Chapter 25

1874 Words

Sa paulit-ulit na pagsabi sa akin ni Ina na isa akong tanga, ngayon ko lang talaga natantong totoo nga iyon. Ang tanga ko para hindi mahalata, ang tanga ko para magbulag-bulagan. Samantalang ang dami sa paligid na siyang nagsasabi na rin ng ebidensya para magising ako sa katotohanan. Ang tanga ko para hindi maramdamang niloloko na pala ako ni Topher. At mas nagpalala pa ay sa kaibigan ko pa, sa matalik naming kaibigan na si Carmen La Corazon. Bakit ang tanga ko? Hindi ako nakapagsalita, ganoon din sila kaya ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. Halos mabingi pa ako sa malakas na pagtibok ng puso ko, tila may isang punyal ang tumarak doon. Dama ko ang pag-agos ng animo'y dugo sa puso ko, unti-unting hinahati sa dalawa. Hanggang sa tuluyan nang mawasak dahilan para sandaling tumigi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD