*CAROL POV* "Kahit na ano pa ang sabihin mo sa akin, Carol, mahal ko pa rin ang papa mo at handa akong patawarin ito sa lahat ng mga naging kasalanan nito sa atin. Tao lang ako at nagkakamali rin. Tao ang papa mo at nagkakamali. Mula noo hanggang ngayon at nangangarap pa rin ako na maging buo ang pamilya natin. Masama na panghawakan ang galit sa loob ng mahabang panahon. Masama na hinde magpatawad. Ang Diyos nga kaya tayong patawarin sa lahat ng mga kasalanan natin, ano pa tayo?" Ang mama ko talaga, aalis na lang kami pero pinilit pa nito na mag drama ngayon. "Matagal ko nang pinakawalan ang galit kong nararamdaman sa papa mo. Marahil noon ay sinusumpa ko ito na sana ay magkaroon ng matinding karma sa buhay n'ya. Pero tumatanda na ako at baka mas lalo lang manganib ang kalusugan ko kap

