NAPALINGON si Lucas, pagbukas ng pinto. Kanina pa siya nag aantay dito, mabuti naman at dumating na ito. Kita niya ang gulat sa mukha ng dumating at ang malamig na pagtitig nito sa kanya.
"Good morning Herrah," bati niya dito. Kita ang ilang sa mukha ni Herrah, hindi ito makatingin sa kanya. Naglakad ito palapit sa mesa at may inilagay na folder doon, saka umupo sa upuan.
"Have a seat, Sir Lucas," untag nito sa kanya.
Mabilis siyang umupo sa bakanteng upuan sa harap nito. Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. "You have a nice office, huh," compliment niya dito.
Nakita niya ang ang pagtingin nito sa mukha niya, subalit saglit lang at may bumahid na pag aalala sa mukha nito.
"Sila Ma'am Leonora at Sir Nicanor, po ang nagpatayo ng gusaling ito and they choose me in this position not because they know me o dahil malapit ang pamilya niyo sa amin. Pinaghirapan ko rin po ang posisyon na ito. So, please don't think-
"Hey, hey Herrah, wala akong kung ano mang iniisip. Nag-compliment lang ako sa office mo, kasi maganda naman talaga. Malinis at presko," putol niya sa sasabihin pa sana ni Herrah. Naging blangko ang emosyon ng mukha nito at muling hindi na tumingin sa kanya ang dalaga.
"About yesterday, I want to apologize. I'm sorry, Herrah-
"You don't need, Sir. Kung 'yan lang po ang ipinunta niyo ay pwede na po kayong umalis. I have a work to do, so please Sir, just leave me alone." Nakadama siya ng inis sa dalaga, hindi ba nito naisip na anak ng may ari ang kaharap nito at pinapaalis niya.
"You're not respecting me I'm the son of the owner!" may talim na sita niya sa dalaga.
"Respect? Ngumisi ang dalaga, "alam mo pala ang salitang 'yan?
Matalim niya itong tinitigan. "Please sir, just leave me alone."
"Fine! Who do you think you are? You're just my parent's slave."
"Yeah, Sir. I know that, hindi mo na kailangan ipamukha pa."
"You're really-
"Please Sir." Nakita niya ang paghabol ni Herrah, ng hininga kaya para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Pumunta siya dito para humingi na ng pasensiya, dahil alam niyang mali siya sa nagawa niya kahapon. Pero nasagad na naman ni Herrah, ang pasensiya niya at nagalit na naman siya dito.
Nakita niya ang pagkuha nito ng inhailer sa bag at sinubo iyon.
"I'm sorry," mapagkumbabang sabi niya sa dalaga,"I'm serious, I'm here to say sorry. Mali ang nagawa ko, hindi dapat kita pinagsalitaan ng masasakit."
Nanlaki ang mga mata ni Herrah, pero pinid pa rin ang bibig nito.
"Herrah. Sana mapatawad mo ako."
"Sinabi ko na po sayo Sir, okay na sa akin ang lahat," tugon nito nang makahuma sa pagkakagulat.
"But you don't look you forgiven me," malungkot na bulalas niya.
Bumuntong hininga si Herrah.
"Mahalaga pa ba iyon, Sir? 'Di ba ang sabi mo, ayaw mo nang makita ang mukha ko at 'wag ko nang ipagpilitan ang sarili ko sayo. Bakit ngayon sinusunod ko naman gusto mo, bigla bigla ka na lang pupunta rito at magpapakita?" naguguluhang tanong ni Herrah sa kanya.
"I just felt guilty," totoong tugon niya.
"Guilty nga ba o natatakot ka na magsabi ako kila kuya Nikos, o kahit kanino man sa pamilya mo sa nagawa mo sa akin kahapon?
Napayuko siya sa sinabi ni Herrah. Isa rin iyon sa mga dahilan niya. Ayaw niyang sumama ang loob ng Mama niya sa nagawa niya kay Herrah, pero mas lamang ang konsensiya na nararamdaman niya.
"You don't need to worry, Sir Lucas. Wala akong pagsasabihan nang nangyari sa atin, kahapon."
"I did that because I'm mad at you."
Napaangat ito ng tingin at napatitig pero mapait na ngumiti. "Mad at me, for what Sir? 'Di ba dapat ako ang magalit sayo kasi-
Napahinto ito at mapait muling ngumiti.
"Sorry, Sir just never mind it." Napayuko ulit ito.
"Hindi ako nakalimot, Herrah. Iyon ang totoo." Napatingin ito sa akin, "ikaw ang nakalimot at dahil doon, sumama ang loob ko sayo hanggang sa inisip ko na lang na kalimutan ka at sa dami ng nangyari sa loob ng fifteen years. Tingin mo ba, hindi mapupunta sa iba ang atensiyon ko? Kaya-
"Ako pala ang nakalimot." Mapakla itong tumawa.
"Herrah, please. Let's move on, I'm sorry kung naging masama ako sayo sa unang pa kikita natin. Pumunta ako rito because I want to move on and have a peace of mind. My girlfriend and I broke up, kaya ganito ako ka-bitter ngayon at kahit ikaw nadamay. Siguro dahil na rin sa nakaraan natin." Nakita niya ang isang emosyong lumukob sa mga mata nito at lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.
"Sorry, Herrah. Please forgive me."
-----------
NAKADAMA ng biglang awa si Herrah, sa kaharap na binata. Kaya pala parang laging galit si Lucas pag nakakaharap niya ito, dahil galing ito sa kabiguan. Pero hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nito sinasabi na siya ang nakalimot. Sa totoo naman kasi kahit kailan hindi siya nakalimot kay Lucas at sa pangako nila sa isa't isa.
"Sige na, aalis na ako. Sana mapatawad mo ako and I hope na, we will be friends again. Kahit kaibigan lang," malungkot pang sabi nito at tumayo na.
Napatayo na rin siya. "S-sir Lucas." Napalingon ito sa kanya.
"Bakit sinasabi mong ako nakalimot? Paano-
"That's not important Herrah. Just let's forget the past," putol nito sa sasabihin pa niya sana.
Nasaktan siya pero siguro kailangan niyang tanggapin na nakaraan na iyon at kailangan nang kalimutan dahil wala naman na talaga ito para sa binata.
"T-tama ka, Sir." Yumuko na lang siya at hinayaan na ang pag alis ng binata.
Kahit anong gawin ni Herrah, hindi mawala sa isip niya ang huling tagpo nila ni Lucas. Ginugulo nito ang isip niya. Kaya tuloy pati trabaho niya nadadamay na, hindi siya makapag-concentrate. Nang tumingin siya sa oras alas-dose na sakto, kaya tumayo na siya sa kinauupuan niya.
"Mag-la-lunch na nga lang muna ako baka kain lang, mawawala na ito."
Mabilis siyang lumabas ng opisina at lumabas ng gusali. Wala siyang planong kumain sa canteen, sa farm siya kakain sasabayan niya ang mga manggagawa doon, para kahit paano ay maaliw siya.
Nagpahatid siya sa isa sa mga driver ng farm ng mga Zandulga at sa farm na dumiretso. Nang makarating siya, napangiti siya sa kulay berdeng kulay ng buong farm at sa magandang tanawin.
"Salamat po, Mang Ambo. Dito na muna po ako. Mamayang hapon niyo na po ako sunduin."
"Sige, iha."
Nang makaalis na ang sasakyang sinakyan niya papunta sa farm, naglakad na siya doon at tinutungo ng paa niya ang lugar kung saan nagkakainan ang mga trabahador sa oras na iyon.
Parang isang panaginip
Ang muling mapag bigyan
Tayong muling magkasama
Ang dati balewala
ohhh ohhh ohhh
Ho ho hooo
Napatitig siya sa kumakanta, lahat dito nakatutok ang paningin, ni hindi man lang napansin ng mga ito ang presensiya ng pagdating niya.
Ang dati ay balewala ahhh
Parang isang panaginip
Ang muling mapag bigyan
Tayong muling mag kasama
Ang dati balewala
Panatag ng kalooban ko at ika'y kapiling ko na
Kay tagal kitang hinintay
Kay tagal kitang hinintay..
Nagpalakpakan pa ang mga ito na parang mga audience na nanunuod ng isang patimpalak.
"Ang galing mo, kuya Cas!" hanga pang bulalas ng batang nandoon din na anak ng isa sa mga trabahador doon.
"Cas?
"Nagkakamali kayo Lucas 'yan hindi Cas!"
"Oh Rang, nandito ka na pala? Akala ko mamaya ka pa?" tanong ng isa sa mga trabahador doon na si Mang Iko. Nakuha ni Mang Iko ang lahat ng atensiyon at napatingin sa kanya.
"Oh, Rang! Halika nga rito at magtanghalian ka," aya pa sa kanya ng isa sa trabahador na mga kapit bahay at kanayon niya rin. Kaya malalapit ang loob niya sa mga ito, ganoon din ang mga ito sa kanya dahil nakita na nila ang pag laki niya.
"Ah, opo Aling Bebe." Mabilis siyang lumapit sa mga ito at ngumiti.
"Oo nga pala, 'di ba magkababata kayo nito ni Cas, noon at ang alam ko nga may pagkakaintindihan kayo noon," nakangiting sabi naman ni Manong Gusting, "naalala ko noon si Cas, palaging sinasabi sa amin na pakakasalan niya raw itong si Rang, pag nasa tamang edad na sila."
"Talaga kuya Cas, ate Rang, magpapakasal kayo?" nakangiting tanong sa kanila ni Jelay, na isa sa anak ng mga trabahador.
"Matagal na po iyon Mang Gusting, saka mga bata pa kami noon," nakangiti niyang tugon sa mga ito. Hindi siya makatingin kay Lucas, dahil na rin sa hiya.
"Eh, hindi ba pwedeng mangyari ngayon iyon? Nasa tamang edad naman na kayo at bagay kayo," singit naman ni Aling Dory.
"May kasintahan na po si Sir Lucas, sa Maynila at isa pa po ay matagal na po iyon. Wala na po iyon sa amin."
"Tama na ngang pang aalaska niyo diyan kay Rang at kay Cas, may kasintahan naman na pala 'yang si Cas, eh. Aba'y 'wag niyo nang itulak pa ang dalawa sa isa't isa. Isa pa paano naman si Andrew, iyon 'ata ang nobyo nitong si Rang," sabat ni Aling Bebe.
"Si Andrew po-
"May boyfriend ka? Nagulat siyang napatingin kay Lucas, na salubong pa ang kilay.
"Eh, matagal naman nang may pagtingin sayo si Andrew 'di ba? Siguro naman nobyo mo na iyon? Sabat ulit ni Aling Bebe.
"Is that true?" tanong ulit ni Lucas.
"Ahm eh, kain na nga lang po tayo. Gutom na po ako," pag iiba niya ng usapan at lumayo kay Lucas.
Wala naman siyang dapat ipaliwanag dito, ano kung may nobyo siya. Wala na itong pakealam sa kanya.
Nang makalayo siya kay Lucas, itinuon niya ang pansin sa mga kasamang kumain pero hindi pa rin niya mapigilang tignan ito na may hawak na gitara at tinuturuan si Utoy, isa sa mga anak din ng trabahador doon sa farm. Mukhang sa bata ang gitara at nakigamit lang si Lucas. Nang mahuli siya nitong nakatingin, nginitian siya nito at napaiwas siya agad ng tingin kahit kaakit-akit ang mga ngiti nito.
Hindi lang basta gwapo si Lucas, dahil kung titignan para na itong isang artista sa gandang lalake nito at maganda rin ang pangangatawan nito, hindi tulad noong kabataan nila na medyo mataba ito. Ngayon mukhang alaga ito sa gym dahil medyo malaki rin ang katawan nito at kahit ang biceps nito.
"Bakit parang umiinit ang mukha ko."
Pinaypayan niya ang sarili niya, nag iinit kasi ang mukha niya sa hiya dahil nagawa pa niyang ma-imagine ang mukha at katawan ng binata sa balintataw niya.
"Iha, ibigay mo nga ito sa kababata mo at hindi pa kumakain 'yan," utos sa kanya ni aling Dory.
"Po? Ako po?
"Ay oo, sino pa ba sa tingin mo? Inabot ni Aling Bebe, ang plato na may pag kain sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi tanggapin ito at lumakad palapit kay Lucas.
"Oh, pinabibigay ni Aling Bebe." Inabot niya ang pag kain kay Lucas.
"Thank you," nakangiting tugon nito.
"Welcome, Sir Lucas."
"Have a seat," alok nito sa kanya.
"Ah, okay na ako doon. Sige."
Paalis na sana siya nang hawakan nito ang kamay niya, na ikinagulat niya.
"Naiilang ka ba na nandito ako? Kung gusto mo aalis na ako." May lungkot ang boses nito.
"You don't need, Sir. Isa pa, farm niyo ito, sino ba naman ako 'di ba? Hinila na niya ang kamay niya at tuluyang umalis.
Matapos kumain, nag umpisa na siya sa pakay niya doon. Ang i-check ang mga na-harvest na prutas at alamin na rin kung ilan ba ang mga na-harvest at mga na-reject na prutas, dahil na overriped na o napasukan ng insekto.
Si Lucas, naman ay hindi umalis doon at patuloy ang pakikisama sa mga trabahador at sa mga anak ng trabahador. Kung titignan parang napakabuting tao nito at kahit sa pakikisama nito sa mga trabahador doon.
"Pero, bakit sa akin gano'n siya makitungo?
Napabuntong hininga siya at muling napasulyap kay Lucas, na may masayang ngiti habang nakikipag usap sa mga trabahador doon.