"ATE, oo nga pala nagyaya si Lucas na mamasyal bukas. Kasama si Kuya Nikos at naisip ko na isama ka na rin at si Lily. Mas masaya kasi kapag mas marami, eh."
Nakita ni Herrah ang gulat sa mukha ni Lirah. Nasa kwarto na sila para matulog at si Lily naman ay tulog na.
"Akala ko ba ay hindi ka na matandaan ni Lucas na 'yon, eh, bakit nagyaya siya na mamasyal kayo?" nagtatakang tanong ng Ate niya sa kanya.
"Napilitan lang 'yon kasi si Tita ang nagsabi. Ano, Ate, sasama ka ba? Ayoko naman din mag-isa tapos sinaa Kuya Nikos at Lucas ang kasama ko."
"Ayokong sumama," nakasimangot na tugon ng kapatid na ipinagtaka naman niya.
"Kayo na lang ni Lily pero ako ay ayoko. Isa pa, may aasikasuhin ako bukas iyong mga requirements ko sa bago kng trabaho."
Napabuntonghininga siya. "Bakit naman kasi ayaw mong sa mga Zandulga na lang magtrabaho? Tamang-tama graduate ka ng Computer Science kaya pwede ka sa opisina nila na nasa bayan."
"Ayoko nga. Sigurado naman na ako sa papasukan ko ngayon saka oo nga pala, tumawag ang pinsan nating si Vera at tinatanong ka kung gusto mo bang magtrabaho sa Japan. Matagal ka nang inaalok niyon 'di ba? Wala ka ba talagang planong mag-Japan?'
"Pag-iisipan ko, Ate, saka, siyempre, tatanungin ko rin sina Nanay, Tatay at Kuya."
"Wala namang problema diyan kina Nanay, Tatay at Kuya kasi nasa atin naman ang desisyon kung ano ang gusto natin ay go iyan sila."
"Pag-iisipan ko na muna, Ate."
"Sige. Ikaw ang bahala."
"So, kami lang talaga ni Lily, bukas?" naninigurado na niyang tanong kay Ate Lirah.
"Oo. Mag-iingat na lang kayo," bilin sa kanya nito.
"Opo Ate."
Kinabukasan ay si Nikos ang sumundo sa kanila ni Lily sa bahay. Nakaayos na silang dalawa at excited na excited na si Lily sa pamamasyal nila.
"Daddy Nikos!" masayang bati ni Lily kay Nikos.
Malapit kasi talaga si Lily kay Nikos at si Nikos na mismo ang nagpatawag ng Daddy kay Lily, simula nang matuto itong magsalita kaya tuloy ang bata ay nasanay na. Noong una sinisita pa nila ito ni Lirah pero si Nikos ang talagang makulit kaya hinayaan na rin nila at iniintindi na rin nila ang bata. Marahil nakikita nito kay Nikos ang father figure na wala ito.
Mabilis na nilapitan ni Lily si Nikos at sinalubong ng yakap ang binata.
"Na-miss kita, Lily," nakangiting sabi ni Nikos sa bata.
"Ako rin po, Daddy." Hinalikan pa ng bata si Nikos sa pisngi.
Napangiti siya at tinignan si Lirah na nasa tabi niya lang. Pinagmamasdan ang anak na puno nang emosyon ang mukha.
"Ate?" untag niya rito.
"Oh?" nagulat na tanong ni Lirah sa kanya.
"Ayos ka lang?" usisa niya sa kapatid.
"Oo naman! Mag-iingat kayo," bilin ulit ni Lirah at pumasok na sa loob ng bahay.
Hinabol niya pa ito ng tingin at bumalik ang tingin kay Nikos at Lily at nahuli niya pa ang tingin ni Nikos sa papaalis na si Lirah.
"Mama Rang, tara na!" excited na aya ni Lily sa kanya.
"Ah, o-oo."
Mabilis na naglakad si Herrah palapit sa dalawa at sumakay na sila sa kotse.
"Daan muna tayo sa bahay. Gusto kasing makita ni Mom si Lily, eh, alam niyo naman si Mom gustong-gusto si Ling," paalam sa kanya ni Nikos.
"Sige po. Ayos lan, Kuya," tugon niya kay Nikos.
"Biro mo para lang masiguradong madadala ko si Ling sa bahay, eh, pinaiwan pa niya si Luiene. Doon na raw muna tayo mag-agahan bago tayo umalis. Nag-breakfast na ba kayo?"
"Ako, oo, pero itong si Ling sa sobrang excited ay halos hindi kumain."
"So, kakain tayo sa bahay, Ling, ha. Bawal mag-skip ng meal at masama iyon," kausap nito kay Lily.
"Opo, Daddy!" masiglang tugon ni Lily.
Nakadama na naman si Herrah ng kaba nang maisip na makakasama niya si Lucas sa buong maghapon.
Ano naman kaya ang mangyayari kapag nakasama niya ang lalaki?
"Maging pormal ka lang, Herah, 'wag kang patitinag sa tulad ni Lucas!" sabi niya sa sarili.
Hindi na dapat siya magpaapekto para hindi siya lalong apihin ng Lucas na iyon.
Pagdating nila sa bahay ng Zandulga ay sinalubong sila ng Ina ni Lucas at Nikos. Masayang masaya pa ang ginang na niyakap si Lily.
"Luiene! Iho, halika nga rito!" tawag ng ginang sa anak niyang naglalakad pababa ng hagdan.
Kita ni Herrah ang gulat sa mga mata nito nang titigan si Lily saka may biglang gumuhit na emosyon sa mukha nito na hindi niya maintindihan at biglang naging blangko naman ang emosyon nito hindi naglaon.
"Daddy, sino po siya?" tanong ni Lily kay Nikos.
Tuluyan nang nakalapit si Lucas at nakatitig pa rin kay Lily. Napagmasdan ni Herrah ang itsura ni Lucas. Naging mas gwapo talaga ito kaysa ng mga bata pa sila. Siguro dahil sa maturity nito at sa magandang hubog ng katawan nito. Marahil napakaraming babaeng pinaiyak ito sa Maynila.
"Daddy?" nang-uuyam na tanong ni Lucas, "anak mo, Kuya?"
Nakita niya ang pagtalim ng tingin ni Nikos kay Lucas.
"Sana nga, Luiene, anak na lang nila Herah at ng Kuya mo itong si Lily dahil talagang magiging masaya ako," sabat ng ina nila Lucas na mukhang hindi naman napansin ang masamang titigan ng dalawa.
"Mama, kilala mo po siya?" tanong ni Lily kay Herrah.
Napatingin sa kanya si Lucas at napalunok siya dahil ang talim ng tingin nito sa kanya.
"Iha, siya ang Tito Luiene mo at kapatid ng Daddy Nikos mo," sabat ulit ng ina ni Lucas.
"Ah, kaya pala ang gwapo rin niya kagaya ni Daddy. Hindi ba, Mama, ang gwapo niya?" Napatingin siya sa nakangiting si Lily.
"Oo, Ling." Nginitian niya ito at ginulo ang buhok.
Nakakadala talaga ang magandang ngiti ng batang ito.
"Hi, young lady. I'm Luiene. What's your name? And how old are you?" nakangiting tanong ni Lucas kay Lily. Lumuhod pa ito para magkapantay ang mukha nila ni Lily.
"Ako po si Lily at ten-years old na po ako, Tito gwapo," masayang tugon ni Lily.
"Gusto ko ang tawag mo sa akin. Eh, nasaan ang Mama at Papa mo?" tanong ulit ni Lucas kay Lily.
Tinuro siya ni Lily. "Siya po ang Mama Rang ko." Tinuro si Nikos, "at siya naman po ang Daddy ko," inosenteng tugon ni Lily.
Napatingin sa kanya si Lucas na blangko ang emosyon ng mukha at muling tumingin kay Lily na nakangiti.
"Pero sila ba talaga real Papa at Mama mo?" tanong pa rin ni Lucas kay Lily.
"Stop it, Luiene! Tama nang kakatanong sa bata at baka maguluhan sa'yo 'yan!" mahinahong sita ni Nikos.
Hinila na niya si Lily at niyakap ang bata. "Oo naman, Lucas, tunay na Mama ako ni Lily. Hindi ba, Ling? At mahal na mahal ko ito," tugon niya kay Lucas.
Mukhang kahit ang pamangkin niya ay pinag-iinitan nito at baka kung ano pang masabi nitong masama kay Lily kagaya ng ginawa nito sa kanya.
Mapapalampas niya ang ginawa nito sa kanya pero sa pamangkin niya ay hindi niya mapapayagan at baka makapanakit pa siya!
"Mom, pakakainin ko na muna ang mga bisita ko. Si Lily kasi ay hindi raw masyadong nakakain, paano masyadong excited sa pamamasyal namin," sabi ni Nikos sa ina niya.
"Ako nang bahala magpakain kay Lily para magkaroon kami ng kahit konting bonding ng bata. Ikaw na bahala kay Herrah, Nikos," tugon ni Tita, "tara na, Lily, kain tayo ng breakfast," aya ni Tita kay Lily.
"Opo, Lola." Hinila ni Tita si Lily papuntang dinning area.
Nang wala na ng tuluyan sina Tita at Lily saka galit na hinarap ni Nikos si Lucas.
"What's wrong with you, Luiene?" galit ng sita ni Nikos kay Lucas.
Tumayo na si Lucas sa pagkakaluhod at pinagpag pa ang pantalon saka humarap sa kanila ni Nikos.
Nagkibit balikat pa ito. "What? I'm just being nice to her."
"Nice? And asking her about her parents? You're so insensitive!" galit pa ring sita ni Nikos kay Lucas.
"Woah! Kung makaasta ka para kang protective-father sa bata? Bakit anak mo ba iyon para umasta ka ng ganyan?' nang-iinis na tugon ni Lucas kay Nikos.
"Damn you-
"Huwag mong ipakita ang kagaspangan ng ugali mo kay Lily, Sir Lucas, dahil ayokong masasaktan siya sa tulad mong may makitid ang utak!" galit niya na ring sabat sa mga ito.
Hindi na niya napigilan ang sarili at kahit siya ay napagsabihan na si Lucas. Nakita niya ang pagtalim ng mga tingin nito sa kanya.
"Fine!" tugon ni Lucas saka sila iniwan.
"Sorry, Herah," hingi ng paumanhin ni Nikos sa nagawa marahil ni Lucas.
"Okay lang 'yon, Kuya, wala ka namang ginawang masama. Ako nga dapat mag-sorry kasi nakisabat pa ako sa pag-uusap niyo ni Sir Lucas."
"Hindi. Ayos lang iyon nang mapahiya iyan si Lueine at mabawasan ang kayabangan."
Nginitian niya na lang si Nikos na puno ng sensiro at walang sama ng loob.
INIHAGIS ni Lucas ang unan sa sobrang galit at pinagsisipa ang kama.
"f**k! Damn you, slut! Damn you!" sigaw niya sa sobrang galit.
Ito na naman ang galit na pumupuno sa puso niya. Akala niya ay wala na, akala niya ay nakalimot na siya pero sa ilang beses na pagkikita nila ng babaeng iyon ay parang bumabalik lahat ng galit at hindi niya ito mapigilan.
Umupo siya sa kamang nagulo na at kuyom ang kamao. "You want to play dirty game, huh? So, let's play," nakangisi pa niyang sabi sa sarili.
Pinahinahon niya na muna ang sarili bago lumabas ulit ng kwarto.
Ayaw niya na munang makita isa man sa Kuya niya at ng babaeng iyon t kahit ang anak ng babaeng iyon ay ayaw niya rin munang makita kaya nang marinig niya ang masayang boses ng batang babae sa pool ay hindi siya doon dumiretso at tumungo siya sa hardin.
"Oo nga, Ate, dala-dala ko nga kaya huwag ka ng mag-alala. Hindi naman ako mapapagod, eh, kasi si Kuya Nikos ay sure ko ang mag-aasikaso kay Lily."
Napatingin siya sa babaeng nakatalikod habang may kausap sa cellphone nito na nasa hardin din. Mukhang hindi nito alintana ang pagdating niya.
"Dala-dala ko naman. Hindi ba nga pinadala mo pa kay Lily kanina kasi nakalimutan ko. Hindi ako mapapaano, Ate, 'wag kang mag-alala," sabi pa ni Herrah sa kausap at mayamaya ay tumahimik marahil nakinig sa sinasabi ng kabilang linya.
"Sus! Parang sa akin ka pa nag-aalala kaysa kay Lily, eh, mas bata pa sa akin iyon." Nakinig ulit ito sa kausap sa cellphone, "oo, Ate, hindi ako mapaano at hindi rin ako masyadong magpapagod! Promise!"
Tumawa pa pa si Herra. Mukhang malapit na malapit rito ang kausap sa cellophone.
"Bye na. good luck sa pag-apply mo. I love you sa ate kong masungit," nakatawa pang sabi ni Herrah bago pinutol nito ang tawag at humarap na sa kinaroroonan niya.
Nanlaki ang mga mata nito nang pagharap nito ay nakita siya kaya napangisi naman siya kaagad sa dalaga.
"What? Nakakagulat bang makita mo ako?" nang-uuyam niyang tanong.
Hindi nagsalita si Herrah kundi naglakad lang ito at lalagpasan na sana siya pero hinawakan niya ito sa braso para pigilan.
"Bitawan mo nga ako!" inis na sikmat ni Herrah sa kanya.
"Pa-hard to get ka naman ngayon? Noong nakaraang-araw lang papansin ka nang papansin sa akin,' nang-iinsulto niyang sabi rito.
"Hindi ako nagpapapansin sa'yo! Isa lang iyong pag-we-welcome sa dating kaibigan." Napayuko na ito.
Napangisi siya dahil hindi makatingin sa kanya si Herrah at mukhang sukol na sukol na niya si ito.
"Akala ko kasi bumalik na iyong dati kong kaibigan, eh. Akala ko kasi-
"Akala mo ang dati mong kaibigan o baka ex-lover na makikipagbalikan sa'yo at tutuparin ang pangako niyo noon? Tama ba?" tanong niya kay Herrah
Namilog ang mata nito na napatitig sa kanya.
"Natatandaan mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Herrah sa kanya.
Tumawa siya at napangisi. "Oo, naman. Actually, na sa akin pa nga ang agreement paper natin na may signature nating dalawa, Herrah."
"Pero sabi mo ay hindi mo ako kilala at sabi mo-
"Bakit? Ano ba ang promise or agreement na iyon natin, huh? 'Di ba parang laro-laro lang naman natin iyon? Isa pa, hindi mo ba naisip na sa tagal nang panahon na iyon ay tingin mo ay tutuparin ko pa iyon at sa dami ng babaeng nagdaan sa buhay ko na mas may dating at mas maganda kaysa sa'yo ay tingin mo papatulan pa kita?" nang-iinsulto niyang pagpapamukha sa dalaga.
"Kung hindi mo naman pala tutuparin iyon ay sana maaga pa lang sinabihan mo na ako! Hindi iyong nag-antay ako-
"You're idiot! Why are you still waiting even though you know it's been a long time?"
Nakita niya ang sakit na gumuhit sa mukha ni Herrah sa pagpapamukha niya rito.
"Bitawan mo na ako," mahinahon pa ring sabi ni Herrah, "tanggap ko naman na kaya huwag mo nang ipamukha pa sa akin na nagpakatanga ako sa tulad mo."
Hinihila na nito ang braso pero hindi niya pa rin ito binibitawan.
""We can, Herrah, not just as you expected as I promised."
"A-ano?"
"We can be friends with benefit."
"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhan na nitong tanong sa kanya kaya napangisi siya lalo.
"We can be f**k buddy. Total naman hindi naman na bago sayo 'yon 'di ba?
A/N
Grabe ka Lucas! Bad Lucas! Bad!
Wait na lang kayo sa UD ko inaayos ko pa kasi siya.