Chapter 3

2203 Words
GUSTONG maiyak ni Herrah pero pinipigilan niya lang. Ayaw niya itong mahalata nila Nikos kahit pa ng parents nito na ngayon ay kasama niya sa dinning-table at nag-aantay sa pagbaba ni Lucas. Si Lucas na lang kasi ang kulang para makapag-umpisa na silang kumain. Siya lang talaga ang inimbitahan nila sa salu-salong iyon dahil sa alam ng pamilyang ito na magkababata sila ni Lucas at may malalim na pagtitinginan noong mga bata pa. Pero noon na lang iyon. Dahil ngayon ay mukhang siya na lang ang may pagtingin dito at si Lucas ay wala na. Binastos na nga siya ni Lucas kanina at ipinamukha pa na mababang babae siya dahil amo ito at siya ay tauhan lang kaya matuto raw dapat siyang lumugar. Ang sakit pala kapag mismong kay Lucas manggagaling ang mga salitang iyon. "Sorry for waiting me so long. May inayos lang ako," narinig niyang sabi ni Lucas nang dumating ito. "Mahalaga ba ang inayos mo at ni hindi ka man lang nahiya sa bisita natin na nag-antay din sa’yo?" may bahid na iritasyon na sita ni Nikos. Nakita niya ang labanan ng mga titig ng dalawa saka umupo si Lucas sa tabi niya pa mismo. Napagitnaan pa tuloy siya ni Nikos at ni Lucas. "Iho, inimbitahan naming sa salu-salong ito si Herrah kasi alam naming na magkababata kayo dati. Siguro naman hindi mo pa siya nakakalimutan," nakangiting sabi ni Tito. "Oo naman po, Dad. Si Herrah pa ba makakalimutan ko? Close na close kami nito," nakangiting tugon ni Lucas at nagulat pa siya ng akbayan siya nito. "Mabuti naman at hindi mo pa pala nakakalimutan si Herrah, anak, kala ko kasi hindi mo na siya natatandaan samantalang si Herrah ay hindi ka nakalimutan kailan man," may lungkot sa boses ni Mrs. Zandulga nang sabihin iyon. Nakadama tuloy siya lalo ng awa sa sarili. Dahil totoo naman na sa kanilang dalawa siya pa rin ang hindi nakakalimot, nag-aantay at nagmamahal. Bakit ba kasi hinayaan niya ang sarili na umasa nang ganoon katagal? Tama ang Ate Lirah niya na dapat hindi na siya umasa pa sa pangakong iyon nila ni Lucas at tinutok na lang sa iba ang nararamdamang matagal niyang dinala habang inaantay ito. "Don't be sad, Mom, I swear to God I never forgot Herrah. Na-miss ko nga ito." Nagulat na naman siya nang yakapin nito, "listen to me, slut. Just go with the flow, okay!” Nanigas siya sa bulong na iyon ni Lucas. "Slut? T- tinawag niya akong slut?” hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Pinigilan niya ang sarili na mapahikbi. Hindi siya pwedeng umiyak dito at baka magalit lalo sa kanya si Cas- -hindi Lucas na pala dahil ayaw nitong patawag sa pangalang nakasanayan niya noon sa binata. Humiwalay na ito sa pagyakap sa kanya. "Minsan mamasyal kayo ni Herrah, iho, madami ng nagbago rito sa bayan natin at mas masarap mamasyal na may kasama kaya sumama ka kay Herrah," sabi ni Tito at siya naman ang tinignan, "Herrah, samahan mo si Luiene, ha, ipasyal mo siya," sabi sa kanya ni Tito. "Titignan ko po, Tito, baka po kasi busy S-Sir Lucas- "Sir Lucas? Aww! I'm wounded. Akala ko close pa rin tayo pero si-ni-Sir mo na ako ngayon?" kunwari'y nasasaktan na sabi ni Lucas. "Sorry. L-Lucas," nauutal niyang tugon. "Sige, mamasyal tayo bukas, Herrah, para