NAKATITIG lang si Lucas sa asawa at nakadama siya ng pag-aalala bigla nang makita itong umiiyak. "Pumapayag na ako Cas." Napahikbi ito, "bibigyan na kita ng isa pang chance." Nanlaki ang mata niya. "Chance? Ibig mong sabihin 'yung chance na makabawi ako sayo sa lahat ng mga nagawa kong mali at iyong chance na magkaayos tayo at magkabalikan? Napahikbi ito at tumango. Napangiti siya at niyakap ang asawa. "Seryoso na 'to, ha. Wala ng bawian. Saka 'wag ka ng magsisinungaling." "Promise, seryoso na 'to." Humiwalay si Herrah sa kanya, "but I want to have an agreement with you." Naguluhan siya bigla sa sinabi ng asawa. "Agreement? "Oo. Isang buwan lang ang ibibigay ko sayo, Lucas. Pag walang nagbago sa nararamdaman ko, galit pa rin ako sayo at nandito pa rin ang sakit, please Lucas. Pakawal

