HINDI talaga nagpa-ct scan si Lucas hanggat hindi dumating sila King at Rocky, para ibilin si Herrah sa mga kaibigan ni Lucas, takot na takot kasi ito na makatakas na naman daw siya. Akala kasi talaga ni Lucas, tinakasan niya ito kanina. Mabuti na lang nabagok lang ng konti ang ulo nito kaya nagdugo at gasgas lang ang tinamo nito. Sobra siyang talagang nag-aalala sa asawa. Nilapitan siya ni Rocky at nagulat siya nang may malamig na bagay siyang naramdaman sa pulsuhan niya. "Posas? Gulat siyang napatingin kay Rocky. "Ginawa ko' yan para hindi ka na makatakas." Pinakita pa nito na nakaposas din ito, bale silang dalawa ang nakaposas sa isa't-isa. "Pero hindi naman ako tatakas," katwiran niya kay Rocky. "I just followed what my friend's order." "Ang oa niyo alam mo! Kainis!" naiiritang s

