Napatigil sa pag-aayos ng kanyang suot na polo si Angelo nang makarinig siya ng mga katok mula sa pintuan nang inuupahan niyang kwarto. Naghahanda na siya para sa pagpasok sa trabaho. Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa pagtataka. “Mukhang may bisita yata ako. Sino kaya?” tanong ni Angelo sa nagtatakang tono. Muling tiningnan ni Angelo ang kanyang sarili sa harapan ng salamin. Nang makita niyang ayos na ang itsura niya ay tinalikuran niya ito saka naglakad papunta sa pintuan. Sa pagkabukas ni Angelo ng pintuan ay nabungaran niya kung sino ang nasa labas at nakatayo sa harapan ng kanyang pinto na nakatingin sa kanya ng diretso, si Danica. Kumurba ng ngisi ang labi niya. “Inaasahan kong magpapakita ka sa’kin, alam mo ba ‘yon?” tanong ni Angelo. “Nabulabog ko s

