Chapter 46

2337 Words

NAGISING si Herrah na nasa tabi ni Lucas, nakayakap ito sa kanya at hubad pareho ang katawan nila. Nasa sahig sila ng carpeted ng music room at walang hiya hiya na kahit hubad sila ay nakatulog sila doon matapos ang mainit na pagsisiping nila. Napatitig siya sa mahimbing na pagtulog ng asawa, kahit paano bumalik na ang katawan nito at nagkalaman na ang pisngi nito, hindi tulad noong una niya itong makita nang masundan siya nito sa bahay ng tiyahin niya na ang payat payat. Napatitig siya sa gilid ng noo nito at may napansin siya dito. Pahabang peklat na mukhang tinahi pa. "Kailan pa nagkapeklat ng ganyan kahaba sa gilid ng noo si Lucas? Hinawakan niya ang gilid ng noo ni Lucas kung nasaan ang peklat. Gumalaw ito kaya mabilis siyang tumalikod at pumikit na kunwari natutulog. "Mahal," nari

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD