PROLOGO
PROLOGO
Nakatayo nang tuwid sa harapan ng full body mirror si Angelo na nasa loob ng kanyang kwarto na matatagpuan sa isang monasteryo. Dahan-dahan niyang hinuhubad mula sa kanyang katawan ang damit pang-seminarista niya. Nakatingin ang mga may galit niyang mga mata sa salamin at bakas din sa mala-anghel niyang mukha ang matinding galit na bumabalot sa kanyang dibdib.
Lumipas ang sandali ay tuluyan na niyang nahubad mula sa kanyang katawan ang damit at ang natira na lamang ay ang suot niyang panloob na sandong puti at boxer short. Hubog na hubog sa mga suot niyang ‘yon ang magandang hubog ng kanyang katawan na resulta ng page-ehersisyo niya tuwing umaga. Kahit naman nasa loob siya ng monasteryo ay hindi pa rin niya nakakaligtaan na mag-exercise at panatilihing malusog ang kanyang pangangatawan. Umbok na umbok at tila nagmamalaki ang itinatago niyang p*********i na nasa loob pa ng suot na brief at boxer short.
Gwapo si Angelo, malaki at matipunong lalaki sa edad na bente-dos anyos. Ang taas nito ay nasa lima’t-onse na bumagay sa magandang pangangatawan niya. May pagka-moreno ang makinis na balat niya mula ulo hanggang paa. Hindi ito mabalbon kaya maliban sa may buhok ito sa kili-kili ay wala na itong ibang buhok pa sa katawan. Kahit bigote at balbas ay hindi tumubo sa mukha niya kaya napakalinis niyang tingnan.
Maikli ang gupit ng buhok ni Angelo, singkit ang mga mata niya, matangos ang kanyang ilong at may kanipisan ang labi niya. Bumagay ang bawat parte sa magandang hugis ng mala-anghel niyang mukha. Perfect ang jawline niya na lalo namang nagpagwapo sa kanya.
Marami ang nanghihinayang na magiging pari na si Angelo. Napakagwapo naman kasi niya para maging isang pari kaya araw-araw ay laging marami ang nagsisimba. Karamihan doon ay mga babae at mga kalalakihan din para lamang masilayan siya at marinig na rin ang maganda niyang boses na kasing-lamig ng simoy ng hangin sa Pasko. Kasali rin kasi siya sa choir ng simbahan kung saan siya ang namumuno rito.
Ilang araw na lang ay ordination na ni Angelo, magiging isang ganap na siyang pari matapos ang mahaba niyang pananatili at pag-aaral sa simbahan. Ito ang napili niyang bokasyon dahil ito ang sa tingin niya’y nababagay sa kanya.
Gusto ni Angelo na paglingkuran ang Diyos habambuhay kaya hindi man lang ito nagkaroon ng girlfriend at hind ito nagkaroon ng karanasan sa pakikipagrelasyon at lalo na sa pakikipagtalik dahil gusto niya ay purong-puro siya kapag naglingkod siya sa Diyos. Ang gusto niya, birhen pa siya at wala mang sinuman ang nakakagalaw sa katawan niya. Gusto niya, ang Diyos lamang ang iibigin niya habambuhay.
Mabait na bata si Angelo. Sobrang bait na animo’y isa itong anghel na ipinadala ng langit dito sa lupa. Sobra itong matulungin sa ibang tao at hindi marunong magalit sa iba.
Ngunit magbabago ang lahat ng dahil sa isang pangyayaring puputol sa kagustuhan niyang maging pari. Isang pangyayaring pagmumulan nang matinding galit sa puso ni Angelo. Galit na magreresulta sa pagnanais niyang maghiganti.
Ang kabaitan at kabutihang loob ni Angelo ay umabot sa hangganan.
“Sisiguraduhin kong magbabayad ka sa ginawa mo. Tandaan mo, habang buhay kitang sisingilin dahil kulang pa ang buhay mo para pagbayarin ka sa naging atraso mo. Hinding-hindi ka makakatakas sa galit ko. Hinding-hindi kita patatakasin.”