Napaatras ang isa niyang paa dahil sa pagkabigla. Sa lahat ng lalaki sa mundong ibabaw, bakit ito pa? Bakit hindi na lang wala?
Bumuka ang mga labi niya upang sambitin ang pagtutol pero naunahan siya ng kanyang ina.
"I'm so excited! Siguradong magiging maganda at gwapo ang mga future babies ninyo!" tuwang-tuwang saad ng Mom niya.
Kabaliktaran naman ang nararamdaman niya. Tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan. Hindi niya nga ma-imagine na maging asawa ang lalaki, magkaanak pa kaya?
Napansin ng kanyang ama ang pagkatulala niya kaya nagtanong ito. "Are you okay, Savannah?"
Napatingin siya rito. Alam niyang inuobserbahan nito ang reaksyon niya. Her dad knew how much she loathed being connected with a man in any ways.
Dahan-dahan siyang napatango kahit hindi malayo sa pagiging okay ang nararamdaman. Naroon pa rin ang pagtutol sa kanya ngunit ang lakas ng loob sabihin ay wala na.
Bumaling ang Dad niya sa ina. "Hindi dapat natin binigla si Savannah, hon. She doesn't know about this. Biglaan ito."
Kaagad siyang sumabat. "N-No. It's okay. I-Iyon din naman po ang ipinunta ko rito," sabat ko.
Hindi niya gustong magsinungaling ngunit nakita niya kasi ang pagdaan ng guilt sa mga mata ng ina. Her mom has a weak heart. Makakasama rito ang ma-stress o makaramdam ng higit sa dapat na emosyon.
She doesn't want to take the happiness away from her now. Mamaya niya na lang siguro sasabihin ang pagtutol niya. Napatingin siya sa ina nang lumapit ito at hinawakan ang kanyang mga kamay.
"I'm sorry, anak, kung sa ibang tao mo pa nalaman ito. You must be shock when you heard about the marriage kaya magpapaliwanag ako," mahinahong nito. Tanging tango na lang nagawa niya.
Nagpaalam din ang Mom niya pagkatapos para bumalik sa kusina upang ipagpatuloy ang pagluluto. Natira silang tatlo ng Dad niya at ng binatang kahit sulyap hindi niya magawa.
Ni hindi niya nga kayang banggitin ang pangalan nito. It sounds so lame but she doesn't know the reason why. Ang alam niya lang ay ayaw niyang nalalapit dito.
Binalot sila ng katahimikang tatlo pag-alis ng Mom niya. Hindi niya alam kung ilang segundo silang parang mga timang na nakatulala roon. Ang Dad niya ang unang bumasag ng katahimikan.
Her dad cleared his throat. "I'll go with your mom. Mabuti na rin sigurong iwan ko kayo para makilala ninyo ang isa't isa."
Nanlaki ang mga mata niya. No!
"Dad!"
Parehas na napatingin sa kanya ang dalawa dahil sa biglang pagsigaw niya. Napatikhim naman siya sa pagkapahiya. Masyado siyang napaghahalataan.
She can feel his stares at her. Kahit hindi niya lingunin. Parang laser na tumatagos sa kanya ang mga mata nito. Nilalandi siya upang lingunin ang binata.
Tumikhim siya. "I'm sorry pero may gagawin pa po kasi ako sa taas. Be-Besides, I want to rest too. Madami po kasing ginawa kanina," paliwanag niya.
"Is that so?" Napatango-tango ang Dad niya. "Kung gano'n pumanhik ka na sa taas. Ipapatawag na lang kita kung kakain na."
Parang may tinik na nabunot sa dibdib niya. Nakahinga siya nang maluwag. Gusto niyang bigyan ng meda ang ama dahil sa sinabi nito. Finally! Matatakasan niya na rin ang binata. Makakagalaw na siya nang maayos—
"Isabay mo na rin sa 'yo si Alessandro."
Nanigas siya sa kinatatayuan. Bumalik ang panic sa dibdib niya. "P-Po?"
"He'll sleep here tonight. Sa katapat mong kwarto ang pansamantala niyang gagamitin ngayong gabi. Ikaw na ang maghatid sa kanya para hindi na siya maligaw. Maiwan ko na kayo."
Dad! No!
Ngayon pa hindi gumalaw ang mga paa niya para habulin ang ama. Napalunok siya nang tuluyang makapasok ang kanyang Dad sa kusina. Kumakabog ang dibdib niya dahil sa kaba.
Mistula siyang na-stroke at hindi maigalaw ang mga paa niya. Maging ang bibig ay nanatiling tikom. Biglang tinakasan ng confidence ang katawan niya.
All this because of that man!
Ilang segundo silang nakatayo na parang mga tuod. They can't like this forever!
Gusto niyang magsalita para barahin ito. Bakit hindi man lang ito nagsasalita para tanungin kung bakit sila naka-stuck dito! Kailangan siya pa ang unang magtanong?
Calm down, Savannah. He's. . . He's just a man. Hindi kakainin niyan.
Napapikit siya nang mariin at humugot nang malalim na hininga. Inipon niya lahat ng kasungitan sa katawan bago ito hinarap.
Muntik nang iwan siya ng kasungitan kagaya ng lakas ng loob niya nang makitang nakamasid pala ito sa kanya. Hindi kaagad siya nakagalaw nang masalubong ang mata nito.
Ang lalaki, hindi man lang nag-iwas ng tingin! He even looks like he's enjoying watching her suffer. Pinanliitan niya ito ng mga mata.
"Sundan mo 'ko," masungit niyang utos nang makabawi.
Mabilis niya itong tinalikuran. Nauna siyang maglakad at naramdaman niya ang tahimik na pagsunod nito. Napaisip siya kung bakit hindi man lang ito nagsasalita. Pipi ba ito?
Parang namang na-strain ang katawan niya habang naglalakad. She hates how her mind assume na nakatingin ito sa likod niya.
She really hate him. There's something about him na nagpapaloka sa kanya. Parang bola na naglalaho ang confidence niya kapag malapit ito. Kaya nga siya laging umiiwas noon sa binata.
Tapos ngayon ikakasal siya rito? Paano na lang ang buhay niya kapag naging asawa niya ito? Baka daigin niya ang pader dahil lagi siyang nate-tense kapag malapit ito. O 'di naman kaya ay magmistula siyang daga at ito ang pusa na pagtataguan niya.
Out of all men they can choose, bakit iyon pang sigurado niyang hindi niya mababantaang huwag siyang pakasalan!
Huminto ang mga paa niya nang marating ang kwartong pansamantala nitong tutuluyan. Hinarap niya ito. Sinigurado niyang hindi masasalubong ang mga mata nito.
"Your room," masungit niyang imporma.
Dumaan ang tatlong segundo matapos niyang sabihin iyon pero hindi ito gumalaw. Nangunot ang noo niya. Nanigas na ba siya sa kinatatayuan?
Kumuyom ang mga kamay niya. Wala kasi siyang choice kundi lingunin ito para tingnan kung ano pang hinihintay. Ngunit mali ata ang desisyon dahil nagtama ang mga paningin nila.
Pasimple siyang lumunok upang tanggalin ang bikig sa lalamunan. He's just a man, Savannah. Stop embarrassing yourself!!
Lakas loob siyang nagsalita. "Hindi ka pa ba papasok? You're wasting my time—"
"Nakaharang ka."
What?
Kaagad siyang napatingin sa kinatatayuan. Umakyat ata lahat ng dugo niya sa ulo nang makitang nakaharang siya sa pinto ng kwarto nito. Hindi niya ata napansin dahil sa sobrang conscious niya sa presensya nito.
Napapikit siya nang mariin. Nakakahiya! Tikom ang bibig niya pero nagsisigaw na siya sa isip dahil sa sobrang hiya. Ilang beses niya pa ba niya ipapahiya ang sarili?
Tahimik siyang umalis sa pagkakaharang. "Whatever. . ." she murmured.
Tinalikuran niya ito. Umakto siyang confident sa paglalakad papunta sa kwarto kahit gustong-gusto niya nang liparin ang distansya para makapasok sa kwarto.
Kahit napahiya siya. Ang mahalaga ay confident at may poise pa rin.
Napansadal ako sa pinto nang makapasok sa loob. Daig niya pa ang nakatakas sa pulis matapos gumawa ng kasalanan.
This can't happen!
This marriage shall not happen!
Kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal na ito! No matter what happened, she shall not marry him o katapusan ng maliligayang araw niya.
I need to take action before it's too late.