Prenteng-prente na nakadekwatro sa pag-upo si Angelo sa kanyang swivel chair habang seryoso na nakatingin sa taong nakatayo sa harapan ng kanyang office desk na nanginginig ang mga kamay at kabadong-kabado dahil sa pamatay niyang titig. “Anong kinalaman mo sa pagkawala ng malaking pera buwan-buwan sa kumpanya?” mariing tanong ni Angelo sa lalaking empleyado nila. Nagkaroon na ng unang resulta sa imbestigasyon tungkol sa pagkawala ng pera ng hindi nila nalalaman kung saan napupunta at ito ang isa sa nalaman nilang may kinalaman sa pangyayaring ‘yon. Hindi sumagot ang lalaking empleyado at nananatili lang itong tahimik. Nagulantang na lamang siya nang hampasin nang malakas ni Angelo gamit ng dalawa niyang kamao ang office desk niya. Pinanlakihan din siya ng mga mata ni Angelo na ikinangi

