KABANATA 4

1017 Words
CAROL POV Umaga na, pasilip pa lang ang araw sa kalangitan pero ako ay dinadapuan na ng labis na antok. Nakasandal na nga halos ang katawan ko sa boyfriend ko na pagod na rin ngayon. Medyo napahaba ang duty naming dalawa. Halos napapa pikit pa nga ako habang nag lalakad kami sa kalsada. "Carol, ano nga pala ang pinag usapan n'yong dalawa ni Alvin kanina nang umalis ako?" Lutang man ako pero sariwang sariwa pa rin sa alaala ko ang mga sinabi sa akin kanina ng baklang taklesang Alvin na ito! "Buti na lang tinanong mo kasi sinuway n'ya ako kanina at sinabing bawal daw ang landian sa oras ng trabaho. Ewan ko ba pero feeling ko ay bitter lang s'ya sa ating dalawa. Nag sorry lang ako sa kanya pero nagulat na lang ako kasi sinabi n'yang never daw pumasok sa utak n'ya na pumatol ka sa isang kagaya ko kasi gwapong bad boy ka raw at ikaw ang dahilan kung bakit nag sisipag balikan ang ibang mga customers. Gusto ko sana s'yang tarayan kasi masyado na itong personal kaya lang ay tinawag kasi s'ya ng ibang crew sa labas." "Mahal, ako na ang nakikiusap sa'yo, wag ka nang pumatol sa kanya kasi boss natin s'ya. Hayaan mo na, may gusto kasi talaga s'ya sa akin simula noon pa. Malakas daw ako sa kanya at kahit na anong klaseng request ko pa ay gagawin n'ya raw. Na badtrip nga s'ya ng malaman n'yang may gf ako eh. Tigang lang s'ya sa akin!" Nawala ang antok ko at humarap ako sa kanya ng nakataas ang dalawa kong kilay. "Okay! Wala naman akong magagawa kung talagang maraming nagkaka gusto sayo. Kaya lang, sana ay labanan mo ang tukso at wag na wag kang tatanggap ng kahit na ano mang bagay galing kay Alvin kasi alam na alam ko ang karakas ng mga gaya n'ya!" "Wala kang dapat na ikabahala kasi yan ang huling bagay na gagawin ko ay ang pag patol sa kanya. Ikaw lang naman ang bebe ko eh," ngumisi pa s'ya matapos nitong magsalita. "Hay nako anjan ka na naman ha? To see is always to believe!" Nanatili lang s'yang nakangisi sa akin. Basta panghahawakan ko pa rin ang sinabi n'ya sa akin kasi sobrang mahal n'ya ako at gagawin n'ya ang makakaya n'ya para maging kami hanggang sa ikasal kaming dalawa. Hinatid n'ya na ako sa sakayan ng jeep, pag upo ko nga ay damang dama ko kaagad ang matinding pagod ko sa biyahe. Sa buong buhay ko, ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganitong katinding pagod. Physically at emotionally. Maging ang mga kamay ko nga ay pudpod na sa kakahugas gamit ang dishwashing liquid. Pero ano ba ang magagawa ko? Ito lang ang puwedeng maging trabaho ng isang kagaya ko na walang tinapos na pag aaral. Sabagay, kahit naman siguro mayroon akong trabaho, talagang parehas lang din ang magiging kapalaran ko. Minimum rate na kailangan pag kasyahin kahit kulang na kulang. Kaya tamang tama lang din siguro na hindi ako nakapag tapos sa pag aaral kasi sobrang gastos lang nito. Sa baon ko pa lang araw araw ay talagang butas na ang bulsa ni mama. Sana kasi ako na lang talaga ang dinala ng tatay ko sa America. Ibang iba siguro talaga ang magiging kapalaran ko. Bukod kay Ced, wala nang ibang magandang nangyari sa akin kasi puro na ako pag subok sa aking buhay. Buti pa ang sinasabi ni mama na kapatid ko raw, maganda ang buhay ngayon at meron s'yang rich dad. Sigurado akong na spoled s'yang masyado. Dahil sa trapik, halos isang oras din ang b'yahe ko ngayong araw. Dati inaabot lang ako ng 30 minutes pero ngayon ay talagang mas malala na ang traffic na nararansan ko dito. Nang umuwi ako, nagulat na lang ako na bukas ang gate ng aming bahay. Pumasok ako sa loob at nakita ko na naman ang nanay kong umiinom ng beer sa sala namin. Madali tuloy nag init ang ulo ko sa nakita ko. May sakit na s'ya at nagagawa n'ya pang uminom ng alak? Ang tigas talaga ng ulo n'ya. Padabog akong lumapit sa kanya at mabilis kong inagaw ang alak sa kanyang kamay. "Ano ka ba ma? Di ba nag gagamutan ka ngayon tapos ang lakas lakas mo pang uminom ngayon jan?" galit ko pang sabi sa kanya. Pinikit n'ya langang kanyang mga mata at tumingala. Alam ko na kung ano ang mga susunod na mangyayari. "Miss na miss na kita Ben, sana ay maisipan mong bumalik ulit dito ngayon sa bahay. Miss ko na kayong dalawa ng anak natin." Umupo ako sa tabi ni mama, "Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hinding hindi na tayo babalikan ni papa dito ma? Ilang dekada mo na nga yata ito sinasabi kaya lang hanggang ngayon ay wala pa rin sila papa." Inulit n'ya lang ang sinabi n'ya sa akin na parang wala lang ako sa kanya. Awang awa man ako para kay mama kaya lang ay wala akong magagawa para mapigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Alam kong hanggang ngayon ay mahal pa rin n'ya ang papa ko kahit na niloko kami nito at ipinag palit sa iba. Kung pagmamahal at pag papatawad ang umiiral sa kanya ngayon, ako naman, punong puno ng galit ang puso ko sa kanya sa pag iwan n'ya sa aming dalawa ni mama. Naghihikahos kaming dalawa ngayon, walang masasandalan at pasan pasan ko ang mga problemang iniwan ni papa. "Uminom ka na ba ng gamot mo ma? Ang sabi sayo ng doctor, hindi ka raw puwedeng mag skip ng gamutan mo kasi baka kung mapaano ka," nagaalalang sabi ko pa rito. "Hayaan mo na ako Carol! Alam ko na sobra sobra ang pagpapasakit ko ngayon sayo at pagod na pagod ka na sa kakaalaga mo sa nanay mong wala namang pakinabang. Hayaan mo na lang na mag wakas ang hininga ko para matapos na rin ang pag durusa ko sa aking buhay." Heto na naman ang pagiging ma drama n'ya sa akin. Ilang beses na s'yang ganito lalo na kapag tumutunga s'ya ng alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD