*CAROL POV* Nang humarap na ako sa bahay namin, dito na ako napatitig. Ilang taon namin itong naging tirahan ng mama ko at marami kaming mga memories rito. Good or bad, naging saksi ang tahanan na ito. Sa mga sermon pa lang n'ya sa akin hanggang sa mga iilang nagtawanan namin. Magiging malungkot talaga ako kase kahet na gawa lang ito sa tipikal na materyales kagaya ng kahoy at simento, mahalaga ito sa ilang taon na pagsasama namin ng mama ko. May mga times pa nga na dumadalaw rito ang boyfriend kong si Cedrick. Naitabi ko pa ang ilan sa mga binigay n'ya sa akin na teddy bears at ibang mga stuffed toys, bags, damit at mga souvenirs. Dadalhin ko itong lahat kung saan man kami pupunta ng mama ko. Pero pagod kasi ang boyfriend ko ngayon kaya pipilitn kong hakutin ang mga ito ng walang tulo

