MALAKAS na sinampal si Lucas ni Herrah, nanggigigil ang babae sa ginawa niya na pagpunit sa mga files na dala ni Herrah, na hindi naman niya pinagsisisihan. "Hayop ka talaga! Napakawalang hiya mo!" gigil na sigaw ni Herrah sa kanya. Pero hinsi naglaon napaiyak na ito sa sama ng loob bigla naman siyang nakadama ng awa dito kaya nilapitan niya ito para aluin. "'Wag mo akong lalapitan!" pigil na sigaw nito at pinaghahampas siya. "Ginawa ko iyon para hindi matuloy ang balak mong pakikipaghiwalay!" katwiran niya dito. "Bakit? Sa tingin mo ba pag hindi na-annul kasal natin makikipagbalikan ako sayo? Manigas ka! Naniningkit ang mata nito sa kanya. Lumakad na si Herrah paalis. "Herrah, seryoso ako sa sinabi ko sayo kanina. 'Wag ka ng magtangka pang umalis dahil sa oras na ginawa mo iyon. Papar

