Laki sa hirap ang probinsyanang si Lia kaya naman ganoon na lang sya kapursigido na makahanap ng trabaho o makipagsapalaran sa Maynila at para na din matupad nya ang pangarap nya na makapagtapos sa kursong HRM. Paminsan pa nga ay pinapatos na nya kahit trabahong panglalake para lamang may maipadala siya sa pamilya nya sa Quezon at may pandagdag sa ipon. Dahil dito, natuto siyang maghalo at magtimpla ng semento, magkarpintero pero assistant lamang, mag mekaniko, tubero at marami pang iba.
Habang nagmemekaniko, doon siya nakakilala ng isang mayamang nasa edad 55-anyos na lalake na kasalukuyang nagpapaayos ng sasakyan at tila pamilyar sa kanya ang hitsura nito ngunit hindi nya lang ito maalala kung saan nya nakita. Namangha ito dahil babae ang nag-aayos sa kanyang sasakyan. Bigla kasing sumabog at nabutasan ang gulong ng sasakyan at sakto namang ang Vulcanizing Shop na pinapasukan ni Lia ang pinakamalapit kaya dito na ito nagpaayos. Nagkukwentuhan sila habang nagtatrabaho si Lia at namangha naman ang lalake sa kwento ng buhay nito.
"Alam mo kasi Ser, sa hirap ng buhay, hindi na ako namimili pa ng trabaho. Para po sa pangarap", ani ni Lia habang abala sa pagmemekaniko. "Nag-iipon po ako at tumutulong din po ng kaunti sa aking pamilya sa Quezon."
"Ano naman ang pinag-iipunan mo?" Tanong sa kanya ng lalake.
"Gusto ko pong makapagtapos sa college. Nang sa gayon ay makahanap ako ng trabaho na matino. Gusto ko po sana ay HRM, at kung makatapos ako, magtatrabaho ako sa Hotels o Restaurants at kapag marami na akong experience, magbabarko ako." Nakangiti nya pang sagot sa lalake. Habang ang kausap naman nya ay tila nakakaramdam ng awa at paghanga dahil makikita mo talaga ang pagiging determinado nito.
"Alam mo, meron akong alam na trabaho at sa tingin ko ay mas mabilis kang makakaipon doon at hindi mabigat ang gawain." Agad namang napatigil sa ginagawa nya si Lia. Tila interesado sya sa sinabi ng customer nila. Ngunit ano kayang trabahong ito, sabi ng isip ni Lia. "At dahil natutuwa ako sa iyo, ang perang kikitain mo ay para na lamang sa tulong mo sa pamilya mo at pwede ding pambaon mo sa eskwela." Tila nabubuhayan ng loob si Lia. Hindi pa din sya gumagalaw dahil nakikinig pa din sya sa sinasabi ng customer nito at sobra itong interesado. "Dahil bibigyan kita ng scholarship basta ba ang kapalit nito ay magtatrabaho ka sa akin."
"Naku Sir, ngayon pa lang naeexcite na po ako. Ano po bang trabaho iyan? Naku, kahit ano Sir, kahit hindi nyo pa po sinasabi ay pumapayag na ako!!" Natawa naman ang lalake sa sinabi nya. Sobrang nagigiliw sya kay Lia dahil sa nakikita nitong determinasyon para lamang makamit ang pangarap.
"Pero kailangan ko ng magtatrabaho sakin as soon as possible." Sabi ng lalake na lalo namang ikinagalak ni Lia. "Ano nga po pala ang magiging trabaho ko?"
Dahil sa sobrang excited ay sumama na agad si Lia sa customer nito. Agad siyang nagpaalam sa amo niya sa Vulcanizing Shop na lilisanin na nya ito at agad na binigyan ng huling sahod. Tiwala lang din sya agad sa lalake na customer nya kanina dahil batid nya ang katapatan nito at ramdam nya na hindi ito nagsisinungaling. Habang nasa biyahe ay nagpakilala itong siya si Mr. Robert Herrera, na may-ari lang naman ng sikat na Hotel at Restaurant sa bansa. Kaya pala ito tila pamilyar sa kanya. May 3 itong anak na puro lalaki. Ang dalawa ay katulong nya sa pagmamanage ng negosyo at pamilyado na din at ang isa naman, ay hindi na nya sinabi at tila lumungkot ang mukha nito at naiiling-iling. At dahil doon ay medyo kinabahan sya. Ganoon ba ito kapasaway kaya ganun na lamang kadismayado ang ama nito.
Hapon na iyon nang makarating sila sa kanilang paroroonan. Pumasok ang sasakyan sa gate na pagkalaki laki at natatanaw na ang malapalasyong Mansion. Meron pa itong fountain na madadaanan bago ang harap ng Mansion. Napanganga pa siya sa pagkamangha.
Grabe ang laki naman ng mansyon na ito. Sobrang yaman naman talaga ng customer ko. Ang swerte ko naman. Kahit siguro maghardinero na lang ako dito ay okay na sakin..
Pagtigil ng sasakyan ay may nakaabang ng dalawang lalake ang isa ay pinagbuksan ng pinto si Mr. Robert at ang isa ay pinagbuksan si Lia. Agad siyang nagpasalamat sa nagbukas ng pinto ng sasakyan na ang pangalan ay Mar at nakayuko pa sya dahil sa hiya. Ibinigay ni Mr. Robert ang susi ng sasakyan nya sa lalaking nagbukas ng pinto nito na nagngangalang Jun. Habang si Mar naman ay kinuha ang mga bag na dala ni Lia. Lalo tuloy nahiya si Lia dahil sa VIP treatment sa kanya.
Napapangiti na lamang si Mr. Robert kay Lia. Sa pagbukas ng pintuan ng mansyon, sabay-sabay na bumati ang mga katulong nito sa kanila ng magandang hapon. "Hello po" tugon ni Lia sa bati ng mga maid at tila ba feel na feel nya ito at kalaunan ay nahiya sya sa ginawa nya at bungisngis na lang ito ng bungisngis. Maya-maya ay tumigil sa paglalakad si Mr. Robert at pumwesto ito sa likod ni Lia at hinawakan sya sa magkabilang balikat.
"Everyone, I would like to introduce Ms. Lia~"
"Yangyang na lang po" singit niya at dahil doon medyo natawa ang mga katulong sa kanya pati na din si Mr. Robert. "Ako na lang po magpapakilala sa sarili ko hehe" Tumango naman si Mr. Robert dito tanda na sumasang-ayon ito sa suhestiyon nya. "Ako nga pala si Lia. Liya Salunga..joke!" Muling natawa ang lahat sa kanya ganun na din si Mr. Robert. "Masyado naman po kasi kayong seryoso lahat samantalang pumasok lang naman po ako dito para maging hardinero. JOKE!!" Muli ay natawa nanaman sila sa pagbibiro ni Lia. "Pwede nyo din po ako tawaging Yangyang. Mas sanay po kasi ako doon. 17 years old pa lang po at ako po ay taga-Quezon." Pagkatapos magsalita ay tumingin ito kay Mr. Robert.
"Si Lia nga pala ang siyang magiging personal maid ni Rob simula ngayon. Kaya makakasama nyo na siya simula din ngayon." Nagsitango naman ang mga maids..
"Manang Gilda!" At lumapit sa kanya ang pinakamatandang maid na halos kaedaran ni Mr. Robert.
"Yes po, Sir Robert."
"Samahan nyo na si Lia sa magiging kwarto nya. Doon na lamang sya sa guest room kung saan ay solo nya ang kwarto dahil siya ay magiging working student." Sumang-ayon naman si Manang Gilda at pinasunod nya sa kanya si Lia. Nagpasalamat naman si Lia kay Mr. Robert bago ito sumunod kay Manang Gilda.
Pagkarating sa room, sobrang namangha si Lia dito. Malaki ang room at halos mas malaki pa ang room na ito kaysa sa bahay nila sa Quezon. May sarili itong banyo at napakalaki ng kama nito. Sa tingin nya ay kasya ang buong pamilya nya dito kung kasama nya lamang ito. Ang mga kurtina na nagtatakip sa bintana ng kwarto ay halatang mamahalin at napakaganda ng mga ito.
"Ah.. Ma'am Gilda.."
"Manang Gilda na lamang Lia" sagot nito sa kanya habang nakangiti..
"Nagkamali po yata tayo ng pinasukan na kwarto. Sobrang laki po dito at nakakailang naman po kung ako lang ang mag-isa dito." Napatawa naman ng bahagya ang matandang babae. "Pero dito daw kita dalhin sabi ng amo natin. Mag-aaral ka pala habang nagtatrabaho, kaya siguro mas minabuti ni Sir Robert na sa solong kwarto ka para hindi ka maistorbo." Napabuntong hininga na lamang si Lia.
Nagkwentuhan pa sila ni Manang Gilda. Nakwento nya rito kung paano sila nagkakilala ni Mr. Robert. At nalaman nyang sadyang matulungin pala ang amo nila. Dahil marami daw talaga itong pinag-aaral at maging ang mga anak o kapatid ng mga nagtatrabaho sa kanya sa Mansyon ay binigyan nito ng full scholarship sa kahit anong kurso na gusto.
"Mabait po ba yung magiging alaga ko? Bata po ba iyon? Wala po kasing sinasabi sakin si Sir Robert basta sabi nya lang ay magiging personal maid ako ni Rob" Tanong ni Lia. Napangiti ng bahagya si Manang Gilda.
"Naku si Roby. Mabait naman ang batang iyan noon. Nasaksihan ko ang paglaki ng bata na iyan mula nung ipinanganak sya. Nagsimula lang sya maging mailap at masungit noong namatay ang girlfriend nya." Nagulat si Lia sa nalaman nya.
"Girlfriend? Ibig sabihin binatilyo na sya kasi may girlfriend na eh."
"23 years old na si Roby ngayon. Limang taon na ang nakakalipas mula ng mamatay ang girlfriend nya at hindi nya pa din ito makalimutan. Pilit na sinasabi namin sa kanya na bata pa sya at makakahanap pa sya ng iba pero nagagalit sya kapag pinagsasabihan sya." Nagugulat sa mga nalalaman nya si Lia pero mas nangunguna ang kaba sa dibdib nya nang malaman na mas matanda pa sa kanya ang pagsisilbihan nya. Nalaman pa nya na hindi matapos tapos sa college si Rob dahil sa kawalan nito ng interest mag-aral mula ng mamatay ang girlfriend nito. HRM din pala ang kurso ng magiging amo nya. Pero buo pa din ang loob nya at nagsisilbing motivation sa kanya ang scholarship na ibibigay sa kanya ni Mr. Robert para matupad ang pangarap nya.