“Where are you going?” nagtatakang tanong ni Rex na nagpatigil kay Dennise sa pagsakay sa kotse nito. Nilingon at tiningnan niya ang kuya niya na seryosong nakatingin sa kanya ng diretso. “Ah... Kuya-” “Pupunta ka sa probinsya niya? Magbabakasakali kang nandoon siya ngayon kaya hindi siya nagpapakita sa’yo? Ganun ba?” sunod-sunod na tanong pa ni Rex sa nakakabata niyang kapatid. Umiwas nang tingin si Dennise kay Rex. “Dennise, huwag mong hanapin ang taong nagtatago mula sayo dahil kahit anong gawin mong paghahanap, hinding-hindi mo siya makikita,” seryosong wika ni Rex. “Saka alam mo naman ang mangyayari sa oras na ipagpilitan mo pa rin si Angelo, ‘di ba?” tanong pa niya. Muling tiningnan ni Dennise si Rex. Sumeryoso na rin ang kanyang mukha. “But-” hindi na lamang niya itinuloy ang

