*CAROL POV* Nag ikot ikot ako pero lahat silang mga tao na pinakikiusapan ko, lahat sila ay tumanggi sa akin kahit na magbabayad kaagad kami ng down payment. Si Aling Marta nga na akala ko ay mabait, tumanggi rin. Sinabi pa nga n'ya na natatakot lang daw s'ya kay tandang Tessy na baka raw s'ya ang pag initan nito kasi sinabi nito na magdadala lang daw kami ng kamalasan sa bahay. Lumayas ako sa bahay n'ya, sayang kasi akala ko talaga ay isa itong mabait na tao subalit kagaya rin s'ya ng mga nakakarami. Paano kaya ito? Wala na akong ibang matutuluyan. Yari ako nito sa mama ko kapag umuwi ako. Natitiyak ko na magagalit ito sa akin kahit na ginawa ko na ang best ko upang makahanap ng bagong malilipatang bahay. Nakasalubong kong bigla sa daan si Josh. S'ya yung isa sa mga makukulit kong mg

