Chapter 2
*Lia's POV*
Natigil ang kwentuhan namin ni Manang Gilda nang kami ay tawagin ng isa pang katulong na si Gemma dahil pinapatawag daw ako ni Sir Robert at ipapakilala na nya ako sa anak nya s***h sa magiging alaga ko. Naeexcite ako na kinakabahan. Ang sabi-sabi ay mailap daw sa tao si Sir Rob, masungit at basta, masama daw ang ugali. Naku! Hindi uubra sa akin yan. Sanay ako magdisiplina ng mga kapatid kong maliliit. Haay sana nga ganun lang kadali iyon.
Sabay sabay na kami umalis sa kwarto ko. Wow! KWARTO KO. HAHAHA. Dinala nila ako sa sala DAW, pero parang mall sa luwag at lawak. Sa malayo pa lang ako ay nakikita ko na si Sir Robert habang may katabi syang magandang babae, ito siguro ang asawa nya. Grabe ang ganda. Kahit may edad na ito ay para pa rin itong bata tignan at napakaglamorosa. Bagay na bagay siyang maging reyna ng palasyo na ito.
"Oh! She's here. Love, she's Lia. Siya ang tinutukoy ko sa inyo. I just met her earlier at the vulcanizing shop." Pambibida sa akin ni Sir Robert at ako'y naooverwhelm.
"Please to meet you, Lia. I'm Sigrid, Robert's wife. Finally, nakilala na kita kasi kanina ka pa kinukwento ng asawa ko sa amin. Nainspire daw sya sa kwento ng buhay mo kaya naman he offered you a job and scholarship. Kaso sabi ko nga bakit mo pa kailangan magwork kung pwede namang scholarship na lang." Grabe napakaganda na nga ni Maam Sigrid, napakahinhin pa ng boses nya at napakabait at para akong humaharap sa isang diyosa ngayon.
"Naku Maam Sigrid, okay na okay po sa akin ang trabaho. Nakakahiya naman po kasi kung bigla na lang ako bibigyan ni Sir ng scholarship, napakaswerte ko naman po kung ganun. Pero sobrang nagpapasalamat po talaga ako sa inyo. Di ko po akalain na makakakilala ako ng tulad ninyo."
"Ehem!"
Lahat kami ay napatingin sa gumawa ng ingay na iyon.
Ang G.W.A.P.O. Promise! Ang tangkad, mukhang ang bango-bango, sakto lang ang kaputian nya, bagsak lang ang buhok nya na gulo gulo na parang bagong gising, yung katawan nya, mamamuscle muscle, iyon para bang feeling safe ka na kapag nasa bisig ka nya. Haaaay!!!
"Oh, my son, Rob. By the way this is Li--"
"Yeah I know." Putol nito sa sinasabi ng ama nya. Okay. Siya pala ang magiging alaga ko. Pero ang bastos. TURN OFF!! Ang bait-bait ng magulang nya tapos ginaganun ganun lang nya. "If I were you Dad, hindi na ako mag-aaksaya ng panahon para hanapan mo ako ng personal maid. For what?! Kayang-kaya ko ang sarili ko." Inis na inis na sabi nya sa daddy nya.
"Because you and Lia will be studying at the same university. Ipapa-enroll ko na kayong dalawa para makapasok na kayo sa darating na pasukan. Si Lia ay freshman at ikaw naman ay magrereturning student para naman makatapos ka na." Sabi ni Sir Robert. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya dahil isasabay nya talaga ako sa University na pinapasukan ng anak nya? Ang swerte ko naman!?
"WHAT???!!!" Sigaw ni Rob. Oo Rob na lang. Ang bastos nya kasi eh. Nakakawalang gana kasi itong irespeto dahil sa ugali nya. "Who told you to do that??!! You didn't even tell me about that!!! Dad, ayaw ko na mag-aral. I don't even want to live anymore! Alam nyo yan dad." Galit na galit sya. Buti na lang may konti na akong nalalaman sa kanya. Naiintindihan ko naman kung bakit sya nagkakaganyan. Pero hindi pa din tama ang ginagawa nyang pagsigaw sigaw sa magulang nya. Nakikita ko din na nakakakapit ng mahigpit si Maam Sigrid sa asawa nito at namumula na ang mata.
*PAK!!!*
"OUCH!!!" sigaw ni Rob habang himas himas ang ulo nya na binatukan ko.
"Bagay sa iyo yan dahil nawawalan ka ng respeto sa magulang mo! Bagay sa iyo yan dahil na din sa pambabale wala mo sa buhay na binigay saiyo ng Diyos. Bakit ayaw mo nang mabuhay eh ang sarap-sarap mabuhay?! Pinag-aaral ka pero ayaw mo mag-aral! Ako gustong-gusto kong mag-aral pero walang pampaaral. Magmove-on ka na!!! Mooooove ON!!!"
Bigla nya akong hinawakan sa braso ng sobrang higpit at napakasakit nun pero saglit lang yun dahil bigla nya din akong binitiwan at nagulat din ako dahil tila may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. At siguro ay naramdaman nya din kaya agad syang bumitaw.
"You don't know the story of my life yet. Baka nga hindi mo pa naranasan ang nangyare sa akin so do not speak as if everything is so easy." Sabi nya sakin ng mata sa mata at binunggo pa nya ang isang balikat ko at nilagpasan na ako.
"Are you okay, Lia?" Pag aalala sakin ni Maam Sigrid. Napakabait talaga nya. Hinawakan pa nya ang braso ko na hinawakan ni Rob. Nakikita pa doon ang bakat ng kamay ng lalakeng yun dahil sa mahigpit na paghawak sa akin. Tumango lang ako bilang tugon.
Natawa naman ng bahagya si Sir Robert. Nahawa na din tuloy si Maam Sigrid. Ang cute nilang tignan.
"Why are you laughing, Love? What's so funny?" Tanong ni Maam. Nakakatuwa naman si Maam. Nakikitawa sya pero hindi pala nya alam ang pinagtatawanan.
"Naalala ko lang kasi ang mukha ni Rob noong binatukan sya ni Lia. First time lang siguro nya mabatukan ng babae ng sobrang lakas. Hahahaha" Natawa na din tuloy ako dahil nakakatawa naman talaga ang reaction ni Rob. Ewan ko ba pero di ko kasi napigilan ang sarili ko.
"Sorry po, nagawa ko iyon sa anak ninyo." Natatawa ngunit nakayuko ako ng magsalita.
"That was okay, Lia. And I think, hindi nagkamali si Robert ng pagpili sa iyo. Mukhang ikaw na ang makakapagpatino sa bunso namin. How I wish." Sabi sa kin ni Maam habang nakangiti. Para bang natutuwa pa ito sa nagawa ko.
Nag-usap pa kaming tatlo sa magiging set-up. At nakakaloka dahil ang laki ng offer na sahod sakin ng mag-asawa bilang personal maid ng anak nila. Bukod pa ang monthly allowance na matatanggap ko para sa gastusin sa school. Ang swerte ko dahil libre na ang accomodation, libre pa ang pagkain at lahat-lahat. Ang pinoproblema ko na lang ngayon ay kung paano ako mapapalapit sa alaga ko kung alam ko namang unang pagkikita pa lang namin ay galit na ito agad sakin dahil sa ginawa ko kanina.
-
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pumunta ako sa kusina. Muntik pa akong magkandaligaw-ligaw dahil sa laki ng bahay. Medyo alam ko na rin naman ang mga kwarto dito dahil sinamahan ako ni Manang Gilda sa buong bahay para ilibot. Naabutan kong nag-uusap ang mga katulong doon habang nagkakape at yung iba ay abala na sa pagluluto at paghahanda ng agahan. Parang nabanggit nila na mag-out-of-country ang mag-asawang amo namin at maiiwan nanaman ang bunso nilang anak. Binati ko naman silang lahat ng magandang umaga. Maghahanda sana ako ng almusal ng alaga ko para peace offering pero mas nanaig sa akin ang pagkachismosa kaya nakinig na lang muna ako sa kwentuhan nila. Nalaman kong madalas palang wala sa bansa ang mag-asawa dahil sa business nila sa ibang bansa at ang naiiwan sa business nila dito sa Pinas ay ang 2 pa nilang anak. At mas nawindang ako ng malaman ko na mamaya na agad ang flight ng mag-asawa at maiiwan na kami dito sa mansyon.
Naku! Kailangan ko talaga makasundo si Rob kasi kung hindi, paano ko magagampanan ang pagiging personal maid nya kung di kami magkasundo. Ano kayang gagawin ko?
Nagtanong-tanong ako kay Manang Gilda sa mga gusto at ayaw na gawin ni Rob. Anong pagkain ang paborito? Mga bagay na palagi nyang ginagawa.. Ngayon ko lang narealize na ang hirap pala ng trabaho ko.
Napagpasyahan ko na lang na tumulong sa paghanda ng breakfast. Tinulungan ko si Manang Gilda sa pag-ayos ng mesa. Nang maayos ay pumunta ako sa kusina para na din sabihan ang iba na maaari nang ihain ang mga pagkain at tumulong na din ako sa paghakot ng mga pagkain. Pagpunta sa dining room ay nandoon na ang mag-anak. Ang aga naman nila at kahit umagang-umaga ay parang ready-to-go na agad sila dahil sa mga bihis nito.
"Oh! Good morning, Lia. Sit down and join us for breakfast." Pagyayaya sakin ni Maam Sigrid. Hala! Nakakahiya naman. Napatingin ako sa side ni Rob, nakatingin din pala ito sa akin at nung nagtama ang paningin namin ay umirap ito sa akin. Baklang tuuuu
"Ay! Hindi na po Maam. Salamat po. Aasikasuhin ko na lang po si Sir Rob." Sabi ko sabay tingin uli kay Rob na nakangisi at umiiling-iling.
"Paano mo ako aasikasuhin? Susubuan mo ako ng pagkain like a child? You'll give me water to drink when I choke?" Sabi ni Rob sabay tawa ng malakas. Nakakatawa ba yun? Siya lang ang natawa sa sinabi nya. Kawawa naman ito hindi bumenta ang joke nya.
"Iyon po ba ang gusto mo Sir Rob? Sige po kung iyon nga ang gusto mo." Nakangiti kong sabi. Napatingin naman ng masama sa akin si Rob sabay ngisi at sabay sabing, "Okay."
Okay talaga. Umupo ako sa tabi nya at kinuha ang kutsara at tinidor. Kumuha ng kanin at ulam, at susubuan ko na sya pero ayaw naman nya ibuka ang bibig nya.
"Aah aah!!" Sabi ko na nakanganga din dahil ayaw naman nya ibuka ang kanyang bibig. Umiling-umiling ito na para bang bata na ayaw kumain. Nagcrossed arms pa ito. Aba!
"I'm not in the mood to eat rice this morning. Just slice an apple for me." Request nito. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Kasi naman kung umasta parang bata pero yung mismong nagsasalita ay damuho naman. Kumuha ako ng apple at agad akong pumunta sa kusina para hugasan at hiwain ito. Bumalik agad ako sa dining room. Itinabi ko ang plato nyang may kanin at ulam at pinalit ang plato ng apple.
"Okay, makakaalis ka na. Kaya kong kumain ng mag-isa. Nawawalan kasi ako ng gana kapag nakikita iyang.." natigilan ito sa pagsasalita at tumingin sakin. "..that.. that ugly face of yours." Sabay irap. Ang bakla talaga nito.
Tinaasan ko sya ng kilay, "Okay, Sir. Okay po, masusunod po. SALAMAT PO HA!". Inemphasize ko talaga ang salitang salamat kasi nahiya naman ako sa kanya eh. Imbes na magpasalamat ay nanlait pa talaga. Oo na. Panget talaga ako, pero kapag ako gumanda, di kita papansinin. Makikita mo.
Nakarinig naman ako ng mahihinang tawa mula kina Sir Robert at Maam Sigrid.
"By the way, Lia. Aalis na muna kami ni Sigrid. Ikaw na muna ang bahala kay Roby. Matagal-tagal kaming mawawala. You have nothing to worry about in your university requirements because my secretary will take care of it." Sabi ni Sir Robert. Hindi na ako nagulat sa sinabi nya pero nagkunwari akong nagulat para kunwari kakaalam ko lang.
"Hala! Ganun po ba Sir. Mag-iingat po kayo sa biyahe nyo. Pero~"
"No buts. BUT I have an offer for my son para naman mamotivate sya."sabi ni Sir Robert sabay tingin kay Rob. "If you finish your studies, I will help you to have the restobar you want. Regalo na din namin iyon sa iyo ng mommy mo." Nanlaki ang mata ni Rob at napanganga naman ako. Wow! Sana all bongga magregalo.
"In one condition, dad." Hirit naman ni Rob. Aba! May pakondisyones pa eh sya na nga ang bibigyan ng negosyo pag nakagraduate sya.
"I'm not yet done, son. Ibibigay namin yun hindi lang kapag nakagraduate ka, iyon ay habang nananatiling personal maid mo si Lia."
"WHAT!!?? That's unbelievable!" Naiinis nanaman si Rob. Hmp! Akala mo naman ay gustong-gusto ko din itong maging amo, kung hindi lang sa offer na monthly allowance, salary at scholarship ay tatanggi na lang ako.
"Ano nga pala ang isang kondisyon mo, anak?" Tanong ni Sir Robert. Sinimangutan lang sya ni Rob. Parang bata. Natawa na lang si Sir Robert dahil siguro nabasa nya ang nasa isipan ng anak.
"Love, baka malate na tayo sa flight natin." Sabi ni Maam Sigrid. "We need to go to the airport now. Rob baby, magpakabait ka na. Ang ganda na nang offer sa iyo ng dad mo. Huwag mo sanang sayangin ang opportunity. And Lia, tiwala kami sa iyo. Sana magkasundo na kayo ni Rob, ha?" Nakangiting sabi ni Maam Sigrid at tumayo na. Humalik muna siya kay Rob at niyakap ang anak bago sila umalis.
Okay, so ano na? Kailangan ko na bang patatagin pa ang sarili ko para lang makapagtapos? Kailangan ko na rin bang pahabain ang pasensya ko? Haaay Rob, mapapatino din kita.