Chapter 3
Pagkaalis ng magulang ni Rob ay umalis na din ito sa hapag kainan. Sinenyasan naman agad ako ni Manang Gilda na sundan si Rob. Kahit ayaw ko sundan ay sinundan ko pa rin. Nagsisimula na ako magtrabaho ngayon. Buwan pa lang naman ng Abril. Medyo matagal pa bago magpasukan kaya naman ay marami pa akong oras para makasundo itong si Rob at para matanggap niya ako bilang personal maid nya.
"Sir Rob! Saglit lang po." Pero tuloy tuloy pa din sya sa paglalakad. Paakyat sya ng hagdan, pupunta yata sa kwarto nya. Hindi nya ako pinapansin. Binilisan ko ang pagtakbo ko hanggang sa maabutan ko sya at nauuna na ako sa kanya. Napatigil naman ito sa paglalakad. "Can you please stop following me?! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo eh." Sabi nya sa akin.
"Grabe ka naman, Sir. Hindi naman ako pangit ah!!" Angal ko.
"Sobrang pangit mo kaya! Hindi ka maganda makita sa umaga, napakapangit mo. Una, nawalan ako ng gana kumain, pangalawa, nawala ako sa mood at sana naman huwag ka ng pumangatlo pa." Ouchiness!!!! Pangit ba talaga ako? As in pangit na pangit?? Hinampas ko sya ng malakas sa braso nya, nagulat sya sa ginawa ko. Para akong matatawa o magsosorry ba ako kasi gulat na gulat sya na para bang ngayon lang may gumanon sa kanya.
"Ang pangit mo na nga, mapanakit ka pa!!! Tumabi ka nga jan sa harap ko!" Sabi nya sa akin at nagpatuloy sya sa paglalakad nya. Ang kapal talaga nito. Pero sinundan ko pa din sya.
"Eh kasi grabe ka naman makapagsabi na pangit ako. Ikaw nga jan eh, ang gwapo mo nga, ang baho mo naman!" Natawa ako sa nasabi ko, wala akong maisip eh. Napatingin naman sya sa akin sa likod.
"Excuse me? Ako mabaho?" Nakataas pa ang kilay nito.
"Oo! Mabaho ka, mabaho ang pag-uugali mo. Mas masahol pa sa basura. Nakakasuka!" Sabi ko with matching paduwal-duwal pa.
"Edi umalis ka na. Nakakasuka pala eh."
"Eh kapag umalis naman ako, wala kang restobar. Pero kung pinapaalis mo na ako, sige na nga, mag aalsa balutan na ako." Nagkunwari pa akong pababa na ng hagdan ng hawakan nya ako sa kamay. Binitawan nya lang din ang kamay ko. Nagkatinginan kami.
"Yuck! Germs!" Pinapagpagan pa nya kamay nya na para bang diring-diri dahil sa pagkakahawak nya sa kamay ko. "Oh ano pang ginagawa mo? Linisin mo na ang kamay ko dahil may nahawakan akong germs." Imbes na mainis ako sa sinabi nya ay natuwa na lang ako. Kasi ibig sabihin noon ay tanggap na nya ako bilang personal maid nya.
"Opo, Sir Rob." Sabi ko sa kanya.
"Don't call me 'Sir Rob'.. Call me 'Master Rob' instead."
Aba! Aba! Hmp! Nagdemand pa. Ngumiti na lang ako. "Copy po, Master Rob." At nagroll eyes ako. Ang arteee!!
"Don't roll your eyes at me, I saw that. Don't do that again or else I will remove your eyes." Sinabi nya sa akin habang naglalakad na uli pataas ng hagdan.
"Sorry po, Master."
Sinundan ko lang sya hanggang sa makarating kami sa kwarto nya. Noong binuksan nya ang pinto ay napatigil sya. Napatingin sya sa akin.
"You know what, hindi ko alam kung bakit bigla akong binigyan ng personal maid ni daddy. Hindi talaga ako komportable." At binuksan na nya ng tuluyan ang pinto. Pasunod na sana ako sa kanya sa loob ng bigla itong humarap sa akin. "Ayaw sana kitang papasukin sa kwarto ko, pero wala akong magagawa. Alam mo ba na sa lahat ng maids dito, ikaw pa lang ang pinansin ko after 5 long years? Sa totoo lang, gusto kong mapag-isa." Tinalikuran na nya ako at sinenyasan ako na sumunod sa kanya. Nagugulat ako sa mga pinagsasabi nya. Talaga ba? After 5 years, ako pa lang ang una nyang kinausap bukod sa parents nya?
Pinasunod nya ako sa kanya. Nilibot nya ako sa buong kwarto nya. Parang nandito na lahat, bahay sa loob ng bahay. At dahil mabilis naman ako maka-kabisa ng mga bagay bagay kaya naman tanda ko na agad ang mga gamit ni Rob. Infairness, natutuwa ako sa nangyayare kasi bati na nya ako. Kanina lang halos aso't pusa kami, tapos ngayon, bati na kami agad. Mabait naman pala sya.
Pumunta sya sa medicine kit at kumuha ng alcohol. Binìgay nya sa akin ito at nilahad ang kamay nya. Nilagyan ko naman sya ng alcohol sa kamay. Haay! Di pa din pala nya nalimutan na nakahawak sya ng germs. Kainis! Ako lang naman ang nahawakan nya ah.
Pagkatapos nun ay may kinuha syang maliit na bagay sa drawer nya at nagsuot ng headphone. Humiga sya sa kama nya at pumikit. Mga ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay napamulat ito. Tinanggal nya ang headphone.
"What?" Bigla nyang tanong sa akin. Ako naman ay biglang nagtaka at di ko alam ang isasagot sa kanya. Napatanga lang ako sa kanya. "Tatayo ka na lang ba jan at titignan ako? If you want to leave, then leave. Hindi mo naman ako kailangan bantayan."
Parang napahiya ako doon ah. Kasi naman nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng utos nya. Ganun kasi yun diba? Pero hanggang doon na lang ba kami ngayon? Ngayong tanggap na ako si Rob, dapat ay mas makilala ko siya at makilala nya din ako kung gusto nya. Sa tingin ko, alam ko na ang misyon ko. Gusto siguro nila Sir Robert na magkaroon ng kaibigan si Rob at matuto uli makipagsocialize. Kasi pansin ko na mailap talaga sya. Gusto kong malaman ang past ni Rob pati na rin ang nangyare sa girlfriend nya. Papairalin ko ngayon ang pagiging tsismosa ko.
"Ah.. Sir Rob gu~"
"Sir?" Sabi nya kaya naputol ang sasabihin ko. Magroroll eyes sana ako kaso tatanggalin daw nya ang mata ko kapag ginawa ko uli yun eh.
"Master Rob, gusto ko kasi sanang makipagkwentuhan sa iyo. Magkwento ka sa buhay mo. Makikinig ako." Tila nagulat si Rob sa sinabi ko. Parang first time lang yata nya magkukwento sa ibang tao. Natulala sya at nangunot ang noo. Ayaw nya yata. Pero okay lang, kung di ko sya mapilit ngayon, meron pa namang ibang araw.
Pero bigla syang bumangon at umupo, tinap nya ang gilid nya, senyales na pinapaupo nya ako sa tabi nya. Sumunod naman ako agad. Baka magbago pa isip eh.
"This is the first time that I will tell a story, so listen carefully." Napatango na lang ako sa sinabi nya. "Ano bang gusto mong ikwento ko?"
"Kung bakit po kayo hindi pa nakakapagtapos ng college." Nalungkot ang mukha nya.
"Because my girlfriend died." Napabuntong hininga sya. "She's my first girlfriend, but she's not my first love, pero mahal na mahal ko sya. First year highschool nang niligawan ko sya, sobrang ganda kasi nya." Nakikita ko sa mga mata ni Rob na nagniningning ang mga yun at napapangiti sya. Sa simpleng pagkukwento nya tungkol sa girlfriend nya ay nasilayan ko din ang ngiti nya.
"Classmate ko sya. Nung 2nd year na kami, sinagot na nya ako. Hanggang sa nakagraduate kami ng highschool. At nagcollege, same university. Same course. Until one day, nalaman namin na may bone cancer sya. Mabilis ang pangyayare. Halos hindi na ako pumasok dahil ako ang nagbabantay sa kanya sa hospital. Pero huli na ang lahat dahil malala na pala ang cancer nya." Medyo napipiyok na si Rob habang nagkukwento. Namumula na ang ilong nya at mata. At ako naman, tulo uhog na. Pero hindi ko pinapahalata dahil nakakahiya naman. "And on our anniversary, she died. I even witnessed her last breath. Alam kong lumaban sya pero yung katawan na nya ang sumuko." Napapasinghot na si Rob. Pagkatingin ko sa kanya, parang gripo na ang mga mata nya. Sobrang sakit. Nakakadurog ng puso. Maski ako ay parang tinutusok sa puso sa kwento nya.
Niyakap ko sya. Kung itutulak nya ako ay maiintindihan ko. Pero sumubsob lang sya sa balikat ko. Hinimas ko ang likod nya. Kung pwede ko lang kunin ang sama at bigat ng loob nya ay ginawa ko na para mabawasan ito.
"Mahal na mahal ko sya, Lia. Wala na akong ibang babae na pinangarap mula ng maging kami. May mga nabuo na kaming pangarap kahit bata pa kami noon. But how can that be fulfilled without the woman I love the most. Kaya yung salitang move-on? Hindi ko alam yun. It is so easy to say but very hard to do. Noong nawala sya, gumuho ang mundo ko. Kasabay nang pagkamatay nya ang lahat. Mga pangarap. Bahay. Kasal. Anak. Business na naiisip namin itayo. At Kami. Paano pa masasabing KAMI kung ako na lang?"
Iyak kami ng iyak. Gusto ko na syang patigilin kasi sobrang nasasaktan na din ako sa kwento nya. Sa naranasan nya, mas gugustuhin ko pa ang naging buhay ko dahil kahit mahirap ay buo pa din naman kami. Tinanggal na nya ang mukha nya sa balikat ko at basang-basa na ito. Pinunasan nya ang luha nya ng damit nya at..
"You can leave now. I want to be alone."
Ayaw ko. Gusto ko dito lang ako. Hindi ako tumayo at umalis sa tabi nya. Alam kong kailangan pa nya ako. Kahit ipagtabuyan nya pa ako, hindi ako aalis ngayon dito.
"What are you waiting for?" Ang kaninang iyak ng iyak, nagmamataray nanaman.
"Dito lang ako, Master. Mamaya magpakamatay ka diyan eh." Natawa naman si Rob sa sinabi ko. "Charot lang, Master. Pero di ako aalis sa tabi mo. Dito lang po ako. Gusto mo magkwento ako ng nakakatawa?"
Kahit hindi sya nag-oo ay nagkwento ako ng nakakatawa. Buhay ko ang kinuwento ko, yung mga nakakatawang bagay, pati ang pagtatrabaho ko ng mga panlalake ay kinuwento ko. Di naman ako nabigo dahil tawa naman kami ng tawa ngayon ni Rob. At natutuwa ako dahil napapatawa ko na sya. Komportable na ako sa kanya at sa tingin ko ay ganun na din sya sa akin.