Chapter 6
Nagstart na ang klase. At dahil pare-pareho kami ng oras ng first class ay sabay-sabay na kaming hinatid papuntang school.
Pumwesto ako sa katabi ng driver habang si Master Rob naman at si Chelsea ay magkatabi sa likod. Walang pansinan sa aming tatlo. Lalo kami ni Chelsea. Never na kami nagpansinan matapos ang insidente namin maliban na lang noong kinausap kami nina Sir Robert at Maam Sigrid at pinag-ayos kami. Pinag-sorry nila sa akin si Chelsea at ganun din ako sa kanya kahit na labag sa puso't isipan ko.
Si Master Rob naman ay nakakatawa ang mukha habang natatanaw ko sila ni Chelsea sa salamin. Hindi maipinta ang mukha ni Master Rob. Maya-maya ay nadako ang mata ni Master Rob sa salamin kaya nagkatinginan kami. Kapwa kami nagpigil ng tawa at nang hindi na namin kaya ay tumawa na kami.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?!" Sabay naming sabi ni Master Rob at nagtawanan nanaman kaming dalawa. Hindi ko maiwasang tumingin kay Chelsea at hindi nga ako nagkakamali dahil hindi na rin maipinta ang pagmumukha nya, nagroll eyes pa sya tsaka tumingin sa bintana.
Nang makarating kami sa University ay sobrang namangha ako sa sobrang ganda. Mga nakakotse din ang mga estudyante doon at halatang mayayaman. Masasabi kong pangmayaman talaga ang University na ito. Napakalawak at napakaaliwalas tignan. Feel na feel ko talaga ang pagiging college ko nito.
"Sabay na tayo, pangit. Total magkabuilding din naman tayo eh. Tutulungan na din kita mahanap ang room mo." Alok sa akin ni Master Rob.
"Wait! How about me?!" Hirit naman ng paepal na si Chelsea. Sali sali din eh, di naman kinakausap. Char! "Diba kabilin-bilinan ni Tita Sigrid, lagi tayong magkasama Roby? Dapat ako ang tutulungan mo na mahanap ang room ko." Sabi pa nya. Nakasimangot pa ito at tila batang nagpapacute.
"Eh ano bang course at section mo?" Tanong ni Master Rob sa kanya. Nagningning naman ang mga mata ni Chelsea dahil pinansin sya ni Master Rob.
"HRM 1-A. Sa Room 203 Gat. Jose Rizal Bldg."
Nagulat naman ako sa sagot nya dahil pareha pala kami ng section at course. Naku kapag minamalas ka nga naman. Kaklase ko pa talaga itong maldita na ito.
"Seriously? Magkaklase kayo ni pangit?" Takang tanong ni Master Rob. Napatango na lang ako at nagcrossed arms naman sabay irap si Chelsea. "Okay, then." Sabi ni Master Rob at nagsimula na kaming maglakad patungo sa building namin. Nang makarating sa harap ng room ay nagpaalam na sa amin si Master Rob at pumasok na ako sa classroom. Naupo ako sa second row at si Chelsea naman ay sa unahan. Hindi pa ganoon kaingay dahil siguro hindi pa kami magkakakilala. Maya-maya ay nakita ko na lang na may kaibigan na si Chelsea sa classroom. Samantalang ako, wala pa ako katabi. Haaay! Ang boring naman.
Napapasin ko na sumusulyap sakin si Chelsea at kapag nagkatinginan kami ay iniirapan nya ako, ganun din ang napapansin ko sa bago nyang kaibigan, tinatarayan na din ako kahit na wala naman akong ginagawa sa kanya.
"Hello miss. May nakaupo dito?" May nagtanong sa akin na isang cute na babae. Ang ganda nya, para syang korean dahil sa pormahan nya, sa buhok at sa make-up. Umiling naman ako at napangiti sya sa akin.
"Tabi tayo ha. Hi! My name's Marichu. And you?" Sabi nya sa akin at inilahad ang kamay nya.
"Ako nga pala si Lia." Sagot ko at nakipagkamay ako sa kanya. Marami-rami na agad kaming napagkwentuhan ni Marichu nang may magtanong uli sa akin kung may nakaupo na ba sa bakanteng upuan. Napakurot sa akin si Marichu at tila kinikilig.
"Ay wala. Bakante yan." Sagot ni Marichu. Tumabi na din sa akin ang lalake. "Hi! I'm Marichu." Sabay abot ni Marichu ng kamay nya at tinanggap naman ito ng lalake. "I'm Liam." Dinudutdot naman ni Marichu ang tagiliran ko. Ewan ko ba sa babaeng ito, nakakahiya kasi baka nahahalata ni Liam ang ginagawa niya. Tumingin naman sakin si Liam at sya naman ang nag-abot ng kamay sa akin, "A-ahm, I'm Lia." Nashock naman si Liam dahil halos magkapareha na kami ng pangalan. At hindi din nagtagal ay dumating na ang aming prof sa unang subject. Nagpakilala muna kami isa-isa bago sya magstart sa pagtuturo.
Mabilis na lumipas ang oras, 12pm na. Lunch break na. May 2 na agad akong nakilala. Si Marichu at si Liam. Kilala ko na din naman ang mga classmates namin, pero atleast may 2 na agad akong kaibigan.
Sabay-sabay na kaming naglunch. Palinga-linga naman ako dahil baka makita ko si Master Rob.
"May hinahanap ka ba?" Takang tanong sa akin ni Marichu sabay tumingin sya sa akin ng nakakaloko. "Siguro naghahanap ka ng gwapo no?" Sabay tawa ni Marichu. Natawa din si Liam sa sinabi ni Marichu.
"Hooooy! Di ako ganun. Pero tama ka gwapo ang hinahanap ko." Sabi ko sabay hampas sa akin ni Marichu. At si Master Rob naman kasi ang hinahanap ko dahil baka gusto nya sumabay sa akin. Ngayon lang kami magkakalayo mula ng maging personal maid nya ako. Lagi kasi kaming magkasama. Baka malungkot iyon.
"Yung alaga ko kasi ang hinahanap ko. Para na rin makilala nyo sya." Sagot ko sa kanila. Nasabi ko na rin sa kanila ang kwento ng buhay ko at wala akong balak itago iyon sa lahat. Alam na din nila na binigyan ako ng full scholarship kapalit ng pagiging personal maid ko. At natutuwa ako sa kanila kasi kahit anak mahirap ako ay pinili pa din nilang manatili sa tabi ko at makipagkaibigan.
Habang kumakain kami ay di ko maiwasang tumingin kay Marichu. Ang ganda ganda kasing babae nito. Korean beauty eh. Napaisip tuloy ako, para akong nainsecure. Hiyang-hiya ang mukha ko sa kanya. Sa kutis pa lang nya ay kape't gatas na agad kami, idagdag pa itong si Liam. Tisoy naman ito. Ako lang ang morena sa kanila.
"Ang ganda mo po Marichu. Ang kinis pa ng mukha mo, pangkorean. Wooh! Sana all!!" Sabi ko sa kanya. Medyo namula naman sya dahil napatingin din si Liam sa kanya.
"Hindi naman masyado no!" Sabi ni Marichu na nagpapabebe pa. "Ang sikreto ko kasi diyan sa malaKorean beauty ko ay ang ginagamit kong glass skin set. Pero bago ako magglass skin set ay nagrejuv muna ako.." paliwanag ni Marichu. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang mga pinagsasabi ni Marichu pero pinaliwanag nya talaga sa akin ang mga iyon isa-isa. At nalaman ko na CEO ang mother nya ng isa mga sikat na beauty products sa bansa. At dahil business minded din sya ay binentahan nya ako at ibabalik daw nya ang pera ko kapag hindi daw ako kuminis.
"Mga babae talaga oh. May paskin care set pa kayo, samantalang kaming mga lalake ay isang sabon lang ang gamit. Pero gwapong-gwapo na kayo sa amin." Biglang singit naman ni Liam. Pinagpapalo namin sya ni Marichu dahil sa kayabangan. Lumalabas na din ang kakulitan nito at nakikipagsabayan na sya sa amin ni Marichu. Tawa naman ito ng tawa sa amin.
"Nacucurious na tuloy ako sa product nyo, Marichu. Sige bigyan mo ako bukas ha. Maitry nga. Makapagpaganda nga." Sabi ko.
"Hoy pangit!"
Napalingon naman agad ako sa tumawag sa akin at hindi ako nagkamali dahil si Master Rob nga ang tumawag sa akin. Pangit pala ha. Dahil sa tawag mo sa akin, kapag ako kuminis dahil sa product nila Marichu, baka ganda na ang itawag mo sa akin.
Napatayo si Liam, napatayo din si Marichu at hinawakan nya si Liam sa braso. Tumayo din ako at lumapit kay Master Rob.
"Relax lang kayo guys, siya ang alaga ko. Si Ma---" bigla nyang tinakpan ang bibig ko. At biglang bumulong sa akin na huwag ko daw syang tatawaging Master sa school. Tinanggal naman nya agad ang kamay nya sa bibig ko. "Sya si Robert Herrera II. Sya ang tinutukoy ko sa inyo. Pwede nyo siyang tawagin na Rob." Pagpapakilala ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakita kong kalmado na si Liam. Nainis siguro sya sa tawag sa akin ni Master Rob. Ang sweet naman ng kaibigan ko, handa akong ipagtanggol sa bully. Pero hindi ko naman bully si Master Rob. Ganun lang talaga ang tawag nya sa akin. Napansin ko namang napanganga si Marichu kay Master Rob. Napakahilig talaga nito sa gwapo. Lahat na lang ay napapanganga siya.
Hindi na din kami nagtagal sa cafeteria. Pinuntahan na agad namin ang aming room sa last subject namin.
"Kaya pala gusto mo magpaganda, Lia. Kasi tinatawag kang pangit ng alaga mo." Sabi ni Liam habang nakasimangot. "Hindi mo naman kailangan magpaganda eh. Kasi maganda ka na." Sabi pa nya. Ang sweet talaga nito.
"Hoy Liam! Wag ka ng bumanat banat pa diyan. Baka bawiin ni Lia ang order nya sa akin." Pambabara naman ni Marichu.
"Alam mo Lia, may napapansin ako.." sabi ni uli ni Marichu. Nagtaka naman ako. "Parang may laging natingin sa iyo tapos pag nahuli kong nakatingin biglang umiirap sa akin."
"Pansin mo din pala?!" Gulat na sabi naman ni Liam. Napapansin pala nila ang presensya ni Chelsea. Di ko na nga lang pinapansin eh dahil ayoko ng gulo.
At dahil napansin na lang din naman nila, naikuwento ko na din sa mga bago kong kaibigan ang alitan sa pagitan namin ni Chelsea. Maski sila ay naiinis na din kay Chelsea. Hindi ko naman intensyon na magbago ang tingin nila kay Chelsea pero wala naman akong magagawa kung maging masama ang impression nila dito. Lalo na at nakikita nila ang kamalditahan nito. Patirik tirik pa ito ng mata kahit na wala naman akong ginagawa.
Nang matapos ang klase ay sabay-sabay na kami lumabas nila Marichu. Kapwa sila may sundo na kotse at nauna na silang umuwi. Naabutan ako ni Chelsea sa waiting shed sa labas ng campus. Malamang, naghihintay din ito kay Kuya Jun o kay Kuya Mar. Sila kasi ang service namin, salitan daw kasi sila. May nakita akong nagtitinda ng mangga sa tawid kalsada at gusto kong bumili noon. Tumingin lang ako kay Chelsea at as usual, inirapan nya lang ako. Hindi naman ako magtatagal, bibili lang ako ng mangga na may bagoong.
Nang makabili ako ay nawala na si Chelsea sa waiting shed at natanaw ko na lang ang pamilyar na sasakyan. Iyon ang service namin. Napakasama talaga, iniwan ako. Nakakainis!!! Maglalakad na nga lang ako. Mabuti na lang kabisado ko na dito, hindi na ako maliligaw. Ang problema lang kasi, may kalayuan ito. Hindi pa naman na sapat ang pera ko para pamasahe kasi may kamahalan pala ang tinda sa cafeteria kaya ang natira ay pinambili ko na lang ng mangga.
Sobrang init, kasi alas 3 pa lang ng hapon. Napadaan ako sa harap ng simbahan. Pumasok ako saglit ng simbahan at mabilis na nagpasalamat at umalis agad. Habang naglalakad ako ay may matanda akong nakita, mag-asawa yata sila. Sobrang tanda na talaga nila at namamalimos silang dalawa. Malambot talaga ang puso ko sa mga ganito eh. Dumukot ako sa bulsa ko, huling bente ko na lang ito. Mabuti pala at naglakad ako, mabibigyan ko pa ng bente ang mga lolo at lola. Binigay ko iyon sa kanila. Halos maiyak ako sa tuwa ng makita ang kasiyahan nila sa bente pesos na binigay ko. Maya-maya ay may naramdaman akong umakbay sa akin. Napatingin ako sa kamay na nakapatong sa balikat ko. Si Master Rob. Anong ginagawa nya rito?
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya.
"Nakita kita eh. Sinundo na ako nina Jun at Mar. Tinanong nila ako kung kasama ba kita dahil si Chelsea lang daw ang nasundo nila kanina. Eh sakto nung pagdaan namin dito sa Simbahan ay nakita kita." Paliwanag nya.
Hay salamat naman at nakita ako ni Master Rob. Hindi ko na lang sinabi sa kanya ang ginawa ni Chelsea. Papalampasin ko na lang. Sa susunod ay magiging alerto na lang ako.
Pinuntahan na namin ang sasakyan. Nagkwentuhan lang kami ni Master Rob sa nangyare sa unang araw ng pasok namin. Pareha naman kaming maganda ang naging unang araw.
Nang makarating kami sa Mansyon ay inakbayan nanaman ako ni Master Rob papasok. Nang magbukas ang pinto ay nagulat si Chelsea sa nakita nya dahil magkasabay kaming umuwi ni Master Rob. Ngumisi lang ako sa kanya na tila nagyayabang. Ano ka ngayon, Chelsea? At isang matinding irap ang pinakawalan ni Chelsea sa akin. Masaya naman kaming kinamusta nina Sir Robert at Maam Sigrid. Naging masaya ang kwentuhan namin. Si Chelsea ay hindi din nagpapatalo. Paepal dahil singit ng singit sa usapan at pilit na ibinibida ang sarili nya.
Sa isang banda, nang magkaroon ng pagkakataon ang mag asawa na kausapin ako ay nagpasalamat nanaman sila sa akin. Sobrang laki daw kasi ng pinagbago ng kanilang anak. Nakakatuwa daw dahil noon ay nawawalan na sila ng pag-asa dito ngunit mula nung dumating ako ay muli daw bumalik ang mga pangarap nila para sa kanilang anak.