Chapter 5
Hinila na ako ni Master Rob papunta sa kwarto nya. At nang makarating doon ay bigla nya akong sinama sa pagbagsak namin sa kama nya. Nakaunan ang ulo ko sa braso nya at huminga sya ng malalim. Bigla din itong tumawa.
"Anong nangyayare sa iyo Master? Bigla ka na lang jan tumatawa?" Tanong ko.
"Kasi naman palagi na lang kami minamatch nyang si Chelsea. Everytime na uuwi sila mom and dad galing abroad, nakasunod na lagi si Tita Clarissa para ilapit sa akin ni Chelsea. Pero palagi naman silang nagfefail. Obvious naman siguro na hindi ako interesado." Paliwanag sakin ni Master Rob.
"Eh bakit naman hindi ka interesado? Maganda naman si Chelsea." Labas sa ilong kong sabi dahil di pabor sakin ang sinabi kong maganda si Chelsea dahil napakamaldita nya.
"As I told you before, ikaw lang ang unang pinansin ko na kasama sa bahay after 5 years. Aloof ako noon. At kahit nagbago na ulit ako ngayon, ayaw ko pa din sa kanya. Si Tita Clarissa lang naman ang may gustong mapaglapit kaming dalawa eh." Paliwanag nya.
"Okay, sabi mo eh. Magpapahinga na din ako. Punta na ako sa kwarto ko ah." Sabi ko nang hawakan nya ang kamay ko pero binitawan nya agad dahil meron nanaman akong naramdaman na kuryente. Naramdaman din siguro nya pero hindi lang namin napag-uusapan. "Bakit Master Rob?" Sabi ko habang nahikab.
"Papakin natin yung sinampalucang manok."
Ay sows! Sabi nya kanina busog na sya, yun pala ay gusto pang ubusin ang luto ni Nanay.
Binuksan nya ang elevator sa room nya at nandoon ang mga bag na dala namin kanina. Kinuha nya ang bag at kinuha ang sinampalucang manok. Nakalagay naman iyon sa tupperware kaya kumuha na lamang ako ng kutsara at ready to eat na.
"Ang sarap talaga! Ang linamnam mula sabaw!" Sabi ni Master Rob. Napangiti naman ako dahil luto iyon ni Nanay at masarap talaga ito magluto.
Nang matapos ay hinugasan ko na ang pinagkainan. Palabas na sana ako ng kwarto ni Master Rob nang biglang may kumatok at bumukas ang pinto. Iniluwa ng pinto si Maam Sigrid at Sir Robert. Kapwa sila nakangiti sa amin.
"Hello, Lia. Bababa ka na ba? Dito ka muna. Let's talk." Sabi ni Maam Sigrid ng nakangiti. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ano. Eh kasi naman, isasama pa nila ako sa pag-uusap nila.
Naupo ang mag-asawa sa sofa sa kwarto ni Master Rob. Naupo na din ako sa kaharap na upuan nito at kasalukuyan kaming magkatabi ni Master Rob.
"I'm so glad sa nakikita ko. Pagpasok nyo pa lang kanina ay ramdam ko na napakagaan ng lahat. Effective personal maid pala itong Lia." Sabi ni Sir Robert. Masaya ako sa sinabi nya dahil satisfied sila sa kung anong pagbabago ni Master Rob.
"Ang tagal kasi naming nawala. Hindi na tuloy namin nasubaybayan ang pagiging malapit nyo sa isa't-isa. I also heard na lahat na ng tao dito sa bahay ay kinakausap mo na anak." Sabi naman ni Maam Sigrid habang nakatingin kay Master Rob.
"I have changed a lot or should I say, bumalik na ako dati. Thank you Dad for giving me a personal maid like Lia. Kaibigan lang pala ang kailangan ko na masasabihan ko ng lahat-lahat." Sabi ni Master Rob. Parang sasabog ang puso ko sa saya kasi naaappreciate ako nitong lalakeng ito.
"Naku, sir! Sobrang ginanahan lang kasi si Master Rob sa parestobar mo kapag nakagraduate sya." Sabi ko naman. At tila nag-iba ang ekspresyon ng mag-asawa sa nasabi ko.
"Master Rob?" Takang tanong ni Maam Sigrid.
Natawa naman ako. At noong tumingin ako kay Master Rob ay nakayuko ito habang nakangiti. Tila nahihiya sa napansin ng magulang nya na tawag ko sa kanya.
"Opo Maam Sigrid. Yun po kasi ang gusto nyang itawag ko sa kanya. Tapos sya naman, ang tawag nya sa akin ay panget. Diba po, ang sama nya." Sumbong ko sa kanila. Natawa naman ang mag-asawa. Bakas sa mga mata nila ang labis na kaligayahan sa pagbabago ng anak nila.
"Anyways, anak. Gusto sana ng Tita Clarissa mo na dumito muna ang unica hija niyang si Chelsea dahil mag-oout-of-country din sila ng husband nya for their business. At dahil malapit na magstart ang classes, at same school naman kayo ay pwede na kayo magsabay-sabay pumasok." Sabi ni Maam Sigrid. Nagulat naman kami ni Master Rob pero mas halata ang pagkagulat sa mukha nya.
"But mom, bakit naman kayo pumayag? If I know, ginagawa nyo nanamang hakbang ito para mapalapit sya sa akin." Sagot ni Master Rob. Halatang ayaw nya kay Chelsea. Buti nga kay Chelsea.
"Of course, not. Humingi lang naman ng favor ang Tita Clarissa mo at hindi nya kasi alam kung gaano sila katagal sa ibang bansa. " paliwanag naman ni Maam Sigrid. Napabuntong-hininga naman si Master Rob. Parang bata na hindi napagbigyan.
Sabay-sabay na kami umalis sa kwarto ni Master Rob. At saka naman nabanggit sa akin ni Sir Robert ang tungkol kay Chelsea.
"Oo nga pala, hija. Hindi pa kasi namin napaready ang guest room na gagamitin sana ni Chelsea, biglaan kasi. Okay lang ba na dalawa muna kayo sa room?" Tanong sakin ni Maam Sigrid. Agad naman akong sumang-ayon. Sino ba naman ako para tumanggi? Kahit ayaw ko ay wala akong karapatan na umayaw. Magtitiis na lang ako, total, ngayong gabi lang naman eh.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay napalitan na ang bed sheets at punda ng unan. Nakita ko naman sa tapat ng salamin si Chelsea habang nakaupo at nagsusuklay ng buhok. Nakasuot na din ito ng pangtulog. Sa katabi ng higaan ay may matress sa lapag at may unan. Doon siguro si Chelsea mahihiga dahil lilipat na rin naman sya ng room bukas.
Naupo ako sa kama.
"Sinong nagsabing umupo ka sa kama ko? Doon ka oh!" Sabi ni Chelsea sabay turo sa matress sa lapag. Nagulat naman ako dahil, WOW! Ako pa talaga ang mahihiga diyan? Sya na nga itong makikitulog.
"At sino ding nagsabi na kama mo iyan?? Para sabihin ko sa iyo, makikitulog ka lang dito dahil bukas ay lilipat ka na din naman sa ibang kwarto!" Sagot ko naman kay Chelsea. Naku ha! Pagod ako kaya huwag ako. Binato naman ako ni Chelsea ng hawak nyang suklay at tumama ito sa pinto. Binelatan ko sya at lalo itong naasar sa akin.
"How dare you!? Saan ka bang lupalop ng mundo napulot nina Tito Robert at Tita Sigrid?! Hindi ka ba marunong rumespeto?!!!" Sigaw sa akin ni Chelsea. Respeto? Coming from you?
Sinugod nya ako at sinabunutan ang buhok ko. Natumba ako at nakahiga na sa sahig at nakaupo na nakapatong na sa akin si Chelsea. Pinagsasampal nya din ako. Hindi ko alam kung saan sya humuhugot ng galit sa akin samantalang iyon lang naman ang ginawa ko sa kanya.
"FYI, nagkasundo na ang parents ko at ang parents ni Roby na kami na ang magkakatuluyan in the future. Kaya, kahit hindi pa kami kasal, ituring mo na ako agad na amo mo. Or else, ipapatanggal kita!!" Sigaw sa kin ni Chelsea habang patuloy lang sa p*******t sa akin.
Nang makahugot ako ng lakas ay natulak ko naman sya para makaalis sa katawan ko. Napalakas ang tulak ko sa kanya kaya tumama ang likod nya sa gilid ng kama. At sakto namang napabukas ang pinto at iniluwa noon sina Maam Sigrid, Sir Robert at si Master Rob.
Napaiyak naman si Chelsea habang nagkukunwaring masakit ang likod nya. Sa sitwasyon namin, parang siya pa ang kaawa-awa at siya ang naagrabyado.
"WHAT THE HELL IS GOING ON HERE!!??" Sigaw ni Master Rob.
Agad na tumakbo si Chelsea kina Maam Sigrid at nagsumbong. Tila binabaliktad ako ni Chelsea.
"Tita, it seems like she was mad at me. Maybe because she doesn't want me to be with her in this room. Look oh, sumakit ang likod ko because she pushed me hard." Sabi ni Chelsea habang paiyak-iyak pa ito. Nag-aalala naman si Maam Sigrid sa kanya. Si Sir Robert ay tila hindi makapaniwala.
Nilapitan ako ni Master Rob. Inayos nya ang buhok ko. Hinawakan nya ang mukha ko at medyo mahapdi iyon. Doon pa lang ako naiyak. Dahil nararamdaman kong hindi sya naniniwala kay Chelsea at kinakampihan nya ako. Pinunasan nya ang mga luha kong nag-uunahan sa pagtulo sabay lingon kina Chelsea.
"Who are you to hurt my personal maid like this?! Do you think we will believe you?! Sa gulo ng buhok nya at sa bakat ng kamay mo sa mukha nya, siya pa ang galit sa iyo?!!" Sigaw nito kay Chelsea. Natigilan naman si Chelsea dahil napahiya ito. "If you don't want to be with Lia tonight, doon na lang sya sa kwarto ko magpapalipas ng gabi." Pagkatapos nyang sabihin iyon ay hinila na nya ako. Napatingin pa ako ng gulat kina Maam Sigrid at Sir Robert, pero nakita ko ang pagsang-ayon nila kaya nagpahatak na lang din ako kay Master Rob.
Nang makarating kami sa kwarto niya ay agad syang pumunta sa medicine kit. May kung ano pa siyang inasikaso at maya-maya lang ay may malamig nang nakadampi sa pisngi ko. Hinawakan ko ang icebag para ako na ang maghawak pero tinabig nya ang kamay ko.
"Ako na." Sabi nya. "Tsk.tsk. grabe talaga ang babaeng iyon."
Sa totoo lang kasi, feeling ko namamaga na ang pagmumukha ko dahil sa mga malalakas na sampal na natamo ko kay Chelsea. Pero hindi ko na iyon ininda dahil may hindi maalis sa aking isipan at may konting kirot itong naidulot sa puso ko. Hindi ko maintindihan pero feeling ko ay nabobrokenheart ako.
"Ano ba ang nangyare?" Tanong nya. Kinuwento ko naman ang lahat maliban sa ibang nasabi ni Chelsea. At sobra syang nanggagalaiti sa galit dahil sa pagiging bayolente ni Chelsea.
"Pero may sinabi pa sya habang sinasabunutan ako at pinagsasampal." Napayuko ako pagkasabi ko noon. Sasabihin ko ba? Kapag nalaman ko ang totoo, feeling ko sobra akong masasaktan.
"Ano naman iyon?" Takang tanong nya.
"Sabi nya..
Nagkasundo na daw ang magulang nyo para kayo ang magkatuluyan sa future." Hindi pa din ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung bakit.
"Oh? Bakit parang nalulungkot ka?!" Sagot nya sa akin. At nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Umiral nanaman ang pagiging maloko nito. Di ko tuloy maiwasan mapangiti.
"Hoooooy!!! Ang kapal mo! Bakit ako malulungkot!!??" Sagot ko na pigil ang tawa. Nag-iinit nanaman ang pisngi ko.
"Magdedeny ka pa eh halata naman! Bakit parang apektado ka sa sinabi nya? Nakita mo ba mukha mo? Kapag pigil ang ngiti mo, lalong tumataba ang pisngi mo at nakalabas na pati gilagid mo!!!" Sabi nya sabay tawa ng malakas. Pinagpapalo ko naman sya at sinabunutan ng mahina. Nakakainis kasi eh!! Ang yabang-yabang!!!
Nang matapos sya sa pag-asikaso sa akin ay nagyaya na siyang matulog.
"Let us sleep. We're both tired and kanina ko pa talaga gustong matulog. Good night." Sabi nya sakin at sabay pikit.
"Ah..eh.. dito din ba ako matutulog? Dito sa kama mo? Magkatabi tayo?" Alanganin kong tanong. Babae ako at lalake sya, hindi magandang makita na magkatabi sa kama ang tulad namin.
"Huwag kang mag-alala, hindi naman kita mamanyakin. Oh baka naman ikaw ang may binabalak sa akin?" Sabi nya habang nakapikit pero nakangiti. Nahampas ko tuloy sya ng unan.
At ang ending ay magkatabi nga kaming natulog.