Gulat man ay hindi ko na nagawang makapag-react nang marahang dumampi ang labi ni Felix sa noo ko, matagal iyong naglagi roon dahilan para mapapikit ako sa kawalan. Sandali kong ninamnam ang kapayapaang nararamdaman ng damdamin ko. Hindi alintana sa akin ang mabigat kong paghinga pati na rin ang malakas na pagririgodon ng puso ko. Hindi ko hinangad na mahalikan ako ni Felix sa labi, ito lang ay sapat na. Maliit na bagay ay labis ang naging resulta sa akin. Pakiramdam ko ay sa wakas— naramdaman ko rin kung ano at paano iyong totoong may nagmamahal sa akin. Napalunok ako, kasabay nito ay ang pagpatak ng isang luha ko. Malaya iyong namalisbis sa pisngi ko at bago pa man makita at maabutan ni Felix ay maagap ko itong pinunasan. Hindi ko alam kung para saan iyon, marahil ay masaya lang tala

