"GANOON mo ba talaga kamahal si Herrah at lumuhod ka pa sa harapan namin lahat para lang hindi ka niya iwan?" malungkot na tanong ni Rain sa kanya. Dinala siya sa Ospital nang mga kaibigan niya dahil matapos siyang iwan ni Herrah, saka niya naramdaman ang lahat ng sakit mula sa pangbubugbog ng kuya nito at ni Andrew. Nawalan na siya ng malay, dala na rin sa hindi kinaya ng puso niya ang sakit ng dulot ng pag iwan ni Herrah. Napatingin siya kay Rain, ito ang naiwan na magbantay sa kanya at madilim na sa labas nang gumising siya. "Oo Rain. Mahal ko siya, mahal na mahal at ang nakakatawa bakit huli ko ng nalaman kung kailan sumuko na siya at iniwan na niya ako." Hindi na naman napigilan ni Lucas ang pagtulo ng mga luha niya. Hinawakan siya ni Rain sa kamay at puno ng emosyon ang mga mata nit

