KINABUKASAN ay maagang pumasok si Herrah trabaho. Isa siya sa mga tauhan ng Zandulga's family at siya ang Agriculture supervisor sa prutasan. Dahil graduate ng Agriculture sa kanya ibinigay ang trabaho sa prutasan at talagang naman noon pa ay pinagkakatiwalaan ng pamilya Zandulga ang pamilya nila. Dahil sa mga magulang niya na noon pa man ay tapat na tauhan ng mga ito.
"Good morning po, Ma'am," bati sa kanya ng ilang mga tauhan sa prutasan nang patungo siya sa opisina.
"Good morning," nakangiti niyang ganti.
Nang makarating siya sa opisina ay nangunot ang noo niya sa nakitang bisita doon.
"Herrah," bati nito at ngumiti.
"Kuya Nikos? May nangyari po ba? Nagkaproblema po ba sa pagha-harvest ng mga prutas dito?" kaagad niyang tanong kay Nikos.
Isa sa Zandulga si Nikos at ito ang panganay na anak at nakakatandang kapatid ni Cas. Magkamukhang-magkamukha si Cas at Nikos ang pagkakaiba lang ay mas malaking tao si Cas kay Nikos at pero mas mukhang matured pa rin naman si Nikos kay Cas dahil na rin sa seryosong mukha nito at nakasalamin pa na hindi naman bumawas sa gandang lalaki ni Nikos.
Napangiti ito sa sinabi niya. "Walang problema, ano ka ba? May problema lang ba kaya ako napapadalaw rito?" tugon nito na ikinahinga niya ng maluwang, "oo nga pala pakibigay ito sa pamangkin mo." Inabot sa kanya ang isang paper bag at nang tignan niya ito ay isa itong teddy-bear.
Napangiti siya. "Matutuwa rito si Lily. Nagpapabili talaga iyon ng bagong laruan."
"Buti naman. Pero sana huwag mo ng sabihin sa Ate mo na sa akin nanggaling 'yan. Kunwari na lang binili mo,” anito.
"Pasensiya ka na kay Ate Lirah, ha. Simula nang nadisgrasya siya ng kung sino mang walang pusong lalaking iyon parang naging man-hater na siya pati ikaw dinadamay niya, eh, ang bait-bait mo naman kay Lily at para ka nga niyang ama kung ituring ang anak niya."
Ngumiti si Nikos. "Kung papipiliin ako ay gustong-gusto kong maging anak si Lily. Mabait na bata si Lily kahit sampung-taon pa lang siya ay ang matured at responsable na siya."
"Kaya nga, Kuya, malaki ang sinayang ng lalaking iyon sa pag-iwan kina Ate at Lily,” aniya at dama niya ang inis sa lalaking umabandona sa Ate Lirah at sa pamamangkin niya.
Kita niya ang pagbuntong hininga ni Nikos. "Oo nga pala, bumalik na si Luiene rito. Alam mo na ba?" kalaunang tanong nito sa kanya.
"Oo, Kuya, nagkita na kami kahapon." Ngumiti siya nang pilit at hindi pinahalata ang biglang pagkabog ng dibdib niya.
"Eh, tamang-tama sasabihan kong pumunta rito iyong kapatid kong iyon para naman magkaroon kayo ng bonding. Hindi ba magkababata naman kayo."
"Hindi ko lang po alam kung natatandaan pa niya ako. Baka kasi hindi na."
Nakadama siya ng kalungkutan nang maalala ang nangyari kahapon. Nakita niya ang sumilay na lungkot sa mukha ni Nikos.
"Sorry," anito.
"Sorry saan, Kuya?" nagtataka niyang tanong.
"S-sorry kung nakalimutan ka na ni Luiene. D-dapat kasi lagi kitang pinapaalala sa kanya,” tugon nito.
"Okay lang 'yon, Kuya. Malay mo kapag nag-bonding kami ay maalala niya na ako."
"Naaalala ka n'on, baka nahihiya lang siya kasi ang tagal na rin na hindi kayo nagkikita,” siguradong sabi ni Nikos sa kanya.
"Oo nga po. Baka kapag nag-bonding kami ni Cas ay bumalik ang dati," nakangiti na niyang ng sabi.
Nakuha ang atensiyon nilang dalawa sa pagtunog ng cellphone ni Nikos.
"Si Mom? Wait lang, ha, sagutin ko lang ito,” paalam nito sa kanya.
"Sige lang, Kuya,” aniya.
Umalis na ito at siya naman ay nagsimula ng magtrabaho.
"OO, ayos naman ako rito. Kayo diyan kumusta na?"
Kausap ni Lucas si Rocky sa cellphone tumawag kasi ito para mangumusta sa kanya at kung nakarating ba raw siyang buhay sa probinsiya.
Nang matapos siyang kumain kagabi ay dumiretso na siya kaagad sa kwarto kahit maaga pa sa nakasanayan niyang pagtulog at naglagi lang siya doon. At kinabukasan naman ay tanghali na rin siyang lumabas ng kwarto at sa pool siya dumiretso para tumambay doon.
"Ayos din naman. Nag-aalala kami sa’yo kaya napatawag ako baka kasi hindi ka dumiretso diyan sa probinsiya niyo at nag-suicide ka na,” sabi ni Rocky.
"Sira-ulo! Ang sabihin mo ay na-miss mo lang ako kasi wala ka ng ka-tandeem sa kalokohan diyan. Paano kasi 'yong iba sa kaibigan natin ang seseryoso sa buhay matatanda na kasi." Sabay pa silang tumawa ni Rocky sa kalokohan na sinabi niya rito.
Pagdating kasi sa kalokohan at pag-iisip bata ay silang dalawa ni Rocky ang magkasundo at nagkakaintindihan.
"Oo nga, eh, sana bumalik ka na kaagad dito. Paano baka mahawa ako sa pagiging matanda ng mga ito-
-aray ko! Ano ba, King!" narinig pa niyang reklamo ni Rocky na ikinangisi niya siguradong nabatukan na ito ni King.
"Hey asshole! Bakit hindi mo kami tinawagan na nandiyan ka na pala? Kailangan kami pa tumawag sa’yo!”
Natawa siya sa nagsalitang iyon dahil si Ivan iyon.
"Sorry naman, Kuya Ivan."
"Gago! 'Wag mo akong ma kuya-kuya. You made us worried, alam mo ba 'yon?” seryoso pa nitong sita sa kanya.
"Sorry. Don't worry I will be okay here. 'Wag niyo na akong intindihin babalik din ako diyan."
"Just go back here safe and sound."
"Oo Ivan. Salamat, 'tol."
Hindi lang si Ivan at Rocky ang nakausap niya pati si King at Red ay kinausap din siya kinumusta at binilinan kung ano dapat gawin. Akala siguro ng mga ito ay nagpapakalunod siya sa kalungkutan kaya alalang-alala ang mga ito sa kanya.
Matapos makipag-usap kina Rocky at pinutol na nila pareho ang tawag ay niyakap niya ang gitara na dinala sa pool.
"Ikaw na muna gagamitin ko. Wala rito drum ko," sabi niya sa gitara at ini-strum kaagad ito sa nakakaindak na tugtog.
Sugar by Maroon five
chorus
Yes, please, won't you come and put it down on me
Sa sobrang dala niya sa pagkanta ay tumayo na siya at sinabayan iyon ng indak. Nai-imagine niya nasa stage siya kasama ang mga kaibigan at nagpe-perform sa maraming tao.
Don't leave me hanging, hanging-
Napahinto siya sa pagkanta at paggigitara nang mapansing may nanonood sa kanya at namilog ang mga mata sa gulat.
"Nice! Ang galing mo!" nakangiting puri nito sa kanya.
Lumapit pa ito at masayang-masaya ang mga mata na nakatingin sa kanya.
"Ang galing mo pala talagang kumanta, Cas, tama si Tita. Sana makita rin kitang mag-perform kasama mga kaibigan mo."
"What are you doing here?' tanong niya na nakakunot ang noo.
"In-invite ako ni Tito pumunta rito. Magkakaroon daw kasi ng simpleng salu-salo ngayong tanghalian dahil sa pag-uwi mo," nakangiting tugon nito.
Hinaplos nito ang hawak niyang gitara at masayang napapangiti doon.
"Cas, naalala mo? Noong mga bata pa tayo ay nagpaturo ka pa sa akin mag-gitara tapos ngayon ang galing-galing mo na tapos singer ka pa. Nakakatuwa dahil sa ating dalawa iyon ang pangarap ko pero ikaw pala ang-
"Shut up!" inis niyang pagpapatigil dito pero mukhang hindi ito natinag at nakangiti pa rin..
"Ako naman ang turuan mong mag-gitara ngayon. Alam mo sa tagal, hindi na ako masyadong marunong. Simula kasi-
"I said shut up! Bakit ba binabalik mo ang nakaraan? Ano bang gusto mong palabasin? Mukha na itong nasindak dahil siguro sa galit na talaga siya.
"Gusto ko lang maalala mo kung ano tayo dati at-
Hinawakan niya ito sa braso at napaigtad ito.
Kita ang takot sa mga mata nito nang tumitig sa kanya.
"Ano ba tayo dati?” Inilapit na niya ang mukha at ngumisi siya.
"C-cas, close tayo dati a-at--"
"Gaano ba ka-close? Ganito ba?”
Marahas niyang inilapit ang mukha nito at maalab na hinalikan, naramdaman niya na itinulak siya nito pero hindi niya ito hinayaan at lalo niya lang pinag-alab ang halik niya.
Ang lambot ng labi ni Herrah at hindi nakakasawang halikan. Hindi niya inaakala na may ganito pa lang klaseng kalambot na labi na parang hindi pa nahahalikan nino man. Nang nadadala na siya sa paghalik sa dalaga ay mabilis niyang inihiwalay ang labi niya sa labi nito at itinulak ito na napalakas niya pala kaya napaupo ito sa sahig.
Kita niya na namumula ang mga mata nito at mukhang paiyak na.
"Pinagbigyan na kita sa pagpapansin mo kaya sana makontento ka na! Tigilan mo na ako dahil hindi ako madadala sa pagpapansin mo. You're not my type! Look at you? You're just a simple girl! At isa pa, lumugar ka!
“Amo mo ako at tauhan ka lang namin! And stop calling me Cas! I'm Lucas!" diin na niya.
Nakita niya ang sakit na bumahid sa mukha nito at ni hindi na ito nakatayo pa sa pagkakaupo sa sahig kaysa madala siya sa awa ay mabilis na niya itong iniwan at tumungo sa kwarto.
"s**t! s**t! s**t! Sana pala hindi na lang ako bumalik dito! Bullshit!" sigaw niya at sa sobrang inis ginulo na niya ang higaan at pinaghahagis ang kumot at unan.
"Bakit ba kasi pinapakitaan mo ako ng ganito, Herrah! 'Di ba dapat masaya ka na ngayon na may asawa at anak? Bakit ginugulo mo pa ako? Matagal na tayong tapos dapat alam mo 'yon!
“Hindi itong ginaganito mo ako at parang sa ating dalawa ako pa ang nakalimot at ikaw! Ikaw 'yong nag antay at tutupad sa pangako natin noon! Bullshit!” gigil na sigaw ng isip niya.