"LING, kantahan mo naman mo naman ako. Nalulungkot si Tita," hiling ni Herrah sa pamangkin. Lumapit kaagad ang pamangkin sa kanya at niyakap siya habang nasa higaan sila at kinantahan. Si Lily, ang kasa-kasama niya at ang tiyahin at mga pinsan niya sa bahay na ngayon ay tinitirhan niya. Doon na muna sila naninirahan para maka-move on sa lahat ng sakit na naranasan niya. Ipinasama ng ate Lirah niya si Lily para raw may nagpapasaya sa kanya at mawala sa isip niya kahit paano ang nawala niyang anak. Nasa kabilang baryo sila malayo-layo iyon sa baryo nila kaya iyon ang napili rin nilang pagtirhan niya na muna. Mabuti na lang at bakasyon kaya nakakasama niya si Lily sa panahong ito. Dalawang buwan na rin simula nang umalis siya sa Maynila at maghiwalay sila ni Lucas. Sa dalawang buwan, kahit