naman makapag-bonding tayo." Nanlaki ang mga mata niyang napatingin kay Lucas at nakita niya ang pagngisi nito. "Oo nga. Mamasyal kayo bukas. Ang tagal niyo ring hindi nagkita," masayang ayon ni Tita. Napatingin na lang din siya sa nagsalita at kitang-kita niya ang saya ng ginang sa mga mata. "I'm going with you. Gusto ko ring mamasyal," sabat ni Nikos "Sige, Kuya, .as marami mas masaya," kaagad niyang payag. Tumingin siya kay Lucas at nakita niya ang pagdilim ng mukha nito kaya nagbawi siya ang tingin at napayuko. "Yayayain ko rin si Ate at si Lily, sigurado mas masaya iyon," sabi niya muli. Kumislap ang mga mata ni Nikos. Mabuti pa ito masaya na mamasyal kasama sila pero si Lucas sure niya asar na asar na makasama siya sa pamamasyal. Makasama ang mababang babaeng tulad niya. Masaya naman na pumayad ang Mama ni Lucas at nagpatuloy ang mga ito sa pag-uusap. Tahimik lang siya na nakikinig at sumasagot kapag tinatanong kahit si Lucas ay ganoon din ang nadadama niya na lumilingon ito sa kanya pero hindi niya ito tinitignan. "Mom, Dad, ihahatid ko na muna si Rang. Hapon na kasi baka mahirapan pa siyang maghanap ng masasakyan," paalam ni Nikos sa mga magulang nito. Matapos nilang kumain nang tanghalian ay sa sala sila nag-stay at nagkwentuhan pa. Ipinapakita ni Lucas na masaya ito habang pinag-uusapan ang kabataan nila pero alam niya at nararamdaman niya na nakikisakay lang ito sa mga magulang nito. Hindi niya alam kung bakit ito nagkaganito at bakit nito siya ginaganito. Hindi ba dapat siya ang magalit dahil pinag-antay siya nito nang matagal sa pangako nila sa isa’t-isa at ngayon ay ikinakaila na siya nito at pinagmumukhang mababang-uring babae? "Dapat lang na ihatid iyang si Herrah, baka mapaano pa siya sa daan," ayon ni Tito. "Magpapaalam na kami Mom, Dad," paalam ni Nikos. "Kuya Nikos, ako na maghahatid kay Herrah. Magpahinga ka na at galing ka pa sa trabaho." Nagulat siya sa pagprisintang iyon ni Lucas pero tutol siya at ayaw niyang ito ang maghatid sa kanya dahil baka pagsalitaan na naman siya nito nang hindi maganda at bastusin na naman siya nito tulad ng panghahalik nito kanina. "Huaag na, Sir! Ah Lucas, si Kuya Nikos na lang dahil may pag-uusapan pa kasi kami tungkol sa trabaho sa prutasan,"tanggi niya kaagad dito. Nakita niya ang pagtalim ng tingin nito sa kanya pero naglaho rin agad. Kaagad niyang tinignan si Nikos. “Kuya Nikos tara na," aya na niya. "Sige, alis na kami," paalam ulit ni Nikos sa mga magulang nito. "Sige po, Tita, Tito, alis na po kami," paalam niya na rin. "Ingat kayo,” bilin ni Tita. "Opo Mom." Kaagad na silang naglakad paalis ni Nikos at hindi na siya lumingon pa kina Lucas para hindi na niya makita pa ang galit na tingin nito sa kanya. "Salamat sa paghatid, Kuya,” nakangiting pasasalamat niya kay Nikos nang maihatid na siya nito sa harap ng bahay niya. "Walang anuman. Sige, alis na rin ako,” paalam na nito. "Ingat ka, Kuya," bilin niya. Ngumiti lang si Nikos saka pumasok sa kotse nito. Tinanguan siya nito saka pinaandar ang kotse paalis. Nang makalayo ang kotse ni Nikos saka na siya pumasok sa maliit nilang bahay. "Oh, kumusta ang paghaharap niyo muli ni Cas?" salubong na tanong ni Lirah sa kanya kay pilit siyang ngumiti at umupo sa kawayang sofa. "Mama Rang, bakit malungkot ka?" nag-aalalang tanong ng pamangkin niya. Sampug taon na ang pamangkin niyang si Lily at napakagandang bata. "Hindi malungkot si Mama Rang, Lily, napagod lang ako sa trabaho," tugon niya sa bata. Nginitian niya ang pamangkin at ginulo ang mahaba nitong buhok. "Oo nga pala, Lily, may regalo ako sa’yo. Nakadaan ako sa bayan at nakita ko ito." Inabot niya ang isang paper bag kay Lily na tinanggap naman kaagad ng bata at kita ang magandang ngiti sa mukha nang makita ang nasa loob niyon. "Wow! Ang ganda namang teddy-bear ito, Mama Rang!" tuwang-tuwa na bulalas ng bata at mahigpit siyang niyakap, "salamat po!” "Walang anuman. Ikaw pa ba? Mahal na mahal kita, Lily," tugon niya. "Iwan mo muna kami, Ling. Ipakita mo ang bago mong laruan kina Tatay at Nanay," utos ni Lirah kay Lily. "Opo Mama." Kaagad na tumakbo paalis si Lily. "Nasaan pala sila Nanay at Tatay?” usisa niya nang hindi makita ang mga magulang sa loob ng bahay. "Nasa likod ng bahay nag-iihaw ng isda,” tugon ni Lirah. "Wow! Inihaw na isda ang hapunan natin?" bulalas niya at pilit pinasaya ang boses dahil ayaw niyang makahalata ang kapatid sa lungkot na nadarama niya. "Oo, dala ni Kuya kanina nang umuwi siya galing pagtitinda sa bayan." "Mukhang mapapadami ang makakain ko ngayong hapunan." "Ano ba talaga ang totoo, Rang? Anong nangyari sa muling pagkikita niyo ni Cas?" nagdududa ng tanong ng kapatid niya sa kanya. Kaagad siyang napaiwas ng tingin sa kakambal upang hindi mahalata ang biglang lungkot na nadarama na pilit niyang inaalis kanina pa. "Wala, Ate," pagsisinungaling niya. "Paanong wala? Sa itsura mong 'yan ay mukhang may pinagdaanan ka? Ilabas mo 'yan baka hikain ka sa sama ng loob! Sobra mo akong pinag-aalala sa’yo, eh." "Wala nga, Ate, wala talaga." Hindi niya napigilan ang lungkot na bumahid sa boses niya. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng ate Lirah niya. "Siguro, marami nang nagbago sa labing-limang taon na pagkakalayo namin at dahil sa tagal na panahon na iyon ay nakalimutan na niya talaga ako at pati ang pangako niya," dagdag niya at mapait na ngumiti. Niyakap siya ng kapatid niya, "pero at least, Ate, matitigil na 'tong kahibangan ko 'di ba? At hindi na ako mag-aantay pa." Humiwalay na si Lirah sa pagkakayakap sa kanya. "Iyan na ba talaga ang gusto mo?" naniniguradong tanong ni Lirah sa kanya. "Oo, Ate, saka mas mabuti iyon. Sana kung bumabata pa ako, okay lang at sana kung may Lily ako kagaya mo. Kaya magmo-move on na ako simula ngayon." "Okay lang 'yan, Rang, makakahanap ka ng mas nababagay sa’yo. At hindi ka paaasahin nang matagal na panahon kagaya ng Cas, na 'yon!” "Lucas, Ate," pagtatama niya sa kapatid,"kasi ang Cas na kilala ko ay hindi na ang ngayon na bumalik." "Eh, 'di Lucas!" Nangunot na noo ng kapatid niya,"gwapo ba ang Lucas na 'yan at ganoon mo siya inantay?” tanong nito sa kanya. "Gwapo na siya noon, Ate, mas gumuwapo na nga lang ngayon at parang napakahirap na niyang abutin. Na-realize ko, hindi talaga kami bagay kasi tignan mo pamumuhay nila at sa buhay natin." "Hindi iyon, Rang, kaya hindi kayo bagay dahil nararapat ka sa mas better na lalake. Hindi tulad niya!" diin ni Lirah na ikinangiti niya. "Oh, Rang, nandito ka na pala?” Napatingin sila sa nagsalita na kapapasok lang at ang Kuya Henry niya iyon na panganay nilang kapatid. "Opo, Kuya, aan ka nga pala galing?” balik-tanong niya kay Kuya Henrico. "Nanguha lang ako ng balat ng saging para sa inihaw na isda,” tugon nito sa kanya, “oh." May inabot ito sa kanya, "inhailer mo kasi napansin kong ubos na ang huli mo. Baka sumpungin ka na naman ng hika at wala kang gamot." Tinanggap niya naman ito at napangiti siya sa nakakatandang kapatid. "Salamat, Kuya." “‘Wag kang masyadong magpapagod. Alam mong masama sa’yo 'yon at saka 'wag mong kakalimutan ang gamot mo,” bilin ni Kuya Henry sa kanya. "Opo,” Napangiti na rin ang Kuya Henry niya at ginulo ang buhok niya. "'Wag kang magpapabaya sa sarili mo, bunso. Kahit may Lily na tayo ay ikaw pa rin ang bunso namin. Hindi ba Lirah?” "Oo naman! Si Rang pa rin ang uhugin nating bunso." Natawa ang Kuya at si Lirah at siya naman ay napanguso. "Oo Kuya, Ate, hindi ko pababayaan ang sarili ko at lalayuan ko na ang mga taong may posibilidad na saktan lang ako. Simula ngayon ay iiwasan ko na si Cas, ah, Lucas na pala. Dahil hindi naman siya marunong tumupad sa pangako niya at nagsisisi ako dahil nag-antay ako sa taong tulad niya,” pangako niya sa sarili. Hindi dapat siya manghinayang kay Lucas dahil nandito ang mga kapatid niya, magulang at pamangkin niya na sobrang nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya. "Mama, Mama Rang at Papa, kakain na raw po tayo sabi ni Tatay at Nanay," sigaw ni Lily. "Oh, tara na! Magsikain na tayo!" nakangiting aya ng Kuya nila. "Papa, may pasalubong sa akin si Mama Rang ito, oh, ang ganda ng teddy-bear," pagbibida ng pamangkin niya kay Kuya Henry. Papa ang tawag ni Lily sa Kuya nila dahil iyon ang isinanay ng Kuya niya sa pamangkin at kahit siya ay Mama para kahit wala ang tunay na ama nito ay hindi nito madama ang pagkukulang na meron sa pamilya. Binuhat ng Kuya Henry niya si Lily. "Wow! Ang ganda niyan, ah! Kasing-ganda ng Lily namin." "Ang ganda nga po at ang lambot-lambot pa po!” "Mukhang mamahalin din ang laruan mo, Lily, mukhang naubos ang natitirang pera diyan ng Mama Rang mo," makahulugang sabi ni Lirah. Napangiwi siya at umiwas ng tingin kay Lirah na may makahulugang tingin rin sa kanya. "H-hindi naman masyadong mahal 'yan, Ate, kasi sa ukay-ukay ko lang nabili," pagsisinungaling niya. "Kaya siguro hindi ka nakabili ng gamot mo, Rang, ano? Dahil inuna mo ang pagbili ng laruan nitong si Lily?" tanong ni Kuya Henry. "Hindi Kuya! Nakalimutan ko lang talaga bumili ng inhailer at hindi dahil dito." "Oo na pero sa susunod ay huwag mong kalilimutan inhailer mo." "Opo kuya." "Mga anak ang tagal niyo naman! Kanina pa kami ng ama niyo nag-aantay sa likod-bahay para maghapunan," sita na ng Nanay nila nang pumasok ito ng bahay. "Sinabihan ko na po sila, Nanay," mabilis na tugon ni Lily. "Siya sige na at pumunta na kayo sa likod-bahay. Doon na tayo maghahapunan." "Opo, Nay!" halos sabay nilang tugon ni Kuya Henry at ni Lirah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD