Chapter 8

1948 Words
"MAMASYAL tayo bukas," aya ni Lucas kay Herrah. Napatingin ito sa kanya at mukhang nagulat pa. "Kasi ano, eh." Napakamot siya ng ulo, "hindi natuloy pamamasyal natin noong una 'di ba? Tapos hindi pa ako nakakapamasyal dito, fifteen years na akong hindi nakauwi tapos ang dami nagbago pa- "Okay okay, mamasyal tayo bukas," nakangiting putol ni Herrah sa sasabihin niya sana.  Napangiti na rin siya. "Pero sana isama natin si Lily, para naman makapamasyal siya," sabi nito sa kanya. "Si Lily? May naalala tuloy siya bigla. "Kanino ba talagang anak si Lily? Sayo ba o sa ate mo?" interesadong tanong niya kay Herrah. "Kay ate Lirah. Inisip mo ba talaga na anak ko si Lily?" hindi makapaniwalang tanong din ni Herrah sa kanya. Napakamot na naman siya  sa ulo niya nakadama tuloy siya ng hiya. "Kamukhang-kamukha mo kasi si Lily, ganyan-ganyang mukha mo noong ten years old ka." "Naaalala mo pa itsura ko noong bata pa tayo? Napangiti na ito. "Oo naman. Ang cute cute mo noon parang si Lily." Natawa naman si Herrah sa sinabi niya. "Ikaw din naman, ang cute cute mo noon," nakangiting sabi ni Herrah. "Ang chubby ko kaya noong bata pa ako. Ang tambok ng pisngi ko no'n eh." "Pero kahit na ang cute cute mo pa rin." "Oo na cute na. But now, I'm handsome." Napangiti si Herrah. "Oo tama ka. Ang gwapo gwapo mo. Ang laki na nga ng pinagbago mo. Hindi ka na mataba at mukhang may abs ka na." "Oo naman. Dahil tabain ako, I need to have a proper diet. Iwas sa mga may cholesterol na pagkain, proper exercise at sumali sa mga iba't-ibang sports na nakakapang-fit ng katawan." "Talaga? Hindi ka ba nahihirapan?" "Siyempre wala naman madali sa una eh, lalo na  sa pag kain." Tumawa pa si Lucas, " 'yong ilan sa mga paborito ko noon, hindi ko na nakakain parati. Minsan na lang at may limitation pa." "Kahit naman mataba ka gwapo ka pa rin, eh. Hindi kabawasan ang katabaan mo, sa kagwapuhan mo." Napangiti siya sa sinabi ni Herrah. Ito lang ang babaeng nagsabi sa kanya na gwapo pa rin siya kahit tumaba at hindi nanghihinayang sa maaring mawala na magandang katawan pag tumaba siya. Hindi tulad ng ex-girlfriend niya, na pag nakikitang tumataba na siya kahit konte, pinapaalalahanan na siyang magbawas ng pag kain at huwag hahayaang tumaba siya ulit. "Uy! Natahimik ka na diyan?" untag sa kanya nito. "Ah, napaisip lang ako sa sinabi mo." "Bakit naman? "Ikaw lang kasi ang nagsabi n'on sa akin. Halos lahat kasi ng mga naging chicks ko, katawan lang habol sa akin." "Hindi kasi ako isa sa mga chicks mo," napangiting tugon nito. "Oo nga naman. But if you want- "Shut up! Natawa na naman siya. "Just kidding." Natapos na niyang gamutin  ang sugat ni Herrah, kaya naisipan na rin niyang magpaalam dito para umuwi. "Nay, Tay, ate, aalis na raw si Sir- "Just Lucas ano ka ba! 'Di ba friends na ulit tayo? "Ah sorry. Si Lucas aalis na," paalam nito sa pamilya niya na nasa kusina lang. Lumapit naman ang Nanay at Tatay nito kasunod si Lily. "Ba-bye po Tito pogi." "Bye Lily," paalam niya kay Lily.  "Sige, ingat ka iho," bilin ng Nanay ni Herrah sa kanya. "Opo, salamat po. At ipagpapaalam ko po pala si Herrah na isasama ko po siya bukas para mamasyal," paalam na rin niya sa mga magulang ni Herrah. "Oo nga pala Nay, Tay, isasama ko na rin po si Lily," sabat na rin ni Herrah. "Sige, basta mag-iingat kayo," payag agad ng Nanay ni Herrah. "Ikaw iho, sisiguraduhin mong buong uuwi ang anak ko rito," seryosong bilin ng Tatay ni Herrah. "Opo Tito." "Si Tatay talaga. Tay, mamamasyal lang kami," saway ni Herrah sa Tatay nito. "Mabuti nang nagbibilin. Siyempre nag-aalala rin naman ako sa inyo." "Okay lang 'yon Herrah, hayaan mo na Tatay mo," ayon naman niya,"hayaan niyo po ligtas ko pong iuuwi sila Herrah at Lily, dito bukas," nakangiting paninigurado niya sa ama ni Herrah. "Mabuti." "Sige po, aalis na ako." "Sige iho, mag iingat ka," bilin ng Tatay ni Herrah. "Opo."  Saka na siya tuluyang umalis. Nagbabiyahe na siya nang tumunog ang cellphone niya. Si Red ang tumawag. "Hey 'tol," salubong niya dito. "Kumusta ka na diyan? "Napatawag ka lang ba para kumustahin ako? Ang sweet mo naman." "Gago! Natawa naman siya sa pagmumura nito. Pero narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Hey! May problema ka ba? Ano ba talaga dahilan bakit ka napatawag? "I think. Actually we think that you need to stay in where you are. More than one month." "Ha? But why? Don't tell me ayaw niyo na ako umuwi diyan." "No, that's not it- "Raf! Spill it out!" narinig niyang sigaw sa kabilang linya. Si Jana iyon asawa ni Red. "Oo, baby. Bumubwelo pa lang ako," tugon ni Red kay Jana. "What is it Red? "Kasi ano, eh- -dapat kasi hindi ako ang nagsasabi nito. Ayaw kasi ni Ivan, siya kumausap sayo at baka makapagsalita lang siya nang hindi maganda kay Rain." "R-rain? Nakadama siya ng kaba. "What about her? "Ako na nga ang dami mong satsat Raf,eh!" sigaw ni Jana sa kabilang linya. "Rain, getting married. Kauuwi lang niya sa Pilipinas and she's with her fiancee," parang bombang salaysay ni Jana sa kanya. "W-what?" bulalas niya. "Baby akin na nga 'yan," narinig niyang sabi ni Red. " 'Tol, mag-stay ka na muna diyan. Hangga't nandito pa si Rain. Two months lang din naman siya rito, babalik din siyang State at doon magpapakasal." "O-okay," iyon na lang ang nasabi niya. " 'Tol sorry. Gusto lang namin na maiwas ka sa mas matinding sakit. Mabuting hindi mo muna siya makita, lalo na ngayon na kasama niya ang fiancee niya at ikakasal pa siya." "O-okay." "'Tol- "Ibababa ko na nag-da-drive ako." " 'Tol mag-iingat ka diyan at 'wag kang gagawa nang hindi nararapat." "I'm okay 'tol. Salamat." "Lucas," narinig niya ang boses ni Jana sa kabilang linya," mahal ka namin at nag-aalala kami sayo, kaya sana magpakatatag ka," puno ng sensirong sabi ni Jana sa kanya. Napangiti siya, kahit nasasaktan siya. "Talaga Jana, mahal mo ako. Iwan mo na 'yang si Red tapos akin ka na lang," tatawa-tawa niyang tugon dito. "Baliw!" bulalas nito. "Hey asshole! Gusto mong mamatay ng maaga! 'Wag mong nilalandi asawa ko! Natawa lalo si Lucas nang marinig boses ni Red. "I'm just kidding 'tol. Hey Jana! I love you too and don't worry I will not harm myself. Thanks, ingatan mo baby mo sa tummy mo." "Oo. Sana nandito ka na pag nanganak ako." "Oo naman. I want to see your baby. Sana hindi kamukha ni Red."  Narinig niyang tumawa si Jana. "Okay lang na kamukha niya pero sana pati ugali mamana ng baby ko, pag ako kasi naku! Sure ko puro gulo lang hanap nito like me." "Red really lucky to have you," puno ng sensiro niyang sabi. "I'm lucky too. To have him. Don't worry Lucas, you will find someone who loves you so much and make you happy." "I hope so." "Jana is right, 'tol. Mahahanap mo rin ang taong magpapasaya sayo." "Sana nga 'tol." Nang naputol ang tawagan nila ni Red saka tumulo ang luha niya. Inihinto niya ang kotse at doon hindi napigil ang mapahagulgol. Masakit. Masakit na mabilis siyang naipagpalit ni Rain at nakakatawa pa magpapakasal na kaagad ito sa iba. KAGIGISING pa lang ni Herrah nang puntahan siya ng kanyang ina sa kwarto niya. "Anak mag-ayos ka na, nandiyan na si Luiene." "Ha?" gulat niyang bulalas,"ang aga naman niya? Si Lily po ba nasaan? "Nakaligo na iha, magbibihis na lang." "Naku! Dapat pala mag-ayos na rin ako." "Oo anak, nakakahiya sa bisita mo na nag aantay." "Opo Nay." Mabilis siyang kumuha ng damit sa damitan niya at naligo kaagad-agad. "Hey," bati sa kanya ni Lucas nang lumabas na siya sa kwarto at nakaayos na. "Pasensiya na, pinag-antay kita." "Okay lang, napaaga naman talaga ako." Natitigan niya si Lucas. Mukha kasi itong malungkot at kulang sa tulog, gwapo pa rin naman ito pero halatang may pinagdadaanan ito. O siya lang talaga nakakahalata because she care so much to him. Sinabi niya kay Lucas na hindi na niya talaga ito mahal at inakala niya lang na mahal pa rin niya ito dahil sa pangako nila sa isa't isa, na-realize niya iyon nang hindi nito tuparin ang pangako nito sa kanya pag dating nito pero nag aalala pa rin siya sa binata. Kasi mahalaga pa rin ito sa kanya dahil naging kababata at kaibigan niya ito. "Hey! Don't look at me like that," nakangiting sita sa kanya ni Lucas. Nag init naman ang mukha niya at umiwas ng tingin. "Sorry. Mukha ka kasing malungkot sigurado ka bang gusto mong mamasyal kasama  kami ni Lily."  Napabuntong hininga si Lucas mukha ngang may dinadala ito. "Help me. I'm broken hearted," tugon nito na ikinatigagal niya. Tinitigan niya ito at kita sa mga mata ang kaseryosohan. "H-how can I help you? "Just be with me today. Kayo ni Lily." "Sige," payag niya na lang dito. Sa isang beach resort sila dinala ni Lucas, isa sa mga sikat na beach dito sa probinsiya. "Gusto niyong mag-jetski tayo? O kaya surfing?" alok sa kanila ni Lucas. "Ah eh, mamangka na lang tayo. Parang mas masaya 'yon," tugon naman ni Herrah. "Sa yatch gusto niyo? I can drive." "Talaga?" namimilog ang mata niyang tugon. "Oo, I have my own yatch. Sa rest house ko na may beach din." "Wow! Iba talaga mayaman 'no." Napangiti naman ito. "Lily, sasakay tayo yate. 'Di ba gusto mo sumakay do'n?" nae-excite na sabi niya kay Lily. "Doon po sa maliit na barko?" namimilog ang mata na tanong ni Lily. "Oo." "Wow! Sige po gusto ko 'yon!" excited na sigaw ni Lily.  Tuwang tuwa si Lily nang makasakay na sila ng yate. Nagpahanda na rin doon ng pag kain si Lucas para sa tanghalian at ito talaga ang nagmaneho ng yate. Inihinto niya lang ito sa gitna ng dagat at sa top deck sila namalagi at sa may railings para pagmasdan ang malalim na dagat. "Nakaka-relax talaga pagmasdan ang dagat ano," nakangiting sabi niya kay Lucas,"napakalawak at napakaganda niya." Napangiti si Lucas pero hindi ito umaabot sa mga mata niya.  "Oo nga. Nare-relax ako." "Ahm, Lucas pwede ko bang matanong kong bakit na broken ka na naman? Kung okay lang pero kung hindi- "May ex-girlfriend. Rain is getting married," putol ni Lucas sa sasabihin pa sana niya, "alam mo 'yon? Hindi pa umaabot sa isang taon ang paghihiwalay namin and it's just three months pero nakahanap na kaagad siya ng iba at magpapakasal na." Mapait itong ngumiti. "Eh, bakit hindi mo kausapin. Kesa nandito ka at nalulungkot, why don't you go to her and talk to her." Napatingin ito sa kanya.  "Kesa puno ka diyan nang katanungan sa isip mo, kung bakit ang bilis ka niyang pinagpalit at kung ano ano pa. Bakit hindi mo siya puntahan at kausapin. Kung nasasaktan ka pa, ibig sabihin mahal mo pa siya at kung mahal mo pa siya, bakit hindi mo siya ipaglaban." "Paano kung ako na lang pala ang nagmamahal at siya ayaw na niya talaga sa akin? "Eh, 'di mag-move on ka. Pero bago mo gawin iyon kumilos ka na muna. Mas madaling mag-move on kung may maayos kayong paghihiwalay at pag uusap."  Hindi nakapagsalita si Lucas, "hangga't may pagkakataon ka pa Lucas, ipaglaban mo ang nararamdaman mo at least matalo ka man sa huli, hindi mo naman sisihin ang sarili mo dahil wala kang ginawa." "Tama ka Herrah." Nagulat siya nang yakapin siya nito. "Thanks a lot." "You're welcome," nakangiting tugon niya pero nayanig talaga ang buong pagkatao niya sa pagyakap nito sa kanya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD