BAGO umalis kinabukasan si Lucas sa probinsiya nila para puntahan ang ex-girlfriend nito pinuntahan na muna nito si Herrah sa trabaho niya para personal na magpaalam sa kanya.
"Herrah, salamat ulit." Masaya na ito ngayon at bakas sa mukha ang pag asa.
"Walang anuman 'yon. Basta galingan mo at goodluck."
"Oo."
"Invite mo ako pag kinasal kayo."
"Oo, pangako."
"Sana magkabalikan kayo ng taong mahal mo," bukal sa pusong hiling ni Herrah iyon kahit may lungkot ang puso niya sa pagtatapos ng kabanata ng pagmamahalan nila noon ni Lucas.
Napangiti si Lucas at niyakap siya. "Salamat Herrah at sorry kung hindi ako tumupad sa pangako ko. Sorry kung pinag -antay kita nang matagal sa wala."
Hindi maintindihan ni Herrah kung bakit sa sinabing iyon ni Lucas ay tumulo ang luha niya.
"Lumipas na 'yon Lucas, hindi naman lahat nang iniiwan binabalikan 'di ba? Napahikbi na siya.
Humiwalay si Lucas sa pagkakayakap. "Sorry." Pinahid nito ang mga luha niya.
"Pero sana pag nagkaayos na kayo bumalik ka rito at ipakilala mo siya sa akin."
"Oo 'yan ang pangakong tutuparin ko kaagad." Ngumiti na si Herrah gano'n din si Lucas.
Nang umalis si Lucas pinagmasdan na lang niya ito at sa pag alis nito tuluyan na rin inalis ni Herrah ang pag asa na matutupad pa ang pangako nila noon ni Lucas o ni Cas ang nag-iisang taong minahal at inantay niya nang matagal. Handa na rin mag-move on si Herrah at simulan ang buhay na hindi na iniisip pa ang pangako nila ni Cas.
"Buti naman sa wakas! Pumayag ka ring magpaligaw kay Andrew!" tuwang tuwa na bulalas ni Lirah sa kanya.
Napadalaw kasi si Andrew sa bahay nila nang araw na iyon, upang sa maraming beses na pagkakataon ay umakyat ng ligaw sa kanya. Kababata niya rin ito at matagal na itong may pagtingin sa kanya pero palagi niya itong tinatanggihan at tinututulang manligaw.
Ang dahilan kasi niya noon ay umaasa siya sa pagbabalik ni Lucas at pagtupad nito ng pangako nito. Pero ngayong wala naman ng pag asa sa kanila ni Lucas, binigyan na niya ng pagkakataon si Andrew na manligaw sa kanya at subukan ang sarili na buksan ang puso sa iba.
"Eh, ate naisip ko na rin sa tagal na laging nanunuyo si Andrew na ligawan ako, parang napaisip ako na dapat subukan ko naman ngayon na buksan ang puso ko sa kanya," tugon niya sa kakambal, "kaya lang ate, binalaan ko rin siya na hindi ako sigurado kung mamahalin ko talaga siya. At baka maging rebound ko pa siya kung nagkataon."
"Eh, anong sabi ni Andrew sa sinabi mo Rang?
"Tutuloy pa rin siya sa panliligaw niya. Sabi pa nga niya nagawa na nga raw niyang antayin na bigyan ko siya ng pagkakataon sa matagal na panahon. Ngayon pa raw kaya siya susuko eh, pumayag na ako na magpaligaw sa kanya," tugon niya kay Lirah. Nakita niya na napangiti ito.
"Mahal na mahal ka talaga ni Andrew. Kaya sana Rang, turuan mo ang sarili mo na mahalin siya kasi kaya niyang sumugal sayo. Kahit hindi siya sigurado na may katugon ka sa pagmamahal niya sayo."
"Oo nga ate eh, ngayon ko nakikita na napakabuti ni Andrew at talagang totoo ang pagmamahal niya sa akin. Kaya talagang tuturuan ko ang sarili ko na mahalin siya, kasi tingin ko desserve niya iyon."
"Parang ikaw. Desserve mo rin naman ang mahalin ng totoo, kasi totoo ka rin magmahal. Inantay mo nga ang Cas na iyon sa matagal na panahon kahit wala kang kasiguraduhan. Pero ang Cas na iyan! Hindi marunong tumupad ng pangako! Naiinis pa rin talaga ako sa kanya!
"Ate, hayaan mo na siya. Mahalaga ngayon, mag uumpisa na ako na hindi nag aantay at umaasa sa pangako na hindi naman pala matutupad," mahinahon niyang tugon sa kapatid.
"Oo at sana maging masaya ka na sa pagkakataong ito," nakangiting hiling ng kapatid.
"Sana nga."
Isang linggo na rin nang lumuwas si Lucas sa Maynila at wala na siyang balita pa kung ano na ang balita dito o kung nagkabalikan ba sila ng ex-girlfriend nito.
"Pero marahil nagtagumpay ito dahil hindi na ito nakaalalang makibalita. Marahil pag bumalik ito kasama na nito ang girlfriend niya."
"Thanks Herrah ha," may ngiti sa labi ni Andrew nang sabihin nito iyon sa kanya. Napahinto si Herrah sa pag kain at napatitig sa binatang kaharap. Nasa isang class restaurant siya ngayon with Andrew nag-aya kasi ito ng date na hindi niya tinanggihan.
"Para saan?
"For giving me a chance. Herrah, promise ipapakita ko sayo na worth ang chances na binigay mo sa akin."
Napangiti siya sa tinuran nito."Andrew worth naman na 'yon kasi ang tagal mo ring akong inantay."
"Kulang pa 'yon." Hinawakan nito ang kamay niya, "pero sigurado ka na ba na bibitawan mo na ang pangako niyo ni Lueine sa isa't isa 'di ba nagbalik na siya?
"Iba na ang Luiene na nangako noon sa nagbalik ngayon. May iba ng nagmamay-ari ng puso niya at tingin ko dapat na akong tumigil sa pag aantay at huwag nang umasa pa na matutupad ang pangakong iyon." Mapait siyang napangiti. Hindi pa ring maiwasang masaktan siya pag naiisip niya ang nabigong pangako nila ni Lucas. "Kailangan kalimutan ko na siya."
"Tutulungan kita na makalimutan siya at ako na ang magmay-ari diyan sa puso mo."
Napangiti si Herrah habang titig na titig sa gwapong mukha ni Andrew. Ang gwapo rin talaga nito, bakit ba sa tagal nang panahon hindi siya nadala sa kagwapuhan nito. Mabait, gentleman at may magandang trabaho, ang alam niya may pag aari rin ito na kompanya pero hindi niya alam kung gaano ba ito kalaki at kung gaano ito kayaman dahil hindi talaga siya interesado. Isa pa, hindi naman mahalaga sa kanya ang kayamanan, ang mahalaga sa kanya ang taong mamahalin siya nang totoo at mapapasaya siya sa habang buhay, kahit simple lang ang pamumuhay nila.
Hindi lang isang beses na nag-date sila ni Andrew, sa isang linggo ay tatlong beses silang nag-di-date dalawa at masaya itong kasama. Doon lalo niyang nakikita na mabait talaga itong tao, kahit sa mga magulang niya at mga kapatid niya ay naging malapit ito. Palagi rin siyang hatid-sundo ni Andrew sa trabaho. Ipinapakita talaga nito kung gaano ito ka-desidido sa panliligaw sa kanya. Kaya hindi malabong mapalapit na kaagad ang puso niya sa binata.
Nagugustuhan na niya si Andrew at kinukulit na rin siya ng ate niya na sagutin ang binata pero naninigurado pa rin siya dahil ayaw niya itong masaktan.
Pero talagang desidido si Andrew at damang-dama niya ang pagmamahal nito na kahit siguro matigas na puso na babae ay mapapalambot, siya pa kaya na mabuting tao naman. Kaya talagang nadarama niya na mabilis na nahulog na ang loob niya sa binata.
"Salamat sa masayang gabi Herrah," nakangiting sabi ni Andrew sa kanya. Iyon ang palaging sinasabi nito sa tuwing matatapos ang date nila na ikinatataba ng puso niya.
"You're welcome," nakangiting tugon niya dito.
Hinawakan siya ni Andrew sa kamay at nagulat siya nang hilahin siya nito at yakapin. Buti na lang gabi na at tulog na halos lahat ng kapit bahay nila pati na rin ang mga tao sa bahay kaya wala nang makakakita sa kanila.
"I love you," sensirong sabi nito na parang nagpatunaw sa puso niya sa kilig.
Humiwalay si Andrew sa pagkakayakap sa kanya at nagulat siya nang haplusin nito ang mukha niya.
Namilog ang mga mata niya nang ilapit nito ang labi sa labi niya pero hindi siya pumalag, pumikit pa siya bilang pag ayon sa nais nitong gawin sa kanya. Naramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa labi niya. Ang lambot ng mga labi nito at waring tinutukso nito na tumugon siya sa halik.
Pero paano? Unang beses niyang mahalikan, ay kay Lucas pa nanggaling at marahas pa iyon na hindi katulad ng halik ni Andrew sa kanya na napakasensuwal at may pag iingat. Ito ang pangalawang halik na natikman niya at wala pa rin talaga siyang kaalam-alam kung paano tumugon sa isang halik.
"Sorry," may takot sa mga mata ni Andrew nang sabihin iyon.
"Seryoso ka talaga na nag-so-sorry ka?" nangingiting tanong niya kay Andrew.
Napakamot naman ito ng ulo kaya natawa siya. Napangiti na rin naman ito. "Buti hindi ka galit."
"Kung galit ako dapat sinapak na kita kanina pa. Isa pa, two months ka nang nanliligaw tingin ko gusto na kita, eh."
Namilog ang mga mata ni Andrew. "G-gusto mo na ako?
Nginitian niya si Andrew. "Gusto na kita Andrew at sinasagot na kita."
Napabuka ang labi ni Andrew sa sobrang shock. "S-sinasagot mo na ako? Nakangiti siyang tumango.
Umatras si Andrew palayo sa kanya at umikot ito patalikod at paharap sa kanya na pinagtakhan niya.
"Woohhh!" sigaw nito na ikinagulat niya, "kami na ni Herrah! Officially!"
Kaya napatakbo na siya palapit sa bagong kasintahan at hinawakan ito sa braso. "Uy! 'Wag kang sumigaw!" saway niya na dito. Baka may mabulahaw pa itong mga natutulog.
"Ang saya-saya ko!" sigaw pa rin nito at niyakap siya.
" 'Wag ka ngang sumigaw," nakangiting saway niya ulit sa bagong kasintahan at niyakap din niya ito.
"Ano bang-
-Naku! Bakit nagyayakapan kayo diyan sa dilim!
Napalingon sila sa boses na iyon sa likod niya at nagulat na lang siya nang may humila sa kanya.
"K-kuya!" bulalas niya nang makita ang kapatid. Matalim ang tingin nito sa kanila ni Andrew,
"Kuya Henry, sorry po sa nakita mo wala-
Hindi natuloy ni Andrew ang pagpapaliwanag niya.
"'Wag mo akong ma-kuya kuya! Hindi kita kapatid!" sita kay Andrew ng kapatid," gabing-gabi na nag iingay ka pa at nagyayakapan pa kayo sa dilim!" Tumuon sa kanya ang matalim nitong tingin.
"K-kuya. 'Wag ka namang ganyan kay Andrew-
"Pumasok ka na sa loob kung ayaw mong sipain pa kita papasok sa bahay!"galit at pasigaw na utos ng kuya niya sa kanya.
"K-kuya. Boyfriend ko na si Andrew, sinagot ko na po siya," paliwanag niya sa kapatid. Nanlaki ang mga mata nito at napabuga ng hangin.
"Kuya, wala po akong masamang hangarin kay Herrah, mahal ko po siya," sensirong sabi ni Andrew na halos tumunaw na naman sa puso niya.
"Wala naman akong tutol sa relasyon niyong dalawa. Pero sana naman 'wag kayong nag iingay at nagyayakapan dito sa dilim at isa pa, kasal muna bago 'yong-
"Kuya!"saway na niya sa kapatid.
"Opo kuya! Gagalangin ko si Herrah, 'wag po kayong mag-aalala!" mabilis namang tugon ni Andrew.
"Sige na pumasok na tayo sa loob Herrah, gabi ka na masyado umuwi. Andrew, bukas na lang ulit kayo magkita," mahinahon ng sabi ng kuya niya sa kanila.
"Sige, alis na ako Herrah," paalam ni Andrew sa kanya, "bukas susunduin kita love," nakangiting sabi nito. Nakadama siya ng kilig sa tinawag nito sa kanya.
Love sounds so sweet.
"Sige ingat ka," bilin niya sa kasintahan.
Nang makasakay ito sa kotse at umandar na, saka sila ng kapatid niya pumasok sa loob ng bahay.
"Kuya, sorry na." Niyakap niya ito. Ginulo naman nito ang buhok niya.
"Sa susunod 'wag kayong magyayakapan sa dilim nang hindi ako nakakaisip ng kung anu-ano."
"Opo kuya."
"Bukas na bukas sabihin mo kila Nanay at Tatay ang relasyon niyo ni Andrew. 'Wag mong patatagalin pa ang pag amin sa kanila."
"Opo kuya."
"Sige na, matulog ka na gabing-gabi na."
"Sige po."
Pumasok siya sa kwarto niya at mukhang dahil sa ingay nang pagsara niya ng pinto ay nabulabog niya ang pagtulog ni Lirah, na kasama niya sa kwarto. Buti si Lily hindi nagising.
"Sorry ate. Nagising ba kita."
"Okay lang 'yon. Oh, kumusta date niyo ni Andrew?
Ngumiti siya at umupo sa kama sa tabi ng ate niya "Ate, kami na."
Namilog ang mga mata ni Lirah at nagulat siya nang tumili ito. Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito. "Ate, ano ka ba! Gabi na baka mabulabog mo sila Nanay at Tatay! Pati si Lily!
"Sorry," bulong nito," sinagot mo na si Andrew? Anong sabi niya? Natuwa ba siya?
"Oo ate. Sumigaw nga siya sa sobrang saya, eh! 'Yan tuloy nagising si kuya at nahuli kaming magkayakap. Nagalit nga si kuya-
"Alam na ni kuya? Bilog na bilog ang mata Lirah.
"Oo at bukas na bukas, sasabihin ko rin kila Nanay at Tatay."
"Oh my god! I'm happy for you sister! Niyakap pa siya nito.
"Ako rin ate. Ang saya saya ko."
"Mahal mo na ba si Andrew?" seryosong tanong nito sa kanya.
"Kinikilig ako ate, sa mga ginagawa niya. Napapangiti niya ako at napapatawa. Nami-miss ko siya pag hindi kami magkikita sa isang araw at tingin ko gustong gusto ko na siya. Lahat nang mga ginagawa niya nagpapataba sa puso ko. Tingin ko sapat na iyon para sabihin na minahal ko na siya," nakangiting sabi niya sa kapatid
Masayang napangiti si Lirah at hinaplos ang pisngi niya."Oo Rang, sapat na iyon at mas lalo mo siyang mamahalin habang tumatagal ang relasyon niyo. Masaya ako para sayo, sana magtuloy-tuloy na ang kaligayahang mong 'yan."
"Sana nga ate."
"Sige na magpahinga ka na. Alam kong excited ka nang masabi kila Tatay at Nanay ang magandang balita mo na 'yan."
"Opo ate," nakangiting tugon niya sa kapatid. Humiga na ulit ang kakambal niya sa kama at siya naman ay nagbihis na muna bago nahiga na rin sa kama at may saya sa puso na nakatulog.
Kinabukasan inantay muna ni Herrah ang pagdating ni Andrew bago niya ipagtapat sa magulang ang relasyon nila. Iyon din kasi ang gusto ni Andrew nang tumawag ito sa kanya, na sabay na silang magsasabi sa magulang niya ng relasyon nila. Napapangiti tuloy siya nang muling maisip niya ang gusto ni Andrew, ang bait talaga nito at mahal na mahal siya, na kahit mga magulang niya ay ginagalang nito.
Nang may kumatok sa pinto nila agad niyang binuksan ang pinto. Excited na siya na maipagtapat nila ni Andrew sa mga magulang niya ang relasyon nila.
"Love, kanina pa kita inaantay-
"Love? Ngumisi ito, "am I miss something while I'm not here?
"Lucas!