Chapter 5

2131 Words
"A-ANO, f**k buddy?" Gulat na gulat si Herrah sa sinabi ni Lucas sa kanya. "So, what? Pagbibigyan kita na makasama mo ako pero ang kapalit ay maikakama kita." Nakadama siya nang pangbababa sa sarili at galit din sa pangbabastos na naman ni Lucas sa kanya. "Sira-ulo ka!" galit niyang sigaw at malakas hinila ang braso. Nang mapagtagumpayan ay sinampal niya si Lucas sa pisngi. Namula kaagad ang mukha ng binata dahil alam niyang malakas ang pagkakasampal niya sa sobrang galit sa pangbabastos sa kanya ni Lucas. "Anong ginawa ko sa'yo? Bakit mo ako ginaganito?" puno ng sama ng loob na tanong niya. Naging mapanganib ang tingin ni Lucas sa kanya at hinila nito ang kwelyo ng damit niya. "Who the hell are you to slapped me?" galit na ring sigaw nito,"bakit? Slut ka naman 'di ba? Inaaakit mo nga ako tapos ngayong pagbibigyan kita ay nag-iinarte ka!" gigil na pagpapamukha nito sa kanya. "B-bitawan mo ako!" Halos hindi siya makahinga dahil sa paghawak nito sa kwelyo niya. Nakadama siya nang matinding takot at parang naninikip ang dibdib niya dahil doon. Binitawan nito ang kwelyo niya at ibinaba ang kamao. "Pasalamat ka at nasa bahay tayo dahil kung wala ay baka nabasag ko na 'yang mukha mo. Don't you ever dare try to slap me again, dahil sinisigurado ko sa iyong manghihiram ka na ng mukha sa aso!" banta nito saka tumalikod pero huminto muli ito sa paglalakad, "at 'wag na 'wag mo nang ipapakita ang pagmumukha mo sa akin kahit kailan," habol pa nito. Hinawakan ni Herrah ang dibdib dahil naninikip ang paghinga niya at unti-unti na siyang nahihirapang huminga. Napaupo na siya sa sahig at nanlalabo na ang paningin. Napatitig siya sa papalayong bulto ng katawan ni Lucas. "Haah," habol niya sa paghinga at idiniin ang pagdampi ng kamay sa dibdib. "Mama Rang!" narinig niyang sigaw at boses iyon ni Lily. Tuluyan nang nanlabo ang paningin niya at hirap hindi na talaga siya makahinga kaya napahiga na siya sa sahig. "Mama Rang!" -------- NAKASALUBONG ni Lucas si Lily at mukhang papunta itong hardin. Nginitian siya nito na ginantihan naman niya. Hindi mabuting idamay niya ang bata sa galit kay Herrah dahil wala naman itong kamuwang-muwang sa kasalanan ng Nanay nito. Kamukhang-kamukha ni Lily si Herrah at parang si Herrah nga ito noong sampung taon din ang bata noon at ang una nilang pagkikita. Nilagpasan na siya ni Lily na ginawa niya rin sa bata. "Mama Rang!" Narinig ni Lucas na sigaw ni Lily kaya napalingon siya at nanlaki ang mga mata n nang makitang nakasalampak na si Herrah sa sahig ng hardin. "Mama Rang!" sigaw ulit ni Lily at patakbong nilapitan si Herrah. Natigagal siya sa tagpong nakita kay Herrah pero nang mahimasmasan siya ay mabilis niyang nilapitan ang dalawa at nakita niya na nakapikit na si Herrah na hawak ang dibdib at habol ang hininga. Namumutla rin ito at mukhang hirap na hirap na at dadaluhan na sana niya ito nang matigil siya. "What happened here?" Napalingon siya sa nagsalita at ng Kuya Nikos niya iyon, "oh my God, Herrah!" natatarantang sigaw din ng Kuya Nikos niya at mabilis nilapitan si Herrah. May inilabas si Lily sa bag nito at isinubo kay Herrah. "Mama heto na, magiging maayos ka na," naiiyak na sabi ni Lily kay Herrah. Itinulak nito ang taas ng hawak at tumunog iyon saka parang nahabol na ni Herrah ang hininga niya saka ito nagmulat at unti-unting bumalik ang kulay. "L-Lily," bulalas ni Herrah. "Mama!" bulalas din ni Lily at umiyak na niyakap si Herrah, "ayos ka na ba, Mama?" sumisinghot na tanong nito. Tumulo ang mga luha ni Herrah at puno nang hinanakit ang mukha nito kaya nakadama siya ng konsensya sa nagawa niya kanina sa dalaga. "Ayos na si Mama Rang, baby. 'Wag ka ng umiyak, ha." Panay naman ang tulo ng mga luha ni Herrah. "Lily. Akin na muna ang Mama Rang mo," sabi ni Nikos kaya humiwalay si Lily sa pagkakayakap kay Herrah at binuhat ito, "dadalhin na muna kita sa guest room and you need to rest at sinumpong ka na naman ng asthma mo. Ipapatawag ko ang Doctor para ma-check-up ka." "Asthma?" bulalas niya sa sarili, "oo nga pala! Bata pa lang kami may asthma na siya at hanggang ngayon pa rin pala ay mayron siya?" "Ayos na ako, Kuya, ibaba mo na ako." "No, Herrah! You need to rest!" matigas na sabi ni Nikos kay Herrah at dinala na ito paalis. Sumunod naman si Lily sa dalawa at naiwan naman siya na natitigagal sa hardin. "A-anong nagawa ko?" tanong niya sa sarili nang matauhan siya. Mabilis siyang naglakad para sundan ang mga ito at dama niya ang sobrang pag-aalala kay Herrah. Dahil sa ginawa niya ay sinumpong ang asthma si Herrah at nakokonsensiya siya ngayon. ------------ DINALA si Herrah sa isang kwarto ni Nikos. Nandoon din si Lily at bakas pa rin sa mukha ang pag-aalala nito at luha sa mga mata. "Mahiga ka na muna diyan at tatawagan ko lang si Dr. Corpuz." "'Wag na po, Kuya! Ayos na po talaga ako," kaagad na tanggi ni Herrah. "No. I just want to make sure na ayos ka na talaga!" matigas na sabi nito at tumuon ang paningin kay Lily, "Lily, gusto mong sumama sa akin?" tanong nito sa pamangkin niya. "Ayoko po! Hindi ko iiwan si Mama Rang kasi baka hikain na naman siya," tanggi ni Lily. Hinawakan niya ang mukha ni Lily at nginitian niya ang bata. "Sumama ka na kay Daddy Nikos mo, Ling, 'wag kang mag-alala dahil ayos na ako. Akin na ang inhaler ko para gamitin ko kaagad iyon kapag simumpong ako." "Pero, Mama- "Okay na ako, Ling, kaya sumama ka na kay Kuya Nikos nang hindi ka sobrang nag-aalala sa akin." Kita niya sa mukha ni Lily ang pagtutol pero nang hilahin ito ni Nikos ay nagpaubaya naman din ito. Inabot muna nito ang inhaler sa kanya bago umalis sa kwarto na kinaroroonan niya. Wala nang tigil ang pagtulo ng mga luha niya nang umalis sina Nikos at Lily. Ang sakit pa rin dahil hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip niya ang lahat ng masasakit na sinabi sa kanya ni Lucas. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nito tinatrato na parang mababang uri ng babae. Narinig niya ang pagbukas ng pinto kaya mabilis siyang tumalikod at itinalukbong ang kumot sa mukha. "H-herrah," narinig niyang sabi ng dumating kaya kaagad siyang napabangon at napalingon dito. Napuno siya ng pangamba pero wala sa mukha ni Lucas ang galit kundi pag-aalala at pagsisisi ang nasa mukha nito. "A-alis na rin kami mamaya kaya 'w-wag ka ng magalit. Hindi ko naman pinagpipilitan ang sarili ko at pangako, hindi na ako pupunta pa rito hangga't nandito ka," mabilis niyang paninigurado sa binata. "Look, I'm sorry. Hindi ko alam na susumpungin ka ng asthma mo dahil sa- "Hindi mo kailangan mag-sorry, Sir. H-hindi ka dapat magpakababa sa tulad kong mababang babae." Gusto na naman tumulo ng luha ni Herrah pero pinigilan niya. Ayaw niyang magmukhang kaawa-awa sa kaharap at muli itong tinalikuran saka humiga. Narinig niya ang pagbuntonghininga nito at ang sumunod ay ang yabag ng mga paa nito palayo at pagbukas-sara ng pinto. Dahil sa nangyari sa kanya ang plano sana nilang pamamasyal ay hindi na natuloy pa. Iniuwi na lang sila ni Nikos matapos siyang ma-check-up ng Doctor at makapagpahinga. Pagdating sa kanilang tahanan ang mga nag-aalalang mukha ng Ate at mga magulang niya ang sumalubong sa kanila. "Ano bang nangyari? Bakit ka ba biglang sinumpong ng hika mo? Sabi pa ni Lily ay nawalan ka raw ng malay. Sobra kaming nag-alala sa'yo, anak." Kita sa mukha ng Ina ang pag-aalala. "Sorry po sa inyo dahil pinag-alala ko po kayo," iyon lang ang nasabi niya. Hindi naman niya pwedeng sabihin sa mga ito ang totoong dahilan kung bakit siya sinumpong ng hika. Ayaw niyang magkaroon ng lamat ang pamilya nila at pamilya Zandulga dahil lang sa kanya. "Pasensiya na po, Tito Carlos, hindi ko po nabantayan si Herrah," hinging paumanhin ni Nikos. "Wala kang kasalanan, iho, nagpapasalamat nga kami at naagapan niyo ang nangyari sa anak ko. Kung wala kayo ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya," tugon ng Tatay niya. "Mabuti pang magpahinga ka na muna, Rang, baka sumpungin ka na naman niyan," utos sa kanya ng Inay niya at tumango lang siya saka pumasok nang mabilis sa kwarto. Doon na lang siya naglagi nang halos buong maghapon hanggang sa puntahan siya ng Ate Lirah niya sa kwarto. "Kumusta ka na ba, Rang? Masama pa ba pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. "Hindi na, Ate." Umupo siya sa kama niya, "Ate sorry, napag-alala ko si Lily. Baka na-trauma 'yong bata sa nakita niya." "Hindi naman ako nag-aalala kay Lily at maayos lang siya. Nag-alala talaga siya sa'yo pero hindi naman siya na-trauma kaya hindi ka dapat mag-alala sa kanya," tugon sa kanya ng kapatid. "Mabuti naman." "Rang, ano bang dahilan bakit ka sinumpong ng hika nang ganoon kalala? Hindi ka naman sinusumpong ng ganoon noon basta lang. Ang alam ko kapag sobra ka lang pagod at sumama ang loob mo ng matindi?" usisa sa kanya ng Ate Lirah niya. "H-hindi ko rin alam. Ate, baka dahil sa init. Medyo nahilo rin kasi ako kanina eh," pagsisinungaling niya. "Wala bang ginawang kung ano sa'yo ang Lucas na iyon?" may pagdududang tanong nito sa kanya. "Wala Ate! A-ano naman gagawin sa akin ng taong iyon?" kaagad niyang tanggi sa kapatid. Mabilis talagang makaramdam ng kakambal niya at kailangan niyang galingan sa pagsisinungaling dahil baka malaman nito ang totoo. "Aba, malay ko ba kung may ginawa nga siya. Ayaw mo lang sabihin." "Wala nga, Ate. Hindi ko rin alam kung bakit ako sinumpong kanina ng gano'n kalalang hika." "Sigurado ka ba? Kung may gumawa sa'yo ng masama ay sabihin mo lang sa amin at reresbakan talaga namin." Napangiti siyang niyakap ang Ate niya. "Salamat, Ate." "Walang anuman, bunso, ikaw pa ba? Bunso ka namin." Hinimas siya ni Lirah sa likod niya. "Maswerte ako kasi kayo ang naging pamilya ko," nakangiting sabi niya sa kakambal. Oo, maswete nga talaga siya. Dahil mahal na mahal siya ng pamilya niya at ganoon na lang ang mga ito kung ingatan at alagaan siya kaya hindi dapat siya malungkot dahil sa katulad ni Lucas na pinaasa at sinaktan lang siya. Tama ang Ate niya na dapat noon pa man ay kinalimutan na niya ang lalaking iyon at dapat hindi na siya umasa pa sa pinangako nito noon. Naging tanga siya dahil pinaniwalaan niya iyon at umasa siya pero alam niya na makaka-move-on din siya at kailangan niyang mag-move on. Dahil hindi na si Lucas ang Cas na minahal niya noon. Siya na si Lucas na may masama at mapagmataas na ugali. Hindi ang tulad niya lang ang magugustuhan ni Lucas at isa pa ay napakababa ng tingin nito sa kanya porke't tauhan lang siya ng mga magulang nito kaya ganoon na kababa ang tingin nito sa kanya. Ang masama pa ay inalok pa siya nito na maging f**k buddy. Simula ngayon at hangga't nandiyan pa ang lalaking iyon ay hindi na muna siya magpapakita at kung siya ay kinalimutan nito na kahit bilang dating kaibigan nito ay ganoon din siya! "Galit ako sa'yo, Luiene Casvello Zandulga!" sigaw na ng isip niya. Napakuyom ang kamao niya sa galit. Maagang pumasok si Herrah kinabukasan dahil marami pa siyang tatapusin na office work at pupuntahan pa niya at i-che-check niya ang farm ng prutasan ng Zandulga. Kung maayos ba ang pagha-harvest ng mga prutas at kung nagkaproblema ba sa mga prutasan. Hindi pa sana siya papasukin ng Kuya niya kung hindi lang siya nagpumilit kaya hinatid na lang siya ng kapatid papunta sa trabaho para raw makasigurado itong maayos siyang makakarating doon at sangkatutak na pagbibilin bago ito umalis. Wala tuloy siyang nagawa kundi mangiti na lang at mapailing sa kuya niya. "Maam Herrah, mabuti dumating ka na!" nakangiting bati sa kanya ni Dorry nang salubungin siya nito papasok sa opisina. May itinayong gusali doon ang Zandulga at malaki ito. Doon din nakalagay ang ilang mga papeles na naha-harvest at kinikita ng buong farm ng mga ito. May mga kasama si Herrah doon, mga katrabaho niya pero siya ang mas may mataas na posisyon at si Nikos na ang boss nilang lahat na siyang nagma-manage ng farm. "Ah, oo, bakit nagkaproblema ba sa farm?" nag-aalala niyang tanong kay Dory. "Hindi po problema, Maam, may anghel po kasing naghahanap sa'yo. Inaantay po niya kayo," ngising-ngisi pa na sabi ni Dory. "Anghel?" gulat na tanong niya. "Opo. Nasa opisina niyo na po siya," tugon nito sa kanya. "Ah. oh, sige. Punta na ako doon." Mabilis niyang tinalunton ang opisina at isang hindi inaaasahan ang maaabutan niya doon. "Wala naman anghel dito, ah? Demonyo mayroon pa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD