Chapter 24

1849 Words

"Mahabaging Diyos, Karla!" malakas na sigaw ni Ina na siyang umalingawngaw pa sa kabuuan ng mansyon. Imbes na ako ang magulat sa pagdating nila ay sila pa itong napatigalgal sa harapan ko. Parehong nanlalaki ang mga matang pinakatitigan nila ang kabuuan ko, pamula ulo hanggang paa. Samantala ay napangiti lang ako. Natampal ni Ina ang kaniyang noo at pakiwari ay hindi malaman ang gagawin. Habang si Ama ay nakaigting ang panga, tila ba ano mang oras ay gusto na akong saktan. "Magandang araw, ginoo," turan ko saka pa nilingon ang lalaking kasama nila na naroon sa bandang likuran ni Ama. Napansin ko ang pagkakagitla nito, nangunot pa ang kaniyang noo habang abala ang parehong mata nito sa pagpasada sa kabuuan ko. Lalo lang akong napangiti sa kawalan. Ganiyan nga, madismaya ka at tumakbo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD