"Look, Marites! Heto ba? Bagay ba sa akin?" anang Melinda saka pa itinapat sa katawan nito ang isang magarang dress. Makailang beses itong nagpaikot-ikot habang tinatanaw ang sariling kabuuan. Nakarating na sila rito sa mansyon sa ganap na alas tres ng hapon, marami silang napamili, karamihan pa ay mga luho ng tatlo kong pinsan. Mukhang ginatasan na naman si Ina, tsk tsk. Nandito kami ngayon sa sala, tahimik akong nakaupo sa pang-isahang sofa habang maang lang silang pinapanood sa kani-kanilang ginagawa. Tuwang-tuwa ang mga ito na para bang ito ang unang pagkakataon na nangyari sa kanila ito. Dumako pa ang atensyon ko kay Teresita na naroon sa katapat kong upuan, kinuha nito mula sa isang paper bag ang kaniyang bagong telepono. Nangunot ang noo ko nang dahan-dahan niya iyong binubuksan

