehas na kaming nakatingin sa dalaga , nangunot ang noo ko ng may lumapit na lalaki dito, hindi ko man marinig ang usapan ng mga ito halatang hindi ito kilala ni Ysabella, napaatras pa ito ng mas lumapit pa dito ang lalaki. “Damn that guy..!!” pilit ang pagtitimpi ko sa nararamdaman kung galit dahil sa nakikita ko. “let’s go get her..!!" utos ko kay Billy. Mabilis naman nitong pinaandar ang sasakyan at inihinto sa tapat ni Ysabella at ng lalaki. Akmang hahawakan na ng lalaki ang braso niya nang bumusina si Billy at binuksan ko ang pinto ng sasakyan. Napatingin si Ysabella sa akin at halatang nagulat ito ng makilala ako. “ Get in!” utos ko sa kaniya. Agad naman itong sumakay sa sasakyan at naiwan ang lalaki na walang nagawa. Pilit kung kinakalma ang aking sarili, hindi ko din mawari kung bakit ganito ang galit na nararamdaman ko ngayun. Habang bumabyahe na kami narinig kung nagsalita si Ysabella. “Can I change my shoes here?” rinig kung tanung niya. I only nodded at her at hindi ko man lang siya matapunan ng tingin. Napansin ko ang paghaplos nito sa paa nito, marahil sumakit ang paa nito sa kakalakad sa event kanina. Nagpalit ito ng flat shoes na bumagay naman sa Tshirt at jeans na suot nito. “Your address?” naisipan kung itanung para malaman kung saan ito ibababa. Malalim na ang gabi at baka mahirapan na itong makahanap ng masasakyan pauwi. “Huh?” tanung nito, na parang hindi naintindihan ang sinabi ko. Hindi na ako nagsalitang muli dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong damdamin. Gusto kung kausapin ito at magpakilala dito ngunit hindi pa ito ang tamang panahon. Naikuyom ko na lamang ang aking kamao. “ Miss saan ka namin ibababa?” narinig kung tanung ni Billy dito ng hindi na ako sumagot. “ Ah..pakibaba nalang po ako sa malapit na bus stop” sabi nito kay Billy. Naramdaman ko na nakatingin si Ysabella sa akin kaya nilingon ko ito. Agad nman itong umiwas ng tingin. Ngunit nanatili akong nakatitig sa kaniya, ng tumingin ito ulit ,bahagya itong ngumiti. Nanatili kaming walang kibuan hanggang marating ang estasyun ng Bus. “Nandito na po tayo Miss” sabi ni Billy dito. Agad naman nitong inayus ang gamit nito at bago bumaba napalingon sa akin. “Thank you for your help today, I’ll pay you back next time if ever na magkita tayung muli.” Nakangiti nitong sabi at nagpasalamat din kay Billy bago tuluyang bumaba. Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa aking opisina habang inaalala ko ang mga nangyari. Muli kung kinuha ang folder na nakatago sa drawer ng aking table at kinuha ang picture ni Ysabella. “ Ysabella ,what did you do to me..!” I murmured habang tinititigan ang larawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD