NAGULAT si Herrah dahil kinabukasan dinalaw na naman siya ni Lucas. "Oh, Lucas what are you doing here?" agad niyang tanong sa asawa. Ngumiti ito at may inabot sa kanya. "Flowers for you. And this." May isa pang inabot. "Salamat. Hindi ka na sana nag-abala pa," tugon niya kay Lucas. "Hindi lang iyon ang ipinunta ko rito." Lumapit si Lucas sa kanya at titig na titig ito sa mukha niya. May emosyon sa mukha nito na hindi niya maintindihan. "Pinag-isipan ko ito ng buong magdamag at kahit masakit sa akin. Kahit alam kong ikakabaliw ko na malayo ka sa akin, naisip ko ito ang gusto mo. Para maka-move on ka sa lahat ng sakit na naranasan mo sa akin lalo na sa pagkawala ng anak natin. Dapat pumayag ako kasi kasalanan ko naman lahat eh, kaya dapat pagbigyan kita," puno ng emosyon na sabi nito.

